Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986

Sabado, Hunyo 2, 2012

Minsan may Isang Puta


Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang k...inabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.

Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.
posted by Mannydgreat at 10:22 AM 0 comments

Ang Kapangyarihan ng Pag-ibig


Sa isang pribadong kumpanya. Nakita ni Rudolph na dumating ang aplikanteng nakuha ng kaniyang amo habang  abala siya sa paggawa ng plano ng kanilang proyekto sa  pinapasukang trabaho. Sa isang Construction Company  naninilbihan bilang Project Engineer si Rudolph.  Ang bagong kinuhang draftsman ng kanilang kumpanya ay babae maliit siya at maputi, tomboyin ang dating ngunit banaag mo sa kaniyang larawan ang isang magandang dilag. Katatapos lang nito sa kaniyang pag-aaral. Mahilig manigarilyo ang dalaga  tuwing breyktaym, at ito ang napansin ni Rudolph at inisip niya na isa itong pilyang babae. Ipinakilala ni Engr. Wu ang babae sa pangalang Mean. Kinamusta ito ni Rudolph. Naging partner sila sa trabaho at naging malapit sa isa’t isa. Namuo kay Rudolph ang isang munting paghanga sa dalaga lalo na’t ng malaman niyang dalaga ito at walang boypren. Mali rin ang kaniyang akala noon na isa itong pilyang babae.  Lagi niya itong binabati at pinaalalahanan  na mag-ingat sa kaniyang pag-alis at pagpasok. Napansin ng dalaga ang mga kilos ni Rudolph sa kaniya na di niya naman binibigyan ng importansiya sapagkat lamang pa sa kaniya ang pagiging bata sa kaniyang edad na 22 anyos lamang. Mahilig pa siyang bumarkada sa kaniyang mga kaibigan at gumimik sa mga konsiyertong Rock. Isang Rock fanatics si Mean at dito siya natutong manigarilyo at uminom tuwing kasama ang mga kaibigan. Ang kaniyang mga barkada ay mga edukado rin at nasa mabubuting pamilya kung kaya alam nila ang tama at mali. Lumalayo sila sa masasamang bisyo bagamat ang ilang niyang mga kaibigan ay nakararanas na noon. Marami siyang kaibigang babae sa kaniyang pagiging Rock Fanatics. Nanood din sila ng mga konsiyerto ng Eheads, Slapshocks, Wolfgang atbp. Tapos siya ng Inhinyero sa isang pribadong unibersidad. Kailangan niya nang ipraktis ang kaniyang napag-aralan kung kaya nag aaply siya ng trabaho at dito na nga niya nakilala si Rudolph.
Si Rudolph ay may dalawang anak ngunit hindi kasal sa kaniyang kinakasama. Bunga rin ng kabataan, ito naman ay resulta ng kaniyang kapusukan. Isa siyang Partime DJ noon sa mga kasayahan at dito niya nakilala ang kaniyang kinakasama. Nag abroad si Rudolph ng mga tatlong taon bago mapunta sa kumpanyang iyon sa Pinas. Lumaki sa poder ng ina ang mga anak ni Rudolph kung kaya hindi malapit ito sa kaniya. Di rin niya nakasama ang mga anak bago siya umalis sa bansa sapagkat hiwalay pa sila noon ng kaniyang kinakasama. Mas matanda si Rudolph ng sampung taon kay Mean at marahil ay malabo ng  papasa si Rudolph upang dumiskarte sa dalaga.
Umabot sa apat na buwan ang panunuyo ni Rudolph kay Mean at umabot na ito sa pakikialam ng gamit. Habang kumakain sa labas ang dalaga pagsapit ng alas dose ay siya namang pinakikialaman nito ang bag ng dalaga. Dito niya nakita ang ilang sulat sa isang maliit na papel na tumutukoy sa isang taong nanunuyo sa kaniya at unti unti na siyang humahanga rito. Pumalakpak ang tenga ni Rudolph, alam niyang siya ang pinatutungkulan nito. Kumupit din siya ng isang ID picture sa wallet ng dalaga at itinago nito sa kaniyang sariling pitaka. Madaling naibabalik ni Rudolph ang gamit ni Mean sa takdang puwesto na di namamalayan ng dalaga na pinakikialaman niya ito. Naging lubos ang paghanga ni Rudolph sa angking ganda ni Mean habang tumatagal . Nawawala na rin ang pagka tomboy look nito. Lagi niyang tinitingnan ang litrato ng dalaga oras oras. Nagiging babae na talaga ang porma ng cute na si Mean. Napipigilan na rin ang paninigarilyo nito.
Kasa-kasama ni Mean si Rudolph sa site ng trabaho kung may ginagawang bahay sa konstruksiyon  at napapansin ng ilang mga manggagawa ang pagkamalapit ng dalawa. Minsang sabay silang umuwi ay sinamahan ni Rudolph si Mean sa Mall, Naisipang manood ni Mean ng sine at nagpaunlak si Rudolph kung pwede siyang sumama rito. Pumayag ang dalaga at ito na ang susi ng pagtitiwala ng dalaga kay Rudoph. May halos tatlong na beses silang manood ng sine noon sa sumunod na lingo  at walang diskarteng ginagawa si Rudolph a dalaga. Naging lubos ang tiwala ni Mean sa kaniya kung kaya nagkaroon na ito ng kaunting pitak sa kaniyang puso sa pagiging gentleman nito. Nag-iinuman din sila sa kanilang opisina at gustong gusto ni Mean na pansinin siya ni Rudoph. Hinahatid ni Rudoph si Mean sa kanilang bahay kapag uuwi na lalo na’t nakainom ito. Hindi hinahayaan ni Rudoph na mapag-isa si Mean sa gabi. Halos araw araw ay magkasabay sila sa pag-uwi minsan namamasahe at minsan ay gamit ang sasakyan ng opisina.  Nagkwentuhan din sila sa texting ng mga bagay bagay na nakakatuwa. Mahilig sa banda si Rudolph, magaling ito sa mga instrumentong panugtog kung kaya lalong humanga rito si Mean. Nagbibidahan din sila ng mga kwentong Rock na siyang ikinagigiliw ng dalaga. Di lingid na napansin na ng buong opisina ang pagiging malapit ng dalawa at dina sila nakikialam dito.
Dumating ang puntong ipinagawa ni Mean ang bubong ng kanilang garahe sa bahay at si Rudolph ang naging foreman nito. Dito na siya nakilala ng ina at ama ni Mean maging ang ilan niyang mga kapatid. Pinagsabihan ng nakatatandang kapatid ni Mean si Rudolph habang nananghalian  na wag isama sa inuman si Mean dahil umuuwi ito ng lasing kapag sila ay may inuman tuwing sabado. Tumango naman si Rudolph sa sinabi ng kapatid ni Mean. Nagsimula na ang tuksuhan kay Mean ng kaniyang mga kapatid na si Rudolph ay nanliligaw sa kaniya. Itinanggi naman ito ng dalaga.
Isang gabi ay nag-usap sa text ang dalawa. Naging seryoso na ang panunuyo ni Rudolph sa dalaga. Lasing noon si Rudolph at nasa barkada na tumutugtog sa banda sa isang jamming session. Umamin si Rudolph na umiibig siya. Ikinabigla naman ni Mean ang nabasa at sinabing natutuwa siya sa caring nito ngunit di siya ganap na binata. Nag-aya si Rudolph na magkita sila sa isang parke upang mag usap na pinaunlakan naman ng dalaga.
Oktubre 7, 2002 nang magkausap ang dalawa. Namasyal muna at naglakad lakad. Tumingin sa malalaking puno at magandang tanawin. Matapos nito ay umupo sila sa isang kakahuyan.Nagpalitan ng buhay buhay ang dalawa at dito na nalaman ni Mean ang buhay ni Rudolph at nagkuwento rin si Mean ng kaniyang buhay buhay sa bahay at panahon sa kolehiyo. Matagal silang nag-usap. Magtatakipsilim noon ng yumakap si Rudolph sa likod ni Mean. Nanginginig pa noon si Mean na unang beses pa lang nayakap ng lalaki ngunit tila may kiliting di siya tumanggi, at nalaman na lamang niya na mahal na rin niya sa Rudolph sa matiyagang panunuyo nito sa kaniya.  Nagulat sila ng sumisilbato na ang guwardiya na dapat ng mag uwian ang mga tao sa parke.  Lumabas sila ng parke mag aalas sais ng gabi. Masaya si Rudolph dahil sinagot siya ni Mean na sila na ng araw na iyon ngunit magmamasid rin siya kung karapat dapat banag mahalin ang katulad niyang may anak na at sinabing ayusin ang buhay niya upang maging Malaya sila. Inaya ni Rudolph na manood ng sine si Mean pagkalabas ng parke na pumayag naman ito. Sa Cubao sila nanood ng Spykids 2 the movie at doon na nagsimulang yumakap yakap at humawak kamay si Rudolph kay Mean. Sila na nga ng araw na iyon dahil sa di pagtanggi ng dalaga sa mga yakap nito. Pauwi na sila noon magkahawak kamay ng Makita sila ng kapatid ng kanilang Accountant. Dito na kumalat ang balitang magkasintahan na ang dalawa sa kanilang opisina. Di naman ginawang issue ang relasyon na iyon sa loob ng opisina. Naging Masaya si Rudolph sa trabaho at ganun din si Mean. Nalulungkot si Mean kapag wala si Rudolph sa opisina at na assign sa Site. Gusto niya lagi ito makita. Sa text na lang sila nag-uusap ngunit minsan kapag sweldo ay nanonood muli sila ng sine at nagkikita. Disyembre 2002 ay halos nanood sila ng pitong beses na magkakasunod sa isang Mall pinakanagustuhan nilang pelikula rito ang Dekada 70. Minsan ay isinasama ni Rudolph si Mean sa kaniyang service Van sa construction at dito ay masayang Masaya ang magkasintahan. Umaabot sila noon ng Pampanga at minsa’y humihinto sa ilang na lugar upang mabigyan ng halik ang kanilang nag-aalab na mga labi .Hanggang sa humantong ang pagiging malapit sa isa’t isa na nakita na lamang nila ang kanilang mga sarili sa isang pribadong lugar. Walang nangyari sa kanila sa mga oras na iyon. Lubos ang paggalang ni Rudolph kay Mean. Makailang beses nilang ginagawa ito upang maging sarili nila ang bawat isa ngunit ganun pa rin ang pag-iingat ni Mean sa sarili na siyang sinusunod naman ni Rudolph.Masaya kasama si Rudolph, may pagkakataong tinuruan niyang mag maneho ng kotse si Mean sa isang bagong suddivision. Lahat ng mga bagay bagay na di nalalaman ni Mean ay itunuro niya rito gaya ng pag drawing sa manu mano at kompyuter. Ganun din naman si Mean kung may alam siya ay itinuturo niya rin kay Rudolph. Tinuruan din ni Rudolph si Mean ng pag eestima ng budget ng mga konstruksiyon at ang pagkuha ng mga permits sa gusaling bayan. Pinaliliwanag niya rin ang tamang pang konstuksiyon ng bahay sa aktuwal na pamamaraan na siya namang ikinatutuwa ni Mean.
Ngunit dumating ang pagkakataong mahina na ang kita ng kumpanya ni Engr. Wu kung kaya nag resign ang dalawa dahil kulang kulang na ang kanilang sweldo sa kawalan ng mga proyekto.  Dito na sila nagkahiwalay ng trabaho. Kung saan saan sila nag apply noon. Lagi silang magkasama sa pag-aaply. Nagaayos sila ng kanilang resume sa isang kilalang food chain tuwing umaga. Makailang beses din nag resign si Mean sa kaniyang bagong trabaho sapagkat walang gana ito a nature ng trabaho at surroundings isa pa rito na wala si Rudolph sa piling niya ,ngunit tinanggap niya ang pagkakataong kailangan niyang magtrabaho kahit wala ang kasintahan. Nakapag trabaho ang dalawa at dalawang beses sa isang linggo kung magkita. Sa pagtratrabaho ni Rudolph ay motor na ang kaniyang gamit. Inaangkas niya rito si Mean kung sila ay nagkikita. Naglalaro sila ng Bilyar at binibisita ang ilang mga katrabahong naiwan sa kanilang dating pinapasukan sa Construction. Nag-iinuman sila rito ng bahagya at nag kwe-kwentuhan.
Mahilig din sila mag joyride, magtungo sa Antipolo, Bulacan atbp. Masayang Masaya sila sa isa’t isa. Ngunit sa tuwing uuwi na sila ay dina mapigilan ni Mean na magtampo. Di pa kasi magawang magpakilala ni Rudolph sa kanila upang malaman na siya ang kasintahan ng dalaga. Patagu-tago sila sa bawat kasama niya si Rudolph. Nahihiya pa kasi si Rudolph sa kaniyang sitwasyon at di pa niya mahiwalayan ang kaniyang mga anak noon.  Sa pagmamahal ni Mean ay nagtiwala pa rin ito kay Rudolph at matiyagang naghintay.  Mahal na mahal na ni Mean si Rudolph, tanggap niya na kahit di niya maipakilala ito sa kanilang pamilya at kaibigan ay darating ang araw na masasarili na niya ang lalaki.
Lumipas ang ilang taon ay lubos na ang pag-iibigan ni Rudolph at Mean. Taong 2005 ay tumitindi ang sidhi ng kanilang damdamin kahit ilang sandaling pagkikita. Di na napigilan ni Mean na magparaya sa nagtitimping si Rudolph. Ibinigay na nito ang sarili sa kaniya. Sukdulan na ang pagmamahal na ibinigay ni Mean kay Rudolph. Dito na rin lalong umalab ang pagmamahal ni Rudolph sa kasintahan dinalasan na niya ang pagkikita nila sa loob ng isang linggo, ngunit ganun pa rin sa pag-uwi. Ang patagu-tagong kilos ng magkasintahan ay di pa rin maalis sa isip ng dalaga. Kapansin pansin din ang di na paninigarilyo ni Mean, naging mapagmahal na siya sa kasintahan, hindi na rin siya malakas uminom gaya ng dati at halos umiinom lamang siya kapag kasama si Rudolph. Tanong niya sa sarile bakit nandito ako sa piling ng lalaking di karapat dapat sa akin. Ang pag-ibig nga ay hahamakin ang lahat, bulag at may matinding kapangyarihan. Sa pag-iibigan ng dalawa ay di maalis ang tampuhan, dabugan at away na kung minsan ay humahantong sa iwanan ngunit babalik pa rin dahil na rin sa hiwaga ng pagmamahal.
Bumilang muli ang taon sa 2007, paminsan minsan ay hatid sundo ni Rudolph si Mean pinapasukan nitong trabaho. Hinihintay ito ni Rudolph kahit na mag hatinggabi.Nakikita ng kaniyang mga kaopisina si Rudolph at alam nilang kasintahan ito ng kanilang officemate. Masaya si Mean kay Rudolph, mas malaki ang kita niya kaysa sa lalaki kung kaya’t laging si Mean ang sumasagot ng kanilang dates at Malling malaking kumpanya kasi ang napasukan nito kaysa kay Rudolph. Ilang taon na ring nag reregalo si Mean kay Rudolph ng mga materyal na bagay. Bagama’t kapos naman sa kita ay ginagantihan naman ni Rudolph si Mean ng ilang mga malilit na regalo at pagmamahal. Sa ganoong pagkakataon ay di mahalaga ang pera kay Mean, ang mahalaga ay mapasaya niya si Rudolph. Hirap pa rin si Rudolph na kalasan ang kaniyang mga anak. Nagaaral pa kasi ang mga ito. Patuloy pa rin ang pagtiyatiyaga ni Mean kay Rudolph. Makailang beses na itong umiyak sa kanilang pagtatagpo. Patuloy nangangako si Rudolph sa kasintahang malapit na silang magkasama. Ang pangako ang pinanghahawakan ng dalaga.
Bumilang muli ang taon, 2009 ang anibersayo at kaarawan ng bawa’t isa ay naging masigabo sa palitan ng regalo , cards at pagmamahal. Unti-unti ng nawawalan ng pag-asa si Mean, gusto na niyang sumuko ngunit alipin pa rin ng pagmamahal ni Rudolph. Sinsisita na niya si Rudolph na gumawa na siya ng kaniyang sariling desisyon. Pinipilit niya ng magpakasal silang dalawa. Mali at kung mali na nga ang naiisip ni Mean na siya pa ang nanghihimok sa lalaki ngunit ginagawa niya ito sa tindi ng kaniyang pag-ibig  lalo na’t tumatakbo ang tagal ng taon. Lumilipas ang bawat sandali. Ang mga yakap naman ni Rudolph ang nagpapakalma sa kaniyang pag-iisip. Ang dibdib ni Rudolph ang nagsisilbing panyo para sa kaniyang mga luha. Nagtungo sila sa iba’t ibang lugar sa Luzon at naligo sa iba’t ibang resort upang masarili ang bawat isa na matatawag na mga nakaw na sandali. Sa piling ni Rudolph ay nalilimutan niya ang tagal ng kanilang pagsasama. Madalas silang maglaro sa mga arcade ng malls at manood ng banda sa mga gimikan, Sumasakay din sila ng mga tsubibo sa mga kilalang establisimiento. Kumain sa mga sikat na resto maging sa mga turo turo lamang.
Dumating na ang taong 2012, di napigilan ni Mean ang maghinagpis, sa kaarawan nito ay nagpaalam na siya kay Rudolph at sinabing ayusin niya muna ang kaniyang sarili bago muling makiharap sa kaniya kung hindi pa huli ang lahat. Di na mapakali si Rudolph ayaw niyang malayo sa kaniya si Mean, mahal mahal niya ang kasintahan, ngunit alam niyang nasa kaniya ang pagkakamali. Sinabi niyang aayusin niya ang kaniyang katayuan para sa dalaga ng Enero, Pebrero, Abril at  sumunod sunod pa. Wala pa ring nangyayari. Mahal pa rin niya si Rudolph ngunit kailangan niyang gawin ito. Matapos tanggapin ni Mean ang regalo ni Rudolph ay nakipagkita ito makalawa. Dito na sila nag-iyakan nag palitan sila ng kwento ng mga nangyari sa kanilang sa loob ng halos sampung taon. Kumain sila at nanood ng sine. Dumating ang gabi, hinatid na ni Rudolph si Mean sa malapit sa kanila. Maaring ito na ang huli nilang pagkikita. Nag-uuusap sila sa text ngunit wala na itong sigla. Lubos na dinamdam ni Rudolph ang pangyayari, nabalisa siya, di nakakain at nangungulila. Nakalimutan ang barkada at laging napapalpak sa trabaho. Pinilit ni Rudolph na huwag mag paapekto sa nararamdaman. DI niya makalimutan ang text ni Mean “Hayaan mu na muna ako” .Nagdasal siya sa Panginoon, na bakit nangyari sa kaniya ang ganito at bakit nadamay pa si Mean. Umiiyak siya gabi gabi at kung ilang beses muntik mabangga sa pagmamaneho. Hinihintay niya na mag text ang dalaga kahit dina matamis ang mensahe nito . Dito ay sasaya na siya at malalamang si Mean ay nakaaalala pa. Nagtetext pa din si Mean ngunit madalang pa sa isang araw. Sa pamamagitan nito ay sumasaya si Rudolph. Nag-iwan siya ng mensahe sa email ng dalaga na mahal na mahal niya ito. Ang kapangyarihan ng pag-ibig  ay mahirap talagang mapigilan anuman ang mga balakid dito.
Lumipas ang ilang buwan, ay nakagawa na ng desisyon si Rudolph. Tinatawagan niya si Mean ngunit ayaw sagutin , kinokontak niya sa Facebook ngunit di niya ito makita at dina nag rereply sa kaniyang mga emails. Gusto niyang puntahan sa opisina  nito ngunit nag aalangan siya na di siya pansinin nito kung kasama  ang ilang mga katrabaho o manliligaw o barkada o maaring bagong kapalagayan ng loob kaya nag desisyon siya na puntahan ito sa kanilang bahay at handa ng humarap sa kaniyang pamilya. Handa na siyang kausapin at ipaglaban ang kanilang pag-iibigan ngunit siya ay nag-aalala  at pumapasok pa rin sa kaniyang isipan ang mga katagang,  “Tanggapin pa kaya siya ni Mean, tumabang na kaya ang pag-ibig niya o mayroon na siyang mga bagong manliligaw o mayroon na kaya siya ngayong katipan”. Habang papaalis ay kumakabog ang kaniyang dibdib, umaapaw ang tuwa. Hawak niya ang kaniyang biniling singsing na  ginto para sa dalaga tanda na handa na niyang pakasalan  ito. Nagtext siya rito bago sumakay sa motorsiklo.  Lumiliit ang kaniyang paningin ng mga oras na iyon, masigla siya na sasabihin na niya na naipaglaban na niya ang kanilang pag-iibigan. Sa kabilang dako ay nagulat si Mean ng mabasa ang text sa kaniyang cellphone na naglalaman na. "I love You and I want to Marry you" . Habang binabaybay ni Rudolph  ang daan patungo sa bahay ng kasintahan ng linggong iyon ay may trapik sa di kalayuan , tinanong niya ang lalaking katabi kung bakit nagkatrapik ngunit di ito sumagot. Deadma rin ang isang babaeng tindera ng kausapin niya rin ito. Napapatawa lang si Rudolph sa mga taong pinagtatanungan niya. Namulagat siya ng malamang Isang aksidente pala ang nangyari. Patay ang drayber ng motorsiklo nang mabangga ito ng Bus. Pinuntahan niya ito at nakiusyoso. Nagulat siya sa nakita,  ang jacket ng naaksidente ay hawig ng kaniyang jacket at sa palad nito ay may singsing na  GINTO.

WAKAS
posted by Mannydgreat at 12:38 AM 0 comments

Biyernes, Mayo 14, 2010

Singkamas Street

Singkamas street. Isang kalye sa isang sulok ng Maynila. Matao, maraming tambay. Maraming halang ang bituka. Maraming tsismosa at mga asong palaboy. Kinatatakutang lugar. Dito napadaan ang isang taxing puti. Walang sakay na tila may hinahanap ang tsuper nito. Mabagal at maingat ang naturang sasakyan sa lubak lubak na daan na naipunan ng maruming tubig ulan.

Isang bata na nasa limang taong gulang ang di napansin ng drayber na naghahabulan na pasalubong sa unahan ng sasakyan. Di ito nakatingin sa daraanan. Biglang hinto ang taxi ngunit ang bilis ng kilos ng bata ang siyang humampas sa bumper ng sasakyan. Bagsak ito at may dugong dumaloy sa noo ng paslit.

"anak ng pating bumaba ka diyan bakit mo binangga ang bata!" sigaw ng isang tambay

Bumaba ang tsuper upang magpaliwanag ngunit isang suntok agad ang tumama sa mukha nito dahilan upang siya ay tumakbo. Naharang siya ng ilang kalalakihan.

"tatakas ka pa ha eto sa yo!"

"aray ku, di ko sinasadya maawa kayo!" pagmamakaawa ng drayber

Suntok, papaluka, tuhod, bambo ang inabot ng tsuper sa taong bayan. Lugmok ito sa kalyeng putikan.Di na ito nakapagpaliwanag.

"tama na yan, ano ba ginawa niyo, hayan di na kumikilos dalhin niyo sa ospital yan" sigaw ng umawat na barangay tanod

Isa-isang nagtakasan ang bumugbog sa tsuper. Ilang nagmagandang loob ang nagbuhat dito at isinugod sa ospital sakay ng isang pedicab. Binantayan ng tanod ang taxi upang maimbestigahan pagdating ng mga pulis. Isinugod din ang bata sa ospital upang bigyang lunas ang sugat nito na di naman napuruhan.

Makalipas ang isang oras ay may kumuha na sa taxi. Nagtanong dito ang isang lalaki.

"brod kumusta ang drayber?"
"matinde pare, patay ang drayber napuruhan sa ulo, hayun ang mga pulis nag iimbestiga na, kaso walang maituro, parang walang mangyayari kasi nabugbog ng marami alangan namang ikulong mo lahat e walang tetestigo takot ang mga tao"

"kawawa naman, tsk tsk..."
"ikaw pare me alam kaba kung sino me hawak ng matigas na bagay na pumalo sa drayber?"
"a e wala a, nakita ko lang lugmok na ang drayber" wika ng lalaki

agad na lumisan ang lalaking nag-uusyoso. Nestor ang pangalan nito na kapatid ng ng ina ng batang naaksidente. Nagtungo ito sa kanilang bahay.

"ate, kawawa naman ang drayber patay daw sa bugbog" wika nito

"ha, Diyos ko, e di wala na rin magbabayad ng gastusin sa ospital ni Jekjek, kawawa naman ang drayber kawawa rin tayo sa gastos" wika ni Lina na ina ng bata

"kumusta naman si Jekjek ate?" wika ni Nestor
"ilalabas na raw sabi ni nanay , two stitches lang wala namang fracture, Diyos ko, ano ba naman ito may napatay na naman ang mga tambay, Nestor wag ka magtuturo sa mga pulis ha kung me nakita ka delikado!"

"oo naman ate kahit alam ko si Toma ang pumalo ng bakal sa ulo niya"

"pssst, wag ka maingay, hu hu Diyos ko kasalanan man itong pagtahimik natin e ayaw kong mapahamak tayo pero naawa ako sa drayber"

Kinagabihan dumating si aling Berang dala si Jekjek.

"hay naku gastos na naman ito, 2,500 lahat ang babayaran, nabalitaan ko namatay daw ang drayber Diyosmiyo sa lugar natin talaga. Lina puntahan mo na ang asawa mo sa QC humingi ka ng tulong sabihin mo naaksidente ang anak niya, kung maangas ang kinakasama niya sampalin mo!"

"e nay di pa naman sila kasal e , balita ko nga naghiwalay na sila"

" e anong balak mo pakakasal ka na sa kaniya, ikaw magdesisyon ka, alam mo namang babaero ang kasintahan mong yan na bumuntis sa iyo, pero sa ngayon asikasuhin mo muna ang gastos humingi ka ng pera sa kaniya para sa anak niya kamo!"

"opo nay bukas po ng umaga pupuntahan ko, anak halika ka nga at isasama kita bukas sa tatay mo"

Ngumiti ang bata at yumakap sa ina.

Kinaumagahan isang oras ang biniyahe ng mag-ina patungo sa tirahan ni Boy na kaniyang kasintahan na ama ni Jek jek. Binulaga siya ng isang dalaga na kapatid ni Boy.

"ate Lina!"
"O Nancy, ang kuya mo nandiyan ba?"
"ate Lina" (singhot).. umiyak ito
"bakit ano nangyari sa iyo bakit ka umiiyak?"
"namatay si kuya kahapon hu hu nakaburol sa bahay hu hu"
"Diyos ko, Boy! hu hu hu Boy!" tumakbo si Lina patungo sa bahay, iniwan niya ang bata kay Nancy. Niyakap niya ang kabaong ng kasintahan.

"nay, ano nangyari hu hu si Boy hu hu hu" sigaw ni Lina

"hinahanap ka niya Lina, dalawang buwan na siyang iniwan ng kaniyang kinakasama. Hinahanap niya kayong mag-ina, kayo raw ang mahal niya hu hu hu"

"ano ho ang nangyari ano ho ang ikinamatay niya?" tanong ni Lina

"sa paghahanap sa inyo, matapos siyang bumiyahe sa taxi ,binugbog siya ng mga tambay sabi ng mga pulis, matapos niyang aksidenteng masagi ang isang bata sa isang kalye sa maynila, walang awa sila hu hu hu, walang matukoy ang mga pulis kung sino me gawa, walang tumetestigo!"

Natigilan si Lina sa narinig. Nanigas ang kaniyang mga panga. Napalingon siya sa dumarating na si Nancy dala ang kaniyang anak.

"nay, saan hong kalye nangyari ang aksidente?" tanong ni Lina

"sa Singkamas Street daw Lina" sagot ng ina

Napaluhod si Lina sa kaniyang kinatatayuan at humagulgol ng iyak. Niyakap siya ng anak nito na napaiyak na rin.

WAKAS
posted by Mannydgreat at 10:44 AM 1 comments

Huwebes, Mayo 13, 2010

BEST OF FRIENDS

Mabilis na tumatakbo si Lucio patungo kay Rafael habang namimingwit ito sa tabing ilog. Habang nakatalikod at di nakikita ang parating na kaibigan ay tinakpan ni Lucio ang mata ng huli at sabay sabing:

"nges hu??"

"ano ka ba naman Lucio, e siempre alam ko na ikaw yan e ngongo ka e ha ha ha!"
sabay talikod at pabirong tinawanan ang kaibigan

"uu a pala, alimuan u e, en cya na ha ur et u e" (ay oo nga pala sensiya na a forget ko e)

"don't worry Lucio nagulat mo ako roon, tara mamingwit tayo, aba si Jojo andiyan na pala o!"

Habang humahangos si Joo patungo sa kanila ay binati nito si Lucio "uy Lucio, Raf, kanina pa kayo?"

"in e, aaating u lang, i Af aina pa" (hindi, kadarating lang si raf kanina pa) sagot ni Lucio

"ha ha ha, nahihirapan ako sa iyo Lucio , oo nga pala magtatapos na tayo ng High School saan ka mag College Raf?" tanong ni Jojo

"Vocational lang kukunin ko kasi wala pera ang tatay e, pag nakaraos na saka ako kukuha ng degree, ikaw Lucio ano balak mo?"

Tahimik lang si Lucio at nag isip. "baa, i a lang au a pauk i-ul, mairap ang ami e" (baka di na lang ako papasok sa iskul , mahirap lang kami e)

"kaya yan Lucio at saka kahit me kapansanan ka, me iskul para sa iyo at tanggap na ng ilang ahensiya na makapagtrabaho ang isang ngongong katulad mo" paliwanag ni Jojo

"aamat Yoyo" (salamat Jojo)

Lumipas ang mga taon. Matagal na di nagkita ang mag-kakaibigan. Halos 25 taon na ang nakararaan. Nagpatawag ng isang Grand Reunion ng kanilang paaralan noong haiskul. Dumalo sina Jojo at Rafael. Nagpangita ang dalawa sa mismong paaralan kung saan ginanap ang okasyon.

"wow, Rafael! taba mo ngayon saan ka na ngayon ano work mo?" tanong ni Jojo

"pare palipat lipat lang ako ng trabaho, di masyadong sinuwerte e, contractor lang ng bahay, kung meron ok pag wala gutom, pero nakakaraos din, nakapag patapos na ako ng anak sa kolehiyo" tugon ni Rafael

"ano ba kinuha mo kurso?" tanong pa ni Jojo

"undergraduate ako ng Civil pare"

"Civil War?" biro ni Jojo

"kaw talaga palabiro ka pa rin , ikaw ano tinapos mo?"

"management pare, District manager na ako ngayon, di naman kataasan ng sweldo ayos lang, maganda dun me kumisyon at allowance"

"matagal ka na riyan sa work mo?" tanong ni Raf

"di naman three years pa lang alam mo naman sa sales palipat lipat pag di na maganda benta mo tsugi ka na kaya hahanap ka ulit ng ibang ibebenta, so far OK naman ako dito"

"ano ba binebenta mo, baka naman "s" "

"ha ha, tama na nga biro mo Raf gumaganti ka ha , oo nga pala napansin mu ba si Lucio ngongo dumating ba?"

"di ko alam e, teka, siya yata yun o, yung naka polo na maroon ang ganda ng porma a parang si Ayala"

"tawagin natin pare, LUCIO!"

Lumingon ang lalaki at lumapit sa kanila.

"Lucio ikaw ba yan, mukhang bigtime ka na saan ka nag wowork?" tanong ni Rafael

"au nga, ha ha, ong aym o see, oey aman au, maanda abaho"(ako nga, long time no see, ok naman ako maganda trabaho) sagot ni Lucio

"saan ka nagtratrabaho kita mo naman ang kapalaran ano" tanong ni Jojo

"a i-el i-i" (Sa PLDT) sagot ni Lucio

"HA! sa PLDT, pano nakapasok doon ano trabaho mo doon!" gulat na naitanong ni Rafael

"ele-on o-e -rey-or" (telephone operator)

"ano telephone operator ka pa, kita mu naman ang swerte, pano nangyari iyon?" sabat ni Rafael

"i ba pag bii ang eleono, me umu unog na. UH! UH! UH! AU YUN!!!!"(di ba pag busy ang telepono, me tumutunog na U! U! U!, ako yun)

"HA!!!!! sabay hinimatay ang dalawa. :)

WAKAS

(HA HA, akala niyo tunay na buhay a!)
posted by Mannydgreat at 11:30 AM 0 comments

Ang Malas na Masuwerte

Mainit ang init ng araw ng katanghaliang iyon. Abala ang mga istudyante sa kanilang pag-aaral sa isang mataas na paaralan. Nasa "graduating class" na si Rosendo kung kaya't hataw ito sa pag-aaral. Kasama ang barkadang si Rolando at Buboy ay lumabas sila ng paaralan ng oras na iyon upang kumain.

"sir lalabas kami" wika ni Rosendo
"di pa pwedeng lumabas ang 4th year mamaya pang 12:30 ng hapon" wika ng isang opisyal ng kadete na nakatoka sa gate ng araw na iyon. Kasama ang ilang tauhan nitong COCC.

"11:30 pa lang pala Sindoy, mamaya na lang tayo" himok ni Buboy
"ano ka ba, sayang ang oras e wala naman ang titser natin sa HE kaya dapat maaga tayo lumabas" sagot ni Rosendo sa kaibigan

"sir wala na kami klase absent ang titser namin baka pwede na kami lumabas" pagsusumamo ni Rosendo

"kulit niyo naman e, e di unfair sa ibang 4th year, sabay sabay na lang kayo" wika ng guwardiya

"yabang mo naman, di ka naman mapakiusapan" angas ni Rolando

"Mga pards, wag niyo angasan yan , frat member yan baka abangan tayo sa labas ng grupo niyan" bulong ni Buboy

"bakit frat din naman ako a, magkabanggaan na lang kami" wika ni Rolando

"mga pare wag na tayo magpumilit tara at dun tayo sa likod" wika ni Rosendo

"ano gagawin natin sa likod" pagtataka ni Buboy

"tatalon tayo sa bakod" bulong ni Rosendo

"Mga pards grabe naman e kung mahuli tayo ng principal yare tayo, dalawa pa naman pagkatao nun yare tayo" sabat ni Buboy
"di tayo mahuhuli, akong bahala basta bilisan lang"

Matipuno ang katawan ni Rolando at Rosendo. Maputi at may katangkaran at mula sa isang marangyang pamilya. Samantalang si Buboy ay galing lamang sa pamilyang iskwater sa tabing sapa malapit sa bayan, maitim ito may kakapalan ang kilay at sarat ang ilong, ngunit di naging balakid ito sa pagkakaibigan ng tatlo mula pa noong pagkabata.

Akmang aakyat na si Rosendo sa bakod habang nakatuntong sa likuran ni Buboy ng:

"TIGIL! sigaw ng prinsipal , hawak ang walis tambo ng makita ang tatlo sa likurang ng unang palapag ng tatlong palapag na gusali.

"mga pards patay yare tayo, kick out tayo nito sabi ko na sa inyo wag dito e hu hu hu" bulong ni Buboy

"wag niyong tatangkaing tumakbo at kilala ko kayo at wala na kayong lalabasan diyan! lapit DITO!!!" wika ng prinsipal

Nakayukong lumapit ang tatlo. Pinagmasdan ng prinsipal ang mga istudyante. Pinaikot at hinatak si Buboy.

"sinabi ko nang bawal ang pagtalon sa bakod noon pa man ginagawa niyo pa! sigaw ng prinsipal sabay sabunot sa buhok ni Buboy at kinaldagan sa dibdib ang bata.

"aray!!!! huhu sorry po sir di na po mauulit aray ku po ahhhhh!!!! hu hu hu!" pagsusumamo ni Buboy

"sir hu hu sorry na po kami sir , ako po ang me kasalanan di po siya" sabat ni Rosendo

"wag kang magsalita diyan at tatamaan ka rin sa akin!"
"sorry po sir"

Pinagmasdang mabuti ng prinsipal ang dalawa, habang si Buboy ay namimilipit sa sakit na napaupo at humahagulgol.

"sino tatay mo taga saan ka" wika ng prinsipal kay Rosendo
"taga kabilang baybay po , anak po ako ni GRCO Santillan"
"aha! me sinasabi pala ang tatay mo, marangal ang trabaho pero heto ang anak niya isang matigas ang ulo!, ikaw naman sino tatay mo at taga saan ka?!"

"taga Camarin po, anak po ako ng Engr. Reyes sir"
"Isa ka pa ring hangal na anak , matigas ang kukote, sayang lang ang pinapag-aral sa inyo ng mga magulang niyo kung ma kick out kayo!"

"naku sir parang awa niyo na po wag niyo po kaming kick out magagalit po sila sa amin hu hu hu" pagsusumamo ni Rosendo

"ha ha ha, para kayong mga anghel ha, di bale sige makakalis na kayo , sama niyo na ang isang ire, at kayong dalawa dumiretso kayo sa principals office ngayon din sige lakad NA!!!!" sigaw ng prinsipal

Lumakad ang dalawa, inakay nila si Buboy.
"Buboy sorry ha" wika ni Rosendo
"Mga pards ako lang ang binugbog ni sir kasi pangit ako kayo mga gwapo hu hu hu" mahinang tinig ni Buboy

"di naman siguro Buboy ikaw lang kasi ang unang lumapit sa kaniya, kasi dapat tumakbo tayo e" sabat ni Rolando

"kung me tatakbo isa pa ring ang mahuhuli sa atin kasi maliit lang ang lagusan doon, e mabilis din ang takbo ni Sir" sabat ni Rosendo

"sige Buboy mauna ka na mag 12:30 na, wag ka na magsumbong sa magulang mo pati sa amin ha, buti nga pinagbigyan tayo, kalimutan mu na ang lahat" paliwanag pa ni Rosendo

"sindoy sabi pupunta tayo sa office niya, naku ano kaya ang gagawin sa atin doon?" takot na sambit ni Rolando

"ewan ko bahala na"

Lumipas ang maraming taon. Isang Grand Reunion naganap sa kanilang paaralan. Nabalitaan ng tatlo ang okasyong darating. Matagal na ring di nagkikita ang tatlo na halos 30 dekada na. Nang sumapit ang okasyong iyon ay nagkita-kita sila.

"Rolly! ha ha ha kumusta ha ha" sigaw ni Rosendo

"Ro...Rosendo, ha ha ikaw nga yan ang nunal mo e ha ha ha kumusta pare, taba muna ngayon"

"pumayat pa nga ako nito, kumusta na mukhang maganda trabaho mo a" tanong ni Rosendo

"di ko natapos ang college pare, nalulong e, nagalit si Papa ko pilit akong pinag aral pero wala pa rin mahina na utak ko kaya hayun tumanda nako ng paurong, pero kahit papaano me iniwang negosyo si Papa, yung welding Shop, marumi ang trabaho at mabigat pero ok na rin me lima na akong apo pare" paliwanag ni Rolando

"ok lang iyon ang mahalaga e buhay pa tayo yung iba nating ka batch e todas na nga e, ako pare natapos ako pero minalas sa trabaho, nag abroad ako pero naloko ng arabo nakulong pa nga ako sa Saudi e, sa ngayon nag titinda kami ni misis sa Divisoria, nakakaraos naman kahit papaano, wala pa akong apo, isa lang anak ko lalaki ayaw pa mag asawa ha ha ha!"

"buti nga iyon di ka pa tinatawag na lolo ha ha ha!" tawanan ng dalawa

"nga pala me balita ka ba ke Jeff?" tanong ni Rolando
"si Jeff... a si Buboy , e yun din nga ang tatanong ko sa iyo e, alam ko winalis ang iskwater noon damay sila nasan na kaya yun aaten kaya?"

"Mga pards! kayo ba sina Lando at Sindoy?" sabat ng isang lalaki sa likuran ng dalawa

"BUBOY! ha ha kumusta na ha ha " nagyakapan ang tatlo

"mukhang asenso ka na a, saan ka ba nagtratrabaho pare ang laki ng katawan mo a, kaso maiitm ka pa rin at maliit" biro ni Rosendo

"nangitim ako mula ng mabugbog ako ng prinsipal" biro ni Buboy

"ha ha ha! natatandaan mu pa pala iyon" wika ni Rolando

"kauuwi ko lang pare, galing ako sa amerika, isa akong Photographer doon, nakapag asawa ako ng filam dahil sa penpal dinala ako doon at may isa kaming anak na US Navy, hayun sinuwerte ng kaunti nag aral ng photography doon e maganda na technology ngayon kaya hayun kahit papaano umabot pa ang edad ko"

"kita mo naman ang kapalaran noon ikaw ang malas sa buhay ngayon sinuwerte, kami suwerte noon ngayon naman minalas, dati sa iskwater lang kayo, ngayon mas maganda pa pala ang buhay mo sa amin, kami pang anak ng me kaya sa buhay" malamyang tinig ni Rosendo

"tanggalin mo nga ang salitang malas at puro suwerte lang ang banggitin mo naiirita ako e hindi importante iyon, basta buhay pa tayo, at nagkasama-samang muli, pare kunin natin ang mga emails at phone natin sa isa't isa ha magkokontakan tayo, saan ba naka pwesto batch natin at ng makaupo na tayo?"

"a doon pare sa sulok hayun, tara at doon tayo at ng makausap natin mga batch natin" wika ni Rolando

Puwesto na ang tatlo, marami rami rin ang kanilang ka batch at nag chika chika. Tawanan, may iyakan pa at may halong biruan.

"Mga pards pwede ba akong mag wish sa inyong dalawa tutal ngayon lang naman tayo nagkita kita, siguro naman pagbibigyan niyo na ako, akong bahala sa inyo bulas treat ko kayo sa Eastwood Libis he he he ?" wika ni Buboy
"sige ano yun pre?" sambit ni Rosendo

"ano nangyari ng pumunta kayo sa principals office noon nahuli tayong tumatalon di niyo naman kasi sinasabi sa akin mula ng nag gradweyt tayo e?"

Sandaling nagkatinginan ang dalawa ng:

"AND NOW LADIES ANG GENTLEMEN WELCOME THE GRAND REUNION 2007!" lumabas na tinig mula sa entablado upang magsimula na ang okasyon

"pare umpisa na mamaya na lang ha" wika ni Rolando
"na naman! kayo na nga ang bahala mga pards isekreto niyo na lang yan ha ha ha ha!" bulalas ni Buboy

"wag ka mag alala, kapag naratay na kami sa banig karamdaman sasabihin na namin sa yo" biro ng dalawa


WAKAS
posted by Mannydgreat at 11:13 AM 0 comments

Minsan May Isang Ama

"Kadyo, me dalaw ka!"

"uy me dalaw rin himala kosa sino yun asawa mo aba, bata pa a, at maganda tsk.. tsk me sikreto ka pala kosa"

"Kosang Jomar di ko kilala yan, kaya malamang reporter yan o mga istudyante" sagot ni Kadyo

Tumayo si Kadyo at tinahak ang daan patungo sa isang lamesang kuwadrado na dooy naghihintay si Elma na isang News Reporter na tumututok sa kaso ni Kadyo na lider ng Paltik Gang. Habang bantay ng isang pulis ay nagpaiwan ng bilin ang pulis kay Kadyo.

"Kadyo diyes minutos lang ha, walang gulo ha, babae kausap mo"

"wag ka mag alala sir ibang Kadyo na kaharap mo"

"Magandang umaga po mang Kadyo, ako po si Elma Santillan"
"kilala kita, nababasa ko ang kolum mo sa tabloid, ayos naman ang mga sulat mo roon at lumalabas na neutral ka, at alam ko namang nagkamali ako sa batas" sagot ni Kadyo

"Alam ko na po ang pinaghirapang buhay niyo"
"pano mo naman nalaman?"
"nagtungo po ako sa Samar sa lugar niyo sa isang isla, at doo'y nakausap ko ang inyong mga magulang"

"mahal na mahal nila ako Elma, sampu magkakapatid na lumaki sa hirap at halos elementarya lang ang natapos, pang apat ako,nagsumikap akong makatulong sa mga magulang ko. Napakahirap ng buhay sa amin, maging tubig tabang ay ginto, kung magsaing kami ay sabaw ng niyog ang gamit namin dahil napakahirap kainin ang sinaing na pinakuluan sa dagat"

"alam ko po iyong Mang Kadyo pero sa mura niyong edad siguro po nasa 38anyos na kayo tama po ba?"

"oo 10 taon na akong nakakulong dito, nagsimula ang aking krimen ng ako ay 17 anyos pa lamang, marami na akong napatay na pulis at sibilyang nadamay lamang, hirap kami at kailangan kong kumita ng pera kahit sa masamang paraan, OO kilala ko ang Diyos , pero tao lang ako at hindi sarili ko lang ang aking iniintindi kundi ang lahat ng tao sa aming isla. Sa lahat nga mga nakuha kong pera sa mga banko ay binabahaginan ko ang lahat ng mahihirap. Kasi sa atin mayayaman lang ang yumayaman, pati ang mga hayup na pulitkong iyan walang kwenta."

"ang iba niyong mga kapatid , saan napo sila ngayon ni hindi alam ng mga magulang niyo"

"di na nila ako inintindi, wala akong dalaw kahit isa, maliban sa kamag anak ng mga napatay ko, pumunta sila rito upang ako ay murahin at pasakitan, ang alam ko nag kaniya kaniya na sila, may nasa Masbate, Negros at Mindanao, ang isa ang dalawang nakababata kong kapatid e napatay rin sa isang holdapan sa Davao, magulo ang pamilya namin, minsan ninanis kong sana ay hindi na kami sumulpot sa daigdig, sana ay pinatay na lang kami sa sinapupunan ng aking ina"

"di naman siguro dapat ganun, Mang Kadyo, ang buhay ay laging me pag asa"

"sa palagay mu ba me pagasa pa ako?"

Sandaling natigilan si Elma at napabuntong hininga.

"noong bata pa kami, ay halos kamoteng kahoy ang aming kinakain, salamat sa yamang lupa ng bayan natin at tumutubo ang ganitong uri ng pagkaing ugat. Kung gusto naming kumita ay mangingisda kami ngunit napakahirap ng huli kaya gagawa kami ng mga dinamita. Kinukuha ko ang mga abono ng mangga at patutuyuin sa kawali dahil basa ito, ilalagay ko sa bote ng coca cola at lalagyan ng kaunting batong maliliit na pabigat sa bote lalagyan ng mitsang piston na sumisirit kahit sa tubig, at ilalagay sa ibabaw ng bote. Lalangoy kami kung saan ang mga koral ng isda, at sisindihan ang piston at ibabagsak sa dagat sisirit ang apoy at pagbagsak sa ilalim ay sasabog at lilikha ng kuryente, kailangan naming hawakan ang aming maselang bahagi ng katawan habang nakalublob sa dagat dahil maapektuhan ito sa pagsabog ng dinamita. Lulutang ang mga isda at hayun ang aming pinagkakakitaan, napakasamang gawain ngunit lalong sumama ng hindi lang isda ang aming napapatay kundi maging ang mga isda ng gobyerno, at dahil doon naapektuhan na rin ang aking semilya at hindi na nagkaanak sa asawa kong si Nelia na kinalimutan na rin ako ng makulong ako dito sa Munti".

"napakalungkot nga ng nakaraang iyan Mang Kadyo, me isa pa kong gustong sabihin sa inyo, kilala niyo ba si Victoria na taga Masbate"

"a,, ha ha ha, oo bakit saan mo siya nakilala?"

"Nasa Laguna po siya ngayon, balak niya ngang dalawin kayo nakilala ku po siya noong bata pa ako"

"naging kasintahan ko si Victoria ng 18 anyos ako, isang babaeng maganda na nagtintinda ng paborito kong bulalo, bakit bata ka pa kilala mo siya?"

"kasi po siya ang aking ina at sinabi po niya na panahon na para malaman ko ang totoo, ang aking kinagisnang ama ay si Doro na asawa ng nanay ko ngayon pero hindi raw siya ang tunay kong ama"

"ganun ba, nakadalawang asawa pala si Victoria, kung sabagay maganda talaga siya, bakit siya iniwan ng una niyang asawa?"

"kasi po nagtago na siya ng nakagawa ng krimen, maniniwala po ba kayo na ang amang aking hinahanap ay kayo Mang Kadyo?"

Natigilan si Kadyo sa narinig at napatingin sa dalaga. Yumuko at nag-isip di nito sukat akalain na siya pala ay isang ama.


"yan ba ang dahilan kung bakit tinutukan mo ang buhay ko" tanong ni Kadyo

"opo, alam po ng inyong mga magulang na ako ay inyong anak"

" kaylan pa ,ano sabi nila nasa maayos ba silang kalagayan?"

Nakaratay na po ang ang lolo, di na po siya nakakalakd na maayos, na stroke po siya nung isang taon, noon pa pong nakulong na kayo ay musmos pa lamang ako ay kapos kami, lumapit po si Nanay ke lola at ipinagtapat na ako ang inyong anak, sa lukso ng dugo ay natanggap po ako ni lola pero ayaw ipaalam ng lola sa akin na ang aking ama ay nakakulong, lumaki po ako sa piling ng nanay, masakit mang isipin na pinag-aral po ako ni lola gamit ang mga perang ipinadala niyo noon na galing sa masama"

"patawad anak, salamat naman at nagamit sa kabutihan ang pera, di ko ginusto iyon sana maintindihan mo ako" napayuko si Kadyo at napaiyak

"maari ko na ba kayong matawag na itay"

"maari ba kitang mayakap anak?"

Akmang tatayo si Kadyo ng sitahin ng guardiya, "Kadyo ano gagawin mo?!"

"mamang pulis, wala pong problema, siya po ang tatay ko" paliwanag ni Elma

"patawad anak ikamusta mo ako sa nanay mo at sa lolo at lola mo"

Napaluha si Elma. Bumalik sila sa kinauupuan. "di ku po ma feel na tatay ko kayo kasi di ako lumaki sa inyo pero unti unting nararamdaman ko na kayo ay minsang naging ama sa mga oras na ito"

"di ko na inisip na me anak ako, bago pa ako mabaog sa dinamita noon, ha hha buti na lang kahit papaano bago ako mamatay ay nakita ko ang anak ko"

"itay, isipin niyo na may anak kayong magtutuloy ng magandang adhikain"

"pupunta ba sina Victoria dito sa akin pati ang lolo at lola mo?"

"opo itay"

"Kadyo, tapos na oras , mam, tapos na po ang dalaw" wika ng pulis

"paalam tay, babalik kami sa susunod na dalaw, itay wag kayo mawalan ng pag asa maaring may tawag para sa inyo"

"sige anak mag ingat kayo lagi" bilin ni Kadyo

Dumalaw ang mag-ina ng sumunod na araw, pati na ang mga magulang ni Kadyo. Ang isang kapatid nito na si Boyang ay dumalaw rin. Masaya sila sa mga oras na iyon. May iyakan at kwentuhan, patawaran at kasiyahan. Lumipas ang mga araw. Makailang ulit ring dinadalaw ni Elma ang ama. Makikita na sa kanila ang pagiging tunay na ama at anak.

Biyernes, masarap na kumakain si Kadyo. Ahit na ang kaniyang buhok sa ulo, halos lahat ng mga putahe ay nasa kaniyang harapan. Makalipas nito ay nagsigarilyo siya ng imported at sumandal, nag-isip, at bumuntong hininga. Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Pumasok sa silid na iyon si Padre Abellana makalipas ang kalahating oras at kinausap si Kadyo.

"handa ka na ba Kadyo?"
"handa na po ako Padre"
"nawa'y maunawaan mo ang ating batas, ang batas ay kinasihan ng Diyos, ikaw nagkamali di lang sa ating Diyons kundi maging sa ating batas"
"opo padre, inaamin kong nagkamali ako"
"papatawarin ka ng Diyos kung pagsisisihan mo ang iyong kasalanan, mapagsisisihan mo ba ito"
"matagal na po akong nagsisi Padre, handa na po ako sa oras na ito"
"alam ng lipunan ang buhay mo, maaring makaligtas ka pa sa isang tawag sa telepono bago ang oras na iyon"
"kahit ano po ang mangyari ay tatanggapin ku po, pagod na rin po ako sa mundo padre" wika ni Kadyo

Nagbasa ang pari ng bibliya sa Psalmo 23 ay sila ay nagdasal matapos na mabasa ito.

"padre ang anak kong si Elma makikita niya ba ako?"
"oo Kadyo makikita ka niya hanggang sa huli"

"ang anak ko, salamat at ako ay may anak, di ko man naranasan kumarga ng bata at magpalaki ng anak ay naging masaya ako, sana matanggap ako sa itaas , o kung saan man kung saan Niya gusto tatanggapin ko"

"manalig ka lang Kadyo, tanggapin mo siya sa iyong kalooban"
"opo padre, tinatanggap ku po ang Panginoon kong tagapagligtas"
At lumapit si Kadyo sa pari at may ibinulong

Alas 2:45 ng hapon akay akay si Kadyo ng dalawang malalaking pulis. Pumasok sa isang silid at sa isang sulok noon ay may upuang bakal. Pinaupo si Kadyo roon at kinandaduhan. Napatingin si Kadyo sa isang salamin at kaniyang nakikita ang kaniyang sarili, alam niyang sa likod nito ay nakatingin sa kaniya ang kaniyang anak. Lumuha si Kadyo, kumindat sa salamin at ngumiti. Sinakluban ang ulo at tinakpan na ang kaniyang mga mata.

"Diyos ko, sana di ako masyadong masaktan, Panginoon kunin niyo ako, inaalay ku na ang aking kaluluwa, patawarin niyo po ako sa aking mga kasalanan, patawad sa mga naulila ng aking napatay" bulong ni Kadyo sa sarili

Pumatak ang alas tres ng hapon, walang tawag sa telepono upang makaligtas si Kadyo sa tiyak na kamatayan. Ibinaba na ng berdugo ang "switch" ni kamatayan.

Umangat ang tiyan ni Kadyo, bumula ang bibig at sumirit ang masagang dugo sa piring ng kaniyang mga mata. Makalipas ang 2 minuto ay lupaypay na wala ng buhay si Kadyo.

Sa labas ay makikita si Elma kasama si Victoria na ina nito. Hindi sila kasama upang tingnan ang huling sandali ni Kadyo. Tinawag ni Padre Abellanana si Elma.

"tanggap mo na ba iha?" wika ng pari
"opo padre, tanggap ku na po" maluha luhang wika ng dalaga
"may binilin siya sa akin bago siya mamatay"
"ano po iyon padre?"
"hiling niya na wag munang ikwento sa peryodiko ang kaniyang buhay at wag ipagkalat na siya ang iyong ama upang makabuti sa iyong career"
Yumuko si Elma at napaiyak at nasabing" paano ku po gagawin iyon e siya naman po ang aking ama"
"e iyon ang kaniyang hiling susuwayin mu ba?" tanong ng padre

"minsan lang siyang naging ama, di kami nagsama, di niya ako pinalaki, ni hindi ko naranasan ang palo, sa buhay ng tao ang isang anak ay makailang beses na sumusuway sa magulang, kung kaya't napapalo ito, sa pagkakataong ito, kahit wala na siya ay susuway ako sa kaniya bilang anak, isang beses lang ito at di na mauulit kailanman, papaluin na lang ako ni itay ng isang ngiti sa kabilang buhay, patawad itay, pero hindi ko matitiis na hindi ko sabihin sa tao na kayo ang aking tunay na ama, minsan lang tayong nagsama, ipagmamalaki ko na ako ay minsan ding naging isang anak at hindi ko ikahihiya ito habang ako'y nabubuhay"

"Pagpalain ka nawa ng Diyos sa desisyon mo iha, tara na at maghanda, para sa kaniyang libing bukas ng umaga" wika ng pari

Lumabas ang lahat sa gusaling iyon. Sinalubong sina Elma ng sangkatutak na media ang tumambad sa kanilang harapan, kislapan ang mga kamera sa paligid, isang prodyuser sa pelikula ang sa kaniya'y lumapit. Kinabukasan laman ng lahat ng peryodiko ang pagkamatay ni Felipe Siganon alias "Kadyo". Isa sa mga peryodikong ito ang mabili dahil sa haba ng panulat patungkol sa buhay ni Kadyo mula sa panulat ni Elma S. Siganon.


WAKAS
posted by Mannydgreat at 11:04 AM 0 comments

Miyerkules, Mayo 12, 2010

Mahal Ko Ang Tatay Ko

Malamlam na ang apoy sa gaserang ilawan sa isang barung barong malapit sa sa sapa ng Topaz. Nagbabadya na ubos na ang gatong nitong gaas. Tapos na ring kumain ng gabihan ang mag-amang si Pulding at ang nag-iisang anak nitong si Nitoy. Pinagsaluhan nila ang dalawang pirasong tuyo at itinira ang dalawa para sa umagang darating. Pinapaypayan ni Pulding ang anak nito ng magtanong ang huli.

"tay, nasaan na kaya ang nanay?"

"matagal nang wala ang nanay mo bakit mo naitanong?"

"kasi naalala ko mga limang taon pa lang ako naalala ko siya pinaliliguan niya ako kaso bakit niya tayo iniwan?"

"mahabang kwento anak, nagtratrabaho ang nanay mo sa malayong lugar"

"kung nagtratrabaho siya bakit wala siyang pinadadalang pera sa atin, hirap tayo pati po kayo tay di sapat sa ating dalawa ang kinikita niyo sa pagbabasura"

"kahit papano naman anak makakaraos tayo kita mo naman nasa grade 5 kana, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral"

"minsan nga binibigyan ako ng pagkain ni Nash , yung kaklase ko don sa malaking bahay sa Plaza, mayaman yun e, mabait sa akin minsan nga naglalaro pa kami ng kompyuter sa kanila"

"pinalad sila anak, hayaan mo kapag medyo nakabuwelo ang tatay bibili tayo ng kompyuter"Namatay na ang ilawan.

"tulog na tayo anak a , hayaan mo papaypayan kita para makatulog ka agad at bukas wala kayong pasok tutulong ka sa akin ha?"

"opo tay sasama po ako sa kariton"Ilang saglit pa ay nakatulog na si Nitoy. Nangilid ang luha ni Pulding sa mga itinanong ng anak. Wala na si Myrna na kaniyang asawa. Pumasok ito sa isang beerhaus sa kabayanan, nagkaroon ng relasyon sa maraming lalaki at isang araw na nabalitaang nagpakamatay sa isang matinding problema. Ni hindi niya nakita ang bangkay ng asawa, dinala raw ito sa lalawigan ng ilang kamag-anakan. Masakit na di nabuo ang kanilang pamilya ay hindi niya masisisi si Myrna. Di man sila kasala ay naghangad si Pulding ng isang magandang kinabukasan, isang pamilya. Iniwan siya nito dahil sa kahirapan. Galing siya sa mahirap at materyalismo ang kaniyang katipan. Ibinuhos ni Pulding ang kaniyang panahon sa kaniyang anak na si Nitoy. Nasa 43 taong na si Pulding, kalyuhin na ang mga kamay, malalaki na ang ugat sa braso sa katutulak ng kariton upang mabuhay. Hindi niya hahayaang magkasakit siya o mawala sa piling ng anak.

"ang Diyos ang aking kaagapay, hindi ako natatakot sa naumang sakit alam kong siya ang gagabay sa akin" bulong nito sa sarili

Taimtim na nagdasal si Pulding at makalipas ang ilang sandali ay maririnig muna ang kaniyang malakas na hilik. Mag aalas diyes na ng gabi, maalinsangan ang panahon. Tumahol ang aso ilang dipa mula kanilang barung barong.

"Pulding! makaistorbo sandali" tinig ng isang lalaki

Dalidaling tumayo si Pulding at binuksan ang lawanit na tabing na nagsisilbing pintuan na tinalian ng alambre.

"sino sila, wag maingay at tulog na anak ko" wika ni Pulding

"pare si Oca ito naalala mo ako, ako yung tatay ni Nash kaklase ng anak mo"

"ay naku sir, bakit po kayo nahangos at gabing gabi na, pagpasensiyahan muna ang lugar namin at hindi kaaya aya nahihiya naman ako sa inyo"

"wag kang mag-alala, naparito ako dahil sa anak kong si Nash, me sakit e, nilagnat kaninang tanghali at gustong makita si Nitoy na anak mo, alam mo naman yun sunod layaw lalo lumalala ang sakit kapag di nasunod ang gusto" paliwanag ni Oca

"ho, tulog na po ang anak ko maari bukas po ng umaga e pupunta kami sa inyo"

"masyadong nalapit ang anak mo sa anak ko e, mabait kasi ang anak mo at palakaibigan , matalino pa, may pag asa ka diyan a,, ano ba ang pangalan mo sabi lang nung napagtanungan ko Pulding daw?"

"Leopoldo sir, pero tawagin niyo na lang akong Pulding tama po yun"

"a, sige asahan ko bukas, dapat kanina pa ako dito nagtanung tanong lang ako"

"Samahan ko kayo sa labasan maraming mga luko luko diyan baka mapag tripan kayo" alok ni Pulding

"a, wag ka mag alala, sanay na ako sa mga luko luko" biro ni Oca

Mula sa di kalayuan sa tulong ng liwanag ng buwan ay naaninag niyang may tatlong lalaking kasama si Oca. Nawala na sa paningin ni Pulding si Oca. Pumasok sa isip ni Pulding ang isang ideya. Mayaman sina Oca, maaring makatulong ito sa kaniya na makahanap ng magandang trabaho para sa kinabukasan ng nag-iisang anak.

Kinabukasan. Patungo ang mag-ama sa plaza sa bahay nila Mang Oca.

"di mo nababanggit sa akin na masyado palang magkadikit kayo ni Nash" tanong ni Pulding sa anak

"minsan kasi absent siya, papasok siya minsan tatlo araw lang" sagot ng bata

"ganun! buti nakakapasa pa siya, pero iba nagagawa ng pera kapag ganun binabayaran lang"

"ganun ba yun tatay" pagtataka ng bata

"a e... e hindi a, mali ako, nagtataka lang ako e mapera sina Oca bakit sa public school niya lang pinaaral ang anak niya ano"

"siguro po malapit sa kanila kasi sa ibang school malayo na sa atin"

"maari nga anak""tatay di na po ako makakasama sa kariton?"

"ay hindi anak, dadalaw tayo ke Nash iiwan muna kita dun laruin mo muna siya para gumaling siya"

"babalikan niyo po ako tatay ha""oo naman anak" Humalik si Nitoy kay Pulding at sinabing, "tatay lagi po kayong mag-iingat wala po akong mapupuntahan kung mawala kayo" wika ng anak

Naantig ang puso ni Pulding sa narinig. Ipinasan ang anak sa kaniyang balikat.

"halika nga anak at ng di ka mapagod"

"yeheyyy! sarap nito tay, mabigat na ako tatay baka di niyo na ako kaya"

"di kita mababAgsak anak love kita e" wika ng ama

"kaya nga Mahal ko ang tatay ko e" napangiting sinabi ng anak. Dumating sa malaking gate ng kulay kahel ang mag-ama. Kumatok at bumukas ang pintuan.

"sino po sila" bumungad ang isang babaeng nasa 60 taong gulang. Maganda ang pananamit maaring ito ang nanay ni Oca at lola ni Nash.

"pinapunta po kami ng Sir Oca, kasama ko po ang anak ko si Nitoy kaklase po ni Nash, anak bumati ka?"

"magandang umaga po mam" bati ni Nitoy

"si si O..Oca , (bumuntung hininga)ma...ma magandang umaga naman sa inyo, oo nga nagbilin nga si si...Oca" halikayo sa loob at nag hihintay na si Nash"

Sumunod ang mag ama sa babae.

"umupo muna kayo diyan sa foyer at ihahanda ko muna kayo ng almusal" wika ng matanda

"a,,, mam, ok na po kami nag almusal na po kami wag na po kayong mag -abala" wika ni Pulding

"hay, naku magkakasya ba sa inyo ang isang tuyo na kinain niyo kanina, ihahanda ko kayo ng masarap na almusal at wag kayong tumanggi dahil magagalit si Oca"

Nagtaka si Pulding at ang anak nito.

"tay ba't alam niya na tuyo lang kinain natin" tanong ng anak

"di..di ko rin alam e, siguro alam niya mahirap tayo at tuyo ay pagkain ng mahirap" sagot ni Pulding

"ang ganda ng bahay nila ang laki laki parang palasyo" wika ni Nitoy

"mayaman sila, ano kaya trabaho ng tatay ni Nash"

"wag ka na matanong anak baka marinig tayo ng babae nakakahiya"

Tinakpan ni Nitoy ang bibig sabay kindat sa ama, binalikan siya ng ngit ng ama. Bumalik ang babae dala ang almusal na hamon at tinapay, keso at ubas, kasama ang isang pitsel ng orange juice.

"heto kumain muna kayo bago tayo pumanhik sa itaas, naroon si Nash namamahinga. Naka dextrose siya kasama ang aming private nurse, tawagin niyo na lang akong Leah ako ang tiya ni Oca" wika ng babae

"a, salamat po mam Leah, si Sir Oca po ba nasaan ngayon?" tanong ni Pulding

"a...a, umalis siya baka bukas pa darating"sagot ng babae

"gabing gabi na po siya dumating sa bahay kagabi, nakakahiya nga po sa lugar namin" wika ni Pulding

"ok lang sa kaniya yun cowboy yun sige kumain na kayo at ihahanda ko lang ang silid ni Nash maiwan ko muna kayo" Tumalikod na ang babae.

"tay ang sarap ngayon lang ako nakakain ng ganito sarap maging mayaman ano, nguya nguya"

"dahan dahan lang anak, hayaan mo sa ibang araw makakabili na rin tayo niyan"

Habang kumakain ay naisip ni Pulding si Oca, hindi niya makakausap ito sa araw na iyon. Maaring sa ibang araw na lang kung may pagkakataong makita niya ito. Sumagi din sa isip niya na ibilin na lang kaya ang anak sa mga ito kung sakaling may mangyari sa kaniya habang lumilipas ang panahon. Mahal niya ang kaniyang anak, ayaw niyang makaranas ito ng matinding hirap sakaling mawala siya sa mundong ibabaw.

Habang abala sa pagkain si Nitoy ay pumasok sa isipan niya ang pagsasama nila ni Nash sa paaralan.

"alam mo Nitoy buti pa ang tatay mo lagi ka sinusundo, nakakasakay kapa sa kariton masarap ba ron?"

"oo, kaso mabagal lang, mas masarap sa kotse niyo mabilis na malamig pa" sagot ni Nitoy

"bihira lang naman ako sinusundo at si Mang Kantero pa ang nagmamaneho, dumadalaw lang sa akin si Daddy tuwing gabi kapag patulog na ako, minsan napapanginipan ko siya kasama ko raw siya sa malawak ng taniman ng tubo"

"ibig mong sabihin di kayo nakakapasyal ng Daddy mo, ako lagi ko kasama tatay, kaso nga lang diyan lang sa plaza sa laruan, kasi wala kami pamasahe papunta sa parke e"

"buti ka pa nga me oras ang Daddy mo sa iyo, ako minsan tamad na ako pumasok kaya nga diyan na lang ako pumasok sa iskwelahan diyan kasi malapit lang kasi di naman ako sinusundo ni Daddy"

"ba't gusto mo diyan iskul lang ng mahirap yan a tulad namin na wala pera" wika ni Nitoy

"gusto ko e, ayoko sa malayo, sabi kasi ni Tiya wala daw ako matututunan diyan, pero sabi hamunin kita pakita ko grades ko sa yo, kaso nga mababa ang grades ko di ba lagi ako absent"

"e di natalo sa pustahan sa tita mo"

"di naman, joke joke lang daw naman yun, study hard na lang daw ako, pero siguro pag graduate natin sa Manila na ako mag-aaral" wika ni Nash

"buti ka pa, ako nga siguro pag graduate tulungan ko na lang tatay ko sa kariton"

"wag a, mag aral ka pa rin, alam muba sabi nga ng Daddy ko nakikita ka niya mag bestfren daw tayo, balak niya nga ampunin ka na e tapos yun tatay mo dito na rin tutulong sa bahay namin" paliwanag ni Nash

"ay talaga! pwede yun at least kasama ko pa ang tatay ko" natutuwang sagot ni Nash

"may tatanong lang ako sa iyo, mahal mu ba ang Daddy mo?" tanong ni Nash

"siempre mahal ko ang tatay ko siya nagpalaki sa akin" sagot ni Nitoy

"ako mahal ko Daddy ko kaso minsan parang di niya ako mahal kasi di niya ko kasama lagi, oo nga pala wala ka rin Mommy?" tanong pa ni Nash

"matagal na iniwan kami ng nanay ko ikaw wala ka ba nanay" balik na tanong ni Nitoy

"namatay ang mommy ko sabi ng pinsan ko, nabaril daw kasama ni Daddy naholdap yata, pinalo nga ng tita ko yung pinsan ko ng nalaman na sinabi sa akin yun, parang ayaw nila ipaalam sa akin ang nangyari, sa picture ko na nga lang nakikita ang mommy ko"

"Anak,,, anak hoy parang nakatulala ka diyan" habang inalog ni Pulding ang anak ,di ito natitinag.

"anak ano ba"

"ay tatay sori po, he he he me naalala po kasi ako e hi hi hi"

"ubusin mo na yang kinakain mo at baka dumating na si mam Leah"

"sige tay hi hi" habang inuubos ang pagkain ay napansin niya ang isang lalaki malapit sa hardin

"t..tay nakita ku po si Sir Oca kanina dun nakatingin sa atin pumunta dun o"

"ha, saan?"
"dun po o"

tumayo si Pulding nagpunta sa dakong tinuturo ni Nitoy ngunit wala siyang makita roon, napansin niya ang isang paru-parong itim na dumapo sa bulaklak ng santan. Bumalik si Pulding sa foyer.

"Mang Pulding sino po ang hinahanap niyo roon" bungad sa kaniya ni Leah

"a, e nabanggit lang ng anak ko e nakita niya raw si Sir Oca sa gawin roon sinilip ko lang upang ipaalam na narito na kami"

"wala siya rito, baka namalikmata lang si Nitoy, bukas pa ang kaniyang balik, halina kayo at naghihintay na si Nash , sumigla nga siya ng malamang nandito si Nitoy" paliwanag ni Leah

"ay sige po Tay punta po tayo kay Nash halika po pakikilala ko po kayo sa kaniya!" tuwang tuwa si Nitoy

"Bell, hatid mo nga si Nitoy kay Nash sa itaas" utos ni Leah sa private nurse

"Mang Pulding maiwan po kayo dito at may ibinilin po si Oca para sa inyo at para na rin sa kinabukasan ng inyong anak" wika ni Leah

"p..po, sige po mam" pagtatakang nasambit ni Pulding

"maupo po tayo sa hardin , hayaan niyo na lang si Nitoy doon at maya maya makikita mo rin ang apo ko"

Ilang hakbang lamang ay nakarating na sila sa hardin, napansin ni Pulding ang swimming pool malapit dito at isang grupo ng kalalakihang na nag-uusap usap.

"sino po ang mga lalaking iyon, may nakasuot pulis pa po" usisa ni Pulding

"pabayaan mo sila baka yan ang nakita ni Nitoy kanina, mga tauhan yan ng pamangkin ko ko, kasama niya sa negosyo"

"ay sorry po matanong ako""ok lang yun , maupo ka at mahaba ang ating usapan" wika ni Leah

"nabanggit niyo po tungkol sa akin at kinabukasan ng aking anak mula ke Sir Oca" tanong ni Pulding

"ganito yun uunahin ko ang negosyo ng aking pamangking si Oca"

Ikinuwento ni leah ang simula.
"Lumaki si Oscar na nakilala bilang Oca sa isang mahirap na pamilya. Ang kanilang tirahan ay malapit din sa creek ng Topaz kung saan doon din kayo nakatira. Naging kababata ng kaniyang ama ang mga matatanda doon. Kilala ang kaniyang ama sa pangalang Turing o tinatawag nilang Kabesa"

"naalala ko bago namatay ang aking ama't ina ng binaha kami roon, tanging ako lang ang nakaligtas. Si Kabesa ang humatak sa akin sa rumaragasang baha, si Kabesa ang laging tumutulong sa lugar na iyon at nagtatanggol sa usapin paukol sa demolisyon" sagot ni Pulding

"tama ka, ngunit dahil sa hirap ng buhay ay pinasok ni Kabesa ang masamang gawain kabilang siya sa mga smuggling activities sa ating bansa, multi milyones ang kaniyang kinikita kung kaya nakabili siya ng mga lupa sa kabayanan, nakapag asawa siya ng anak ng isang tindera , ang dalagang si Lucy, maganda makinis at mabait at hayun biniyayaan sila ng isang anak si Oscar"

"bale tiyahin kayo ni Sir Oca?" tanong ni Pulding

"oo, ako ang kapatid ni Kabesa, kasama akong lumaki sa Creek ng Topaz, lumaki sa hirap at nakilala bilang isang magaling na fortune teller, sinunod ko lang ang nadarama ng aking puso at may angking talino sa larangang iyan ng sining" paliwanag ni Leah

"ganun po ba e si sir Oca alam niya po ba ito?"

"Lumaki si Oca sa rangya ng buhay at di kalaunan ay nalaman ang gawain ng kaniyang ama, wala siyang nagawa kundi gawin ang ginagawa ng kaniyang ama ng siya'y mag binata. Sa madaling salita ay namana niya ang smuggling sa kaniyang ama, ngunit pinangako niya sa kaniyang sarili na di niya itutulad si Nash na kaniyang sa kaniyang gawain"

"e nasan po ang nanay ni Nash?""namatay na ang nanay ni Nash, matagal na"

"ay sorry po, matanong ko lang po , hanggang ngayon po e nag smuggling sina Sir Oca, kung ang iaalok niya pong tulong sa amin ng aking anak ay galing sa masama pag paumanhin niyo po na di namin tanggapin, kahit po kami mag dildil sa asin ay kaya naming mabuhay" malumanay na tinig ni Pulding

"naiintindihan kita Pulding pero, hindi yan ang sinabi sa akin ni Oca"

"ano po yun?"

"wag kang mabibigla, si Myrna na iyong asawa ang nanay ni Nash magkapatid bale ang anak mo at pamangkin ko"

"panong...." gulat na naitanong ni Pulding

"lumayo si Myrna sa iyong poder dahil sa hirap ng buhay, namasukan bilang isang GRO, maganda siya at minsan nakita ni Oca sa daanan na lasing na lasing at may pasa sa mukha, ito raw ang dulot ng pambubugbog sa kaniya ng kaniyang kinakasama, tinulungan siya ni Oca dinala sa bahay at pinagyaman ang sugat, naging malapit sa isa't isa, di na binalikan ang kaniyang kalaguyo, nagkaroon sila ng anak, ngunit sa di inaasahang pangyayari, naging sakit ni Myrna ang paghahanap ng lalaki para sa kaniyang aliw, bihira kasing umuwi si Oca sa bahay sa pagtatago sa batas, nahuli ni Oca si Myrna na may kaniig sa isang motel, pinalayas niya ito at ilang araw araw lamang ay nabalitaang nagpakamatay, simula noon ako na ang nagsilbing Mommy ni Nash, ako nagpalaki sa kaniya"

Nangilid ang luha ni Pulding sa kaniyang mga mata. Bumuntung hininga, napalunok.

"di ko naisip na may kapatid pala ang anak ko, kaya pala siguro lukso ng dugo at malapit sila sa isa't-isa" wika ni Pulding

"alam ni Oca ang buhay niyo, di lang siya makatulong sa pang-araw araw niyo, ang ginagawa niya ay inaaya niya ang iyong anak kasama ni Nash dito sa amin upang makakain at maglibang paminsan minsan, ngunit sinabi niya tutulungan kayo sa taong ito ngunit minalas siya"

"a...ano pong minalas Mam Leah?" gulat na naitanong ni Pulding

"aaa... ee, sige sasabihin ko na" lilinga linga si Leah sa buong paligid namumutla

"Pulding bilang isang Fortune teller ako rin ay may angking talino sa pakikipag usap sa mga ispiritu"

"ha! nakakakita kayo ng kaluluwa, e di ang kaluluwa ni Myrna nakikita niyo?"

"oo madalas, madalas niyang dinadalaw si Nash, wala na akong takot nasanay na ako, maliit pa lang ako noon ay nakakita na ako ng mga ganun sa lolo, lola, at sa lahat" paliwanag ni Leah

"maiba po tayo, ano pong minalas si Sir Oca, nahuli po ba siya kaya may pulis dito nakakulong po ba siya?"

"ganito yun Pulding, isang desisyon ni Oca ang huling hirit sa smuggling nung nakaraang buwan, kikita siya ng 50 milyon sa transaksiyong ito, at nagplanonng titigil na at magingibang bayan kasama si Nash at tutulong sa lugar ng Topaz kasama na sa tulong kay Nitoy, paaralin niya ito, Pulding, nagkasakit si Nash dahil di niya nakikita ang kaniyang ama, bago ito ay sinabi niyang ang ina ni Nitoy at ang kaniyang ina ay iisa"

"alam na po ni Nitoy na sila'y magkapatid!?" bulalas ni Pulding

"maaring ngayon ay alam na niya nasa itaas na siya at kausap ni Nash"

"Diyos ko, marami na namang tanong tiyak ang anak ko sa akin, mam Leah nasaan po si sir Oca gusto ko po siyang makausap"

"habang ginagawa nila ang smuggling kasama ng kaniyang anim na tauhan, kargado ng matataas na kalibre ng baril ay natiktikan sila sa Pier, nagkaroon ng putukan, dali dali silang sumakay sa kanilang Van at mabilis na inarangkada habang umuulan ng bala, di nakasakay si Aldo dahil dinipensahan niya ang sasakyan, gumanti ito ng putok at natumba si Aldo habang papaalis ang sasakyan, hinabol sila ng pulis maraming pulis, hu hu hu" naiiyak na kwento ni Leah

"ano pa po mam Leah paumanhin po niyo na gustong malaman ang kwento"

"si Aldo ang naghudas sa grupo, pinangakuan siya ng pulis na di siya patatamaan kapag nagkabarilan na sa pagkukunwaring babaril siya , ngunit tinuluyan pa rin siya ng grupo ni Lt. Cortez, umabot sa 20 kilometro ang habulan hanggang makarating malapit sa Topaz, duguan na si Oca, may tama siya sa likod patay na rin ang ilang niyang kasama sa loob, me tama na rin si Philip na nagmamaneho ng van, susuray suray na ang sasakyan, hanggang mabangga nila ang isang mamang nagkakariton, tumalsik ang mama at bumagsak sa semento, wasak ang kariton, wala ng buhay ang mama hu hu hu"

"a...a kawa naman ang nagkakariton nadamay, nasan napo si Sir Oca saang ospital kagabi po mga alas onse e malakas naman siyang pumunta sa bahay" wika ni Pulding

"pa...patay na si Oca Pulding patay na siya hu hu hu, nahulog sa creek ang kanilang sasakyan mag mag aalas siete ng gabi kagabi" habang pinunasan ni Leah ang kaniyang luha

"hi..hinde po totoo yan nakita ko po siya kagabi mam Leah, nagbibiro po kayo"

"totoo Pulding, totoo ito kaluluwa na lang ni Oca ang nakita mo sinabi niya rin sa akin ng dumalaw siya kagabi!"

Napayuko si Pulding, di maintindihan ang mga pangyayari. Lumapit si Nitoy kasama si Nash at Bhel sa dalawa ng bumaba ang mga ito.

"Bhel, kumusta si Nitoy ba't inalis mo ang suwero okey na ba si Nash anak...?"

"ok na po siya mam, lumakas po siya ng makita ang kaniyang kaibigan" paliwanag ni Bhel

"Mommy Leah, mabuti na ako, i'm fine, di ba si Nitoy kapatid ko sabi kasi ni Papa kaya me kapatid na pala ako?" wika ni Nash, nangiti naman si Nitoy at nagtanong habang palinga linga sa paligid.

"Tita Leah nasaan po ang tatay ko?"

Nanlaki ang mata ni Pulding, kaharap siya ni Leah, di siya napansin ng anak, napalingon si Leah sa kaniya at lumuha muli ito at tumalungko.

"Mommy Leah, nasaan daw ang tatay ni Nitoy nandito raw gusto ko rin makita si papa hi hi hi" wika ni Nash

Tumayo si Leah at pinasunod ang tatlo sa kaniya patungo sa kusina. Pinaupo ang mga ito. Naiwan si Pulding sa kinauupuan nito, akmang susunod ngunit hinawakan siya ni Oscar.

"si....sir,, nandito pala kayo?" nabiglang tinig ni Pulding

"pabayaan mo muna sila mag-usap tayo, malamang di ka lang napansin ng anak mo" paliwanag ni Oca

"pero imposible , nakikita ko siya ang lapit niya sa akin, saka sir akala ko ...a eee. wag na lang sabi kasi ni mam Leah me nangyari sa inyo yun pala di totoo?"

"kadarating ko lang, ikaw ang sinadya ko upang mapabilis ang lakad ko"

Sa kabilang dako.

"mommy Leah bakit po ano po ba ang problema" tanong ni Nash

"Mga anak, umalis ang mga tatay niyo, may lakad sila, trabaho para sa inyong kinabukasan" paliwanag ni Leah habang pinupunasan ang kaniyang luha

"Ma'm, bakit po di nagpaalam ang tatay ko kelan po balik nila?" tanong ni Nitoy

"medyo matatagalan anak, saka pinasok kasi ng Daddy ni Nash ang tatay mo sa trabaho"

"di naman naka pan trabaho ang tatay ko, paano po ako uuwi sa amin wala po akong kasama" naluluhang tinig ni Nitoy

"mula ngayon dito ka na titira, dadalawin ka ng tatay mo dito"

"hu hu hu, gusto ko po makita tatay ko, ayaw ko po dito hu hu hu" di na napigilan ni Nitoy ang pag-iyak, niyakap siya ni Bhel

"Nitoy nandito naman ang kapatid mo, maganda rito kesa roon sa inyo marumi at di komportable" wika ni Bhel

"oo nga Nitoy ako nga si Papa, minsan sampung tulog di ko nakikita e, di bale katabi tayo sa pagtulog Nitoy"

"ang mga gamit ko po sa iskul nasa amin pa" wika ni Nitoy"kinuha na namin lahat ng gamit niyo, nandito na rin ang kariton ng tatay mo nasa likuran wala ka nang aalahanin Nitoy" paliwanag ni Leah

Umamo rin si Nitoy at nagtungo sila sa silid ni Nash upang maglaro. Pinangakuan ni Leah na dadalaw din dito ang ama.Sa kabilang dako.

"Pulding, di ba ang Diyos nagpapatawad?" tanong ni Oca

"oo naman, kaya nga ang tao dapat marunong ding magpatawad kasi katiting lang tayo sa Diyos kaya dapat mababaw lang tayo" sagot ni Pulding

Di namamalayan ni Pulding na naglalakd na sila sa gitna ng isang malawak na palayan. Nagtanong ito kay Oscar.

"sir malaki pala ang likuran ng bahay niyo, at ang mga ibong ngayon ako nakakita ng ganiyan kulay ube at kahel, at hayun pa ha ha ang ganda , ang laki naman ng aso pero ang katawan ay,,,,ay... sir totoo ba yan? gulat na tanong ni Pulding

"oo Pulding, ang nilalang na yan ay kakaiba sa dati nating mundo"

"aa...anong ibig niyong sabihin?" bulalas ni Pulding

"halika may ipakikita ako sa iyo" at tumalikod si Oscar habang nakasunod naman si Pulding sa likuran at naglakad. Tumakbo na ang aso na may katawang kabayo, mabilis at naglaho sa kaniyang paningin. Sa di kalayuan ay mapapansin ang kalangitang kulay pula at kahel na pinagsanib habang umiihip ang napakalamig na hangin. Isang bukal naman ang mapapansin sa kanilang nilalakaran, malinis ang tubig may mga bulaklak na may tinig na binibigkas, matining at sa tabi nito ay ang mga piraso ng kahoy na nakasalansan. May nabuo sa isipan ni Pulding , dali dali niyang kinuha ang mga maliliit na kahoy, pinag tabi tabi at may nabuong pigura mula sa tintang nakasulat rito.

"NITOY... ito ang pangalan ng aking anak, iginuhit ko ito gamit ang lumang pinsel na nakuha ko sa basurahan, mula sa pinturang tuyot na tinunaw ko sa gaas ng aming gasera ay nakabuo ako ng likidong panulat., isinulat ko ang pangalan ng aking pinakamamahal na si Nitoy, ito nga , ang sulat na iyon kulay bughaw ngunit ito ay nakasulat sa aking kariton , bakit... bakit naririto, sira na ba ang aking kariton?"

"oo Pulding, nasira ko ang iyong kariton, patatawarin mo ba ako"

"mura lang naman yun sir madali lang gumawa, teka bakit may pulang likdo sa bahaging ng kahoy" dinutdot ito ni Pulding inamoy at malansang naamoy niya ang bagay na dugo"dugo ito, sir, bakit may dugo?" tanong ni Pulding

Yumuko si Oca at sinabing:
"patawarin mo ako Pulding"
"sa anong bagay sir, at ano ang lugar na ito, ito ba'y inyong likha. isang hardin , isang lugar na kakaiba"
"Pulding, tatanggapin mo bang ako'y patay na" malumanay na tinig ni Oca
"yan po ang sinabi ni mam Leah kanina, di nga po ako makapaniwala e, e kasi kaharap ko kayo ngayon"
"e maniniwala ka ba kung ikaw ay patay na rin?"
"'hi hi sir paanong tayo'y patay na, di naman tayo nagkasakit , wala naman akong naramdamang sakit, kasama ko nga kagabi ang anak ko, dumalaw pa kayo at nagising ako di ba, at ngayon nagtungo kami sa inyo"

"ang sinabi sa yo ni Aunti Leah ko ay katotohan, huling lakad ko na yun upang magbagong buhay ng madale kami sa habulan, sinawing palad kami kaya kami namatay kasama ang mga tao ko"

“sir wag kayong magbiro ng ganiyan, hindi pa ko patay, kung may patay man kayo yun, marami akong pangarap sa anak ko, wag ninyong sirain ito, marangal ang buhay naming hindi ako criminal at hindi ako patay sir pwede bang umuwi na kami ng anak ko babalik na ko sa inyo” sigaw ni Pulding

“hindi na tayo makababalik Pulding, ang magkakariton na aming nabangga ay ikaw, patawarin mo kami Pulding nadamay ka sa amin patawarin mo kami”

“hinde!!! Hindi totoo ito!”

“nagtatakbo si Pulding mabilis, halos lumulutang ang mga paa sa lupa, malayo ang kaniyang narating sa pagtakbong iyon habang isinisigaw ang pangalan ng anak. “Nitoy Nitoy lumabas ka diyan uuwi na tayo walang mangyayari sa atin dito, Nitoy hu hu hu”

Huminto siya sa pagtakbo, umaliwalas ang paligid na kaninay parang puro puti. Bumungad sa kaniya si Oscar.

“naniniwala ka na ba, Pulding hayan ang ating bangkay pagmasdan mo”

Napunta ang dalawa sa morge at doon ay di makapaniwala si Pulding sa nakita.

“Hinde!!!! Hu huh u, isa itong panaginip natutulog ako katabi ng anak ko hindi totoo ito hu hu” Kumuha ng bato si Pulding at ipinalo nito sa kaniyang kamay. Walang nangyari, lumusot lamang ang bato.

“Diyos ko, sir Oca bakit ganito, papaano ang anak ko hu hu hu, Diyos ko kawawa naman ang anak ko!”
“Pulding, nasa mabuti ang anak mo, inako ko na ang lahat sa pamamagitan ni Aunti Leah, siya ang magpapaaral sa anak mo at doon na siya titira, isang magandang buhay para sa magkapatid” paliwanag ni Oscar

“sir bakit ganoon hu hu, bakit ako pa ang nadamay niyo malinis at payapa kaming nabubuhay ang anak ko huh u ang pinakmamahal kong anak”

“patawarin mo ako Pulding, patawarin mo ako” niyakap ni Oscar ang huli

“sir bakit nakakausap ko anak ko , kumain pa kami kagabi nakita ku pa kayo nakausap ku pa si mam Leah huh u hu”

“iyong ang pagkakataong ibinigay sa atin ng Maykapal, sa biglaan natin pagkamatay ay nakakapiling pa nating ang ating mahal sa buhay ng kaunting sandali, ganoon din ang nangyari sa akin, may sakit pa man din ang anak kong si Nash”

“gusto kong makita ang anak ko, sir gusto kong Makita ang anak hu hu hu, bakit si Mam Leah nakausap ko siya patay na rin ba siya hu hu”

“may angking galing si Aunt, siya ang naging kasangkapan natin sa nangyaring ito, siya ang umayos ng lahat, binigyan siya ng kapangyarihang makausap tayo”

“gusto kong mayakap at makita ang anak ko sir,, gusto ko parang awa niyo nah u huh u”

“nakita muna siya, nakapiling muna, naihatid muna sa aming bahay, tapos na ang sandaling naibigay sa atin, di na natin sila mababalikan”

“Diyos ko malilito ang anak ko, iiyak siya, hahanapin niya ako huh u, magkakasakit siya pag wala ako”

“si Aunti ay isang magaling na adviser kaya niyang paliwanagan ang mga bata, naging guro rin iyan bago maging manghuhula, ang maipapangako ko sa iyo ay di niya pababayaan ang anak natin”

“sir di ko matanggap, sir bakit ganoon”
“tanggapin mo Pulding, at patawarin mo ako”

“sir pinapatawad ko kayo, pero masakit talaga di ko alam kung magiging Masaya ako ngayon”

“magiging masaya ka Pulding magtutungo tayo doon halika na doon sa landas na iyon”

“wala na talagang pagkakataong makita ang anak ko huh u” muling tanong ni Pulding“maaaring may magbigay ng kaunting sandali ukol diyan, ngunit maaring pumunta muna tayo roon”

Narating nila ang lugar, bumitaw na sa pagkakahawak si Oscar kay Pulding.

“diyan ka Pulding hintayin mo ang iyong sundo, ako ay dito naman sa kaliwa”

“sir bakit magkahiwalay pa tayo, halika rito wala akong kasama rito natatakot ako”

“busilak ang iyong puso, di tulad ko, di ako pwede diyan, di bale ang hangad ko lang maging Masaya ka, patawad ulit at paalam”

“sir! Sir! Hu huh u” nawala na si Oscar sa paningin ni Pulding, tumahimik ang paligid ngunit mula sa likuran ay.

“anak!!! Halika”

“nay, tay, Diyos ko, ang nanay ko, ang tatay” niyakap ni Pulding ang mga magulang

“hinihintay ka namin doon anak makikita mo ang lolo at lolo ng lolo mo ha ha ha”

“tay nay, mahal na mahal ko po kayo”

“mahal ka rin namin anak halika sumama ka sa amin lilipad tayo kasi di kami marunong lumangoy e hi hi hi dali halika na Masaya roon”

“tay, nay mahal niyo po ba ako?”

“mahal na mahal ka namin anak, bagama’t mahirap tayo mayaman tayo dito ngayon”

“na miss kop o kayo, wag niyo po akong pabayaan” yumakap ito sa ina .Bumalik sa pagkabata ang isip ni Pulding nalimutan na si Nitoy at sumama na sa kaniyang mga magulang.

Lumipas ang mga taon.
Tok tok tok!!!
“the door is open” wika ni Nestor Almonte

“hey bro the visitors are waiting, it’s your birthday , aba 7PM na it’s time to speak na” wika ni Nash Vergara

“dumating na ba ang mga taga Topaz”

“kanina pa pati ang Topaz Community Choir, pati ang Creek Toda, lahat they’re almost 300 hundreds”

“ang taga planta”

“off na planta mga 4pm pinapunta ko lahat dito guard na lang natira doon, hey man, napansin ko trice a week mong tinitingnan ang picture na yan a, diba yan yun pinalaki mo katabi ng pics ng dad ko ”

“oo, ito lang ang natirang souvenier ng tatay ko sa akin isang lumang 2x2 pictures, namimiss ko siya, mula ng ipaliwanag sa atin ni Aunti Leah ang lahat noong high school tayo di ko malimutan ang tatay ko”

“parehas lang naman tayo bro, we miss our father so much, mahirap lumaki ng walang magulang”

“ako naman nagpapasalamat ako sa yo, at kay Auntie na siyang tumulong sa atin nakapagtapos ng pag-aaral at ngayo’y may pamilya na at plantang pinaghirapan nating buuin, salamat sayo bro Nash” at niyakap ang kapatid“thanks too bro oo nga pala, I apload mo yan picture na yan sa net aba sayang yan baka mawala pa,o paano tara na”

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Auntie leah
“kanina pa kayo hinahanap sa labas ano bang ginagawa niyo ritong magkapatid” wika ni Leah

“nag bubulay bulay lang Mommy ha ha ha” biro ni Nash

“hay naku kayo talaga, dali at may mga bisita pa kayo pasalamat kayo at ako lang nakakakita”

“ha ha ha, Auntie yan ka na naman e, nananakot ka na naman e takot nga ako sa multo” wika ni Nestor
“takot sa multo e, bata palang nakakita na kayo ng multo” wika ni Auntie Leah
“oo nga ano ha ha, pero tatay ko yun, nga pala Auntie halika sandali, bro halika rin” utos ni Nestor

Naghawak-hawak ng kamay ang tatlo.Auntie, "
Bro Nash salamat sa inyo, ngayong kaarawan ko nais kong sabihin sa inyo na mahal ko ang tatay ko pero ngayong matagal na siyang wala, kayo naman, mahal na mahal ko rin kayo, salamat sa inyo” wika ni Nestor
Maluha-luhang niyakap ni Auntie Leah si Nestor at yumakap na rin si Nash. Biglang bumukas ang pinto.
“hey all of you there!, aha! Emotional na naman kayong tatlo a, ha ha, Daddy tawag ka na ng emcees mag speak, blow the candles ka na raw bilisss!!! Sigaw ng asawa ni Nestor

“ha ha ha sige na anak lumabas ka na diyan at maraming naghihintay say o, Nash samahan mo kapatid mo, pumapel na kayo” utos ni Auntie Leah

Isinara ni Leah ang pinto naglakad at nagtungo sa sala hinarap ang mga litrato ni Oca at Pulding at nagsalita ito.

“Masaya na sila, maganda na ang buhay , balang araw sasama na ko sa inyo matanda na ako at mahina na, bilang ina at ama ay napalaki ko sila ng maayos, sana may gantimpala ako sa itaas ha ha. Maaari na silang pabayaan at maaari na rin kayong manahimik. Sige at makikisaya na ako sa mga anak niyo” at lumabas na ng silid si Auntie Leah.

Nagputukan ang mga kwitis sa labas, lumikha ito ng vibration, naalog na kaunti ang paligid. Nahulog ang litrato ni Pulding at kataka takang di nabasag ang salamin nito. Isang kamay ang kumuha rito at isinabit muli sa dating kinalalagyan pagdaka'y lumabas sa pintong nakapinid.

Sa labasan masaya ang lahat, mapapansin si Auntie Leah na kumaway mula sa kanilang gate habang papaalis ang isang misteryosong panauhin. Bumalik na ito sa tipanan at bumulong na:

“alam kong narito si Pulding, naibigay sa kaniya ang pagkakataong makita ang kaniyang anak, malapit na mawala ang bertud ko sa aking pagtanda, at doon ay maari na ring akong manahimik bilang ama at ina ng magkapatid. Sayang si Oscar pero alam kong busilak din ang kaniyang puso at mabibigyan din ng pagkakataong makita ang kaniyang anak.

Wooooshhhhhhh!!! Ka Boommmmm!!! sirit ng mga kwitis



WAKAS
posted by Mannydgreat at 7:37 PM 1 comments