Tingin ng mga bobong kapitbahay ko,
puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang
pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung
sumpa ito, dahil dito naletse ang k...inabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag
lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila
ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad
ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba.
Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang
ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.
Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing
ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga
nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya,
nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko
makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi
siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak
ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates,
yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit
niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin
natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Nung
kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko
nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na
kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko,
muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko.
Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa
payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin…
Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang
demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan
ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap
ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang.
Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin
para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero
hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang
tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para
akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo
kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko.
May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang
magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili
sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin,
nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na
masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa
ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin.
Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa
Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba
ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa
piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na
nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga
anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa
punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di
na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami
sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa
pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng
palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano
na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o
bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko,
madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay
ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa
salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin.
Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin,
nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko
namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit
saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami
naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa.
IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong
sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng
ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo
nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero
nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos
maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak
kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin.
Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga
kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid
sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.
Ang di ko
akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital
ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa
pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga
pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga
makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na
kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.
Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating.
Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin.
Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng
tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang
ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban
naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang
ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko.
Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di
man lang ako nagpapakilala.
Sa isang pribadong kumpanya. Nakita ni Rudolph na dumating ang aplikanteng nakuha ng
kaniyang amo habang abala siya sa
paggawa ng plano ng kanilang proyekto sa pinapasukang trabaho. Sa isang Construction
Company naninilbihan bilang Project
Engineer si Rudolph. Ang bagong kinuhang
draftsman ng kanilang kumpanya ay babae maliit siya at maputi, tomboyin ang
dating ngunit banaag mo sa kaniyang larawan ang isang magandang dilag.
Katatapos lang nito sa kaniyang pag-aaral. Mahilig manigarilyo ang dalaga tuwing breyktaym, at ito ang napansin ni
Rudolph at inisip niya na isa itong pilyang babae. Ipinakilala ni Engr. Wu ang
babae sa pangalang Mean. Kinamusta ito ni Rudolph. Naging partner sila sa
trabaho at naging malapit sa isa’t isa. Namuo kay Rudolph ang isang munting
paghanga sa dalaga lalo na’t ng malaman niyang dalaga ito at walang boypren.
Mali rin ang kaniyang akala noon na isa itong pilyang babae. Lagi niya itong binabati at pinaalalahanan na mag-ingat sa kaniyang pag-alis at pagpasok.
Napansin ng dalaga ang mga kilos ni Rudolph sa kaniya na di niya naman
binibigyan ng importansiya sapagkat lamang pa sa kaniya ang pagiging bata sa
kaniyang edad na 22 anyos lamang. Mahilig pa siyang bumarkada sa kaniyang mga
kaibigan at gumimik sa mga konsiyertong Rock. Isang Rock fanatics si Mean at dito
siya natutong manigarilyo at uminom tuwing kasama ang mga kaibigan. Ang kaniyang
mga barkada ay mga edukado rin at nasa mabubuting pamilya kung kaya alam nila
ang tama at mali. Lumalayo sila sa masasamang bisyo bagamat ang ilang niyang mga
kaibigan ay nakararanas na noon. Marami siyang kaibigang babae sa kaniyang
pagiging Rock Fanatics. Nanood din sila ng mga konsiyerto ng Eheads,
Slapshocks, Wolfgang atbp. Tapos siya ng Inhinyero sa isang pribadong
unibersidad. Kailangan niya nang ipraktis ang kaniyang napag-aralan kung kaya
nag aaply siya ng trabaho at dito na nga niya nakilala si Rudolph.
Si Rudolph ay may dalawang anak ngunit hindi kasal sa
kaniyang kinakasama. Bunga rin ng kabataan, ito naman ay resulta ng kaniyang
kapusukan. Isa siyang Partime DJ noon sa mga kasayahan at dito niya nakilala
ang kaniyang kinakasama. Nag abroad si Rudolph ng mga tatlong taon bago mapunta
sa kumpanyang iyon sa Pinas. Lumaki sa poder ng ina ang mga anak ni Rudolph
kung kaya hindi malapit ito sa kaniya. Di rin niya nakasama ang mga anak bago
siya umalis sa bansa sapagkat hiwalay pa sila noon ng kaniyang kinakasama. Mas
matanda si Rudolph ng sampung taon kay Mean at marahil ay malabo ng papasa si Rudolph upang dumiskarte sa dalaga.
Umabot sa apat na buwan ang panunuyo ni Rudolph kay Mean at
umabot na ito sa pakikialam ng gamit. Habang kumakain sa labas ang dalaga
pagsapit ng alas dose ay siya namang pinakikialaman nito ang bag ng dalaga.
Dito niya nakita ang ilang sulat sa isang maliit na papel na tumutukoy sa isang
taong nanunuyo sa kaniya at unti unti na siyang humahanga rito. Pumalakpak ang
tenga ni Rudolph, alam niyang siya ang pinatutungkulan nito. Kumupit din siya
ng isang ID picture sa wallet ng dalaga at itinago nito sa kaniyang sariling
pitaka. Madaling naibabalik ni Rudolph ang gamit ni Mean sa takdang puwesto na
di namamalayan ng dalaga na pinakikialaman niya ito. Naging lubos ang paghanga
ni Rudolph sa angking ganda ni Mean habang tumatagal . Nawawala na rin ang pagka
tomboy look nito. Lagi niyang tinitingnan ang litrato ng dalaga oras oras. Nagiging babae na talaga ang porma ng cute na si Mean. Napipigilan na rin ang paninigarilyo nito.
Kasa-kasama ni Mean si Rudolph sa site ng trabaho kung may
ginagawang bahay sa konstruksiyon at
napapansin ng ilang mga manggagawa ang pagkamalapit ng dalawa. Minsang sabay
silang umuwi ay sinamahan ni Rudolph si Mean sa Mall, Naisipang manood ni Mean
ng sine at nagpaunlak si Rudolph kung pwede siyang sumama rito. Pumayag ang
dalaga at ito na ang susi ng pagtitiwala ng dalaga kay Rudoph. May halos
tatlong na beses silang manood ng sine noon sa sumunod na lingo at walang diskarteng ginagawa si Rudolph a
dalaga. Naging lubos ang tiwala ni Mean sa kaniya kung kaya nagkaroon na ito ng
kaunting pitak sa kaniyang puso sa pagiging gentleman nito. Nag-iinuman din
sila sa kanilang opisina at gustong gusto ni Mean na pansinin siya ni Rudoph.
Hinahatid ni Rudoph si Mean sa kanilang bahay kapag uuwi na lalo na’t nakainom
ito. Hindi hinahayaan ni Rudoph na mapag-isa si Mean sa gabi. Halos araw araw
ay magkasabay sila sa pag-uwi minsan namamasahe at minsan ay gamit ang sasakyan
ng opisina. Nagkwentuhan din sila sa
texting ng mga bagay bagay na nakakatuwa. Mahilig sa banda si Rudolph, magaling
ito sa mga instrumentong panugtog kung kaya lalong humanga rito si Mean. Nagbibidahan
din sila ng mga kwentong Rock na siyang ikinagigiliw ng dalaga. Di lingid na
napansin na ng buong opisina ang pagiging malapit ng dalawa at dina sila nakikialam
dito.
Dumating ang puntong ipinagawa ni Mean ang bubong ng
kanilang garahe sa bahay at si Rudolph ang naging foreman nito. Dito na siya
nakilala ng ina at ama ni Mean maging ang ilan niyang mga kapatid. Pinagsabihan
ng nakatatandang kapatid ni Mean si Rudolph habang nananghalian na wag isama sa inuman si Mean dahil umuuwi
ito ng lasing kapag sila ay may inuman tuwing sabado. Tumango naman si Rudolph
sa sinabi ng kapatid ni Mean. Nagsimula na ang tuksuhan kay Mean ng kaniyang
mga kapatid na si Rudolph ay nanliligaw sa kaniya. Itinanggi naman ito ng
dalaga.
Isang gabi ay nag-usap sa text ang dalawa. Naging seryoso na
ang panunuyo ni Rudolph sa dalaga. Lasing noon si Rudolph at nasa barkada na
tumutugtog sa banda sa isang jamming session. Umamin si Rudolph na umiibig
siya. Ikinabigla naman ni Mean ang nabasa at sinabing natutuwa siya sa caring nito
ngunit di siya ganap na binata. Nag-aya si Rudolph na magkita sila sa isang
parke upang mag usap na pinaunlakan naman ng dalaga.
Oktubre 7, 2002 nang magkausap ang dalawa. Namasyal muna at
naglakad lakad. Tumingin sa malalaking puno at magandang tanawin. Matapos nito
ay umupo sila sa isang kakahuyan.Nagpalitan ng buhay buhay ang dalawa at dito
na nalaman ni Mean ang buhay ni Rudolph at nagkuwento rin si Mean ng kaniyang
buhay buhay sa bahay at panahon sa kolehiyo. Matagal silang nag-usap.
Magtatakipsilim noon ng yumakap si Rudolph sa likod ni Mean. Nanginginig pa
noon si Mean na unang beses pa lang nayakap ng lalaki ngunit tila may kiliting
di siya tumanggi, at nalaman na lamang niya na mahal na rin niya sa Rudolph sa
matiyagang panunuyo nito sa kaniya.
Nagulat sila ng sumisilbato na ang guwardiya na dapat ng mag uwian ang
mga tao sa parke. Lumabas sila ng parke
mag aalas sais ng gabi. Masaya si Rudolph dahil sinagot siya ni Mean na sila na
ng araw na iyon ngunit magmamasid rin siya kung karapat dapat banag mahalin ang
katulad niyang may anak na at sinabing ayusin ang buhay niya upang maging Malaya
sila. Inaya ni Rudolph na manood ng sine si Mean pagkalabas ng parke na pumayag
naman ito. Sa Cubao sila nanood ng Spykids 2 the movie at doon na nagsimulang
yumakap yakap at humawak kamay si Rudolph kay Mean. Sila na nga ng araw na iyon
dahil sa di pagtanggi ng dalaga sa mga yakap nito. Pauwi na sila noon
magkahawak kamay ng Makita sila ng kapatid ng kanilang Accountant. Dito na
kumalat ang balitang magkasintahan na ang dalawa sa kanilang opisina. Di naman
ginawang issue ang relasyon na iyon sa loob ng opisina. Naging Masaya si Rudolph
sa trabaho at ganun din si Mean. Nalulungkot si Mean kapag wala si Rudolph sa
opisina at na assign sa Site. Gusto niya lagi ito makita. Sa text na lang sila
nag-uusap ngunit minsan kapag sweldo ay nanonood muli sila ng sine at
nagkikita. Disyembre 2002 ay halos nanood sila ng pitong beses na magkakasunod
sa isang Mall pinakanagustuhan nilang pelikula rito ang Dekada 70. Minsan ay
isinasama ni Rudolph si Mean sa kaniyang service Van sa construction at dito ay
masayang Masaya ang magkasintahan. Umaabot sila noon ng Pampanga at minsa’y
humihinto sa ilang na lugar upang mabigyan ng halik ang kanilang nag-aalab na
mga labi .Hanggang sa humantong ang pagiging malapit sa isa’t isa na nakita na
lamang nila ang kanilang mga sarili sa isang pribadong lugar. Walang nangyari
sa kanila sa mga oras na iyon. Lubos ang paggalang ni Rudolph kay Mean. Makailang
beses nilang ginagawa ito upang maging sarili nila ang bawat isa ngunit ganun
pa rin ang pag-iingat ni Mean sa sarili na siyang sinusunod naman ni Rudolph.Masaya kasama si Rudolph, may pagkakataong tinuruan niyang mag maneho ng kotse si Mean sa isang bagong suddivision. Lahat ng mga bagay bagay na di nalalaman ni Mean ay itunuro niya rito gaya ng pag drawing sa manu mano at kompyuter. Ganun din naman si Mean kung may alam siya ay itinuturo niya rin kay Rudolph. Tinuruan din ni Rudolph si Mean ng pag eestima ng budget ng mga konstruksiyon at ang pagkuha ng mga permits sa gusaling bayan. Pinaliliwanag niya rin ang tamang pang konstuksiyon ng bahay sa aktuwal na pamamaraan na siya namang ikinatutuwa ni Mean.
Ngunit dumating ang pagkakataong mahina na ang kita ng kumpanya ni Engr. Wu kung kaya nag resign
ang dalawa dahil kulang kulang na ang kanilang sweldo sa kawalan ng mga
proyekto. Dito na sila nagkahiwalay ng
trabaho. Kung saan saan sila nag apply noon. Lagi silang magkasama sa pag-aaply.
Nagaayos sila ng kanilang resume sa isang kilalang food chain tuwing umaga. Makailang
beses din nag resign si Mean sa kaniyang bagong trabaho sapagkat walang gana
ito a nature ng trabaho at surroundings isa pa rito na wala si Rudolph sa
piling niya ,ngunit tinanggap niya ang pagkakataong kailangan niyang magtrabaho
kahit wala ang kasintahan. Nakapag trabaho ang dalawa at dalawang beses sa
isang linggo kung magkita. Sa pagtratrabaho ni Rudolph ay motor na ang kaniyang
gamit. Inaangkas niya rito si Mean kung sila ay nagkikita. Naglalaro sila ng
Bilyar at binibisita ang ilang mga katrabahong naiwan sa kanilang dating
pinapasukan sa Construction. Nag-iinuman sila rito ng bahagya at nag
kwe-kwentuhan.
Mahilig din sila mag joyride, magtungo sa Antipolo, Bulacan
atbp. Masayang Masaya sila sa isa’t isa. Ngunit sa tuwing uuwi na sila ay dina mapigilan
ni Mean na magtampo. Di pa kasi magawang magpakilala ni Rudolph sa kanila upang
malaman na siya ang kasintahan ng dalaga. Patagu-tago sila sa bawat kasama niya
si Rudolph. Nahihiya pa kasi si Rudolph sa kaniyang sitwasyon at di pa niya
mahiwalayan ang kaniyang mga anak noon. Sa pagmamahal ni Mean ay nagtiwala pa rin ito kay
Rudolph at matiyagang naghintay. Mahal
na mahal na ni Mean si Rudolph, tanggap niya na kahit di niya maipakilala ito
sa kanilang pamilya at kaibigan ay darating ang araw na masasarili na niya ang
lalaki.
Lumipas ang ilang taon ay lubos na ang pag-iibigan ni
Rudolph at Mean. Taong 2005 ay tumitindi ang sidhi ng kanilang damdamin kahit
ilang sandaling pagkikita. Di na napigilan ni Mean na magparaya sa nagtitimping
si Rudolph. Ibinigay na nito ang sarili sa kaniya. Sukdulan na ang pagmamahal
na ibinigay ni Mean kay Rudolph. Dito na rin lalong umalab ang pagmamahal ni
Rudolph sa kasintahan dinalasan na niya ang pagkikita nila sa loob ng isang linggo,
ngunit ganun pa rin sa pag-uwi. Ang patagu-tagong kilos ng magkasintahan ay di
pa rin maalis sa isip ng dalaga. Kapansin pansin din ang di na paninigarilyo ni Mean, naging mapagmahal na siya sa kasintahan, hindi na rin siya malakas uminom gaya ng dati at halos umiinom lamang siya kapag kasama si Rudolph. Tanong niya sa sarile bakit nandito ako sa
piling ng lalaking di karapat dapat sa akin. Ang pag-ibig nga ay hahamakin ang
lahat, bulag at may matinding kapangyarihan. Sa pag-iibigan ng dalawa ay di
maalis ang tampuhan, dabugan at away na kung minsan ay humahantong sa iwanan
ngunit babalik pa rin dahil na rin sa hiwaga ng pagmamahal.
Bumilang muli ang taon sa 2007, paminsan minsan ay hatid
sundo ni Rudolph si Mean pinapasukan nitong trabaho. Hinihintay ito ni Rudolph
kahit na mag hatinggabi.Nakikita ng kaniyang mga kaopisina si Rudolph at alam
nilang kasintahan ito ng kanilang officemate. Masaya si Mean kay Rudolph, mas
malaki ang kita niya kaysa sa lalaki kung kaya’t laging si Mean ang sumasagot
ng kanilang dates at Malling malaking kumpanya kasi ang napasukan nito kaysa kay Rudolph. Ilang taon na ring nag reregalo si Mean kay
Rudolph ng mga materyal na bagay. Bagama’t kapos naman sa kita ay ginagantihan
naman ni Rudolph si Mean ng ilang mga malilit na regalo at pagmamahal. Sa ganoong pagkakataon ay di mahalaga ang
pera kay Mean, ang mahalaga ay mapasaya niya si Rudolph. Hirap pa rin si
Rudolph na kalasan ang kaniyang mga anak. Nagaaral pa kasi ang mga ito. Patuloy
pa rin ang pagtiyatiyaga ni Mean kay Rudolph. Makailang beses na itong umiyak
sa kanilang pagtatagpo. Patuloy nangangako si Rudolph sa kasintahang malapit na
silang magkasama. Ang pangako ang pinanghahawakan ng dalaga.
Bumilang muli ang taon, 2009 ang anibersayo at kaarawan ng
bawa’t isa ay naging masigabo sa palitan ng regalo , cards at pagmamahal.
Unti-unti ng nawawalan ng pag-asa si Mean, gusto na niyang sumuko ngunit alipin
pa rin ng pagmamahal ni Rudolph. Sinsisita na niya si Rudolph na gumawa na siya
ng kaniyang sariling desisyon. Pinipilit niya ng magpakasal silang dalawa. Mali
at kung mali na nga ang naiisip ni Mean na siya pa ang nanghihimok sa lalaki ngunit
ginagawa niya ito sa tindi ng kaniyang pag-ibig
lalo na’t tumatakbo ang tagal ng taon. Lumilipas ang bawat sandali. Ang
mga yakap naman ni Rudolph ang nagpapakalma sa kaniyang pag-iisip. Ang dibdib
ni Rudolph ang nagsisilbing panyo para sa kaniyang mga luha. Nagtungo sila sa
iba’t ibang lugar sa Luzon at naligo sa iba’t ibang resort upang masarili ang
bawat isa na matatawag na mga nakaw na sandali. Sa piling ni Rudolph ay
nalilimutan niya ang tagal ng kanilang pagsasama. Madalas silang maglaro sa mga arcade ng malls at manood ng banda sa mga gimikan, Sumasakay din sila ng mga tsubibo sa mga kilalang establisimiento. Kumain sa mga sikat na resto maging sa mga turo turo lamang.
Dumating na ang taong 2012, di napigilan ni Mean ang
maghinagpis, sa kaarawan nito ay nagpaalam na siya kay Rudolph at sinabing
ayusin niya muna ang kaniyang sarili bago muling makiharap sa kaniya kung hindi
pa huli ang lahat. Di na mapakali si Rudolph ayaw niyang malayo sa kaniya si
Mean, mahal mahal niya ang kasintahan, ngunit alam niyang nasa kaniya ang
pagkakamali. Sinabi niyang aayusin niya ang kaniyang katayuan para sa dalaga ng
Enero, Pebrero, Abril at sumunod sunod
pa. Wala pa ring nangyayari. Mahal pa rin niya si Rudolph ngunit kailangan
niyang gawin ito. Matapos tanggapin ni Mean ang regalo ni Rudolph ay
nakipagkita ito makalawa. Dito na sila nag-iyakan nag palitan sila ng kwento ng
mga nangyari sa kanilang sa loob ng halos sampung taon. Kumain sila at nanood
ng sine. Dumating ang gabi, hinatid na ni Rudolph si Mean sa malapit sa kanila.
Maaring ito na ang huli nilang pagkikita. Nag-uuusap sila sa text ngunit wala
na itong sigla. Lubos na dinamdam ni Rudolph ang pangyayari, nabalisa siya, di
nakakain at nangungulila. Nakalimutan ang barkada at laging napapalpak sa
trabaho. Pinilit ni Rudolph na huwag mag paapekto sa nararamdaman. DI niya
makalimutan ang text ni Mean “Hayaan mu na muna ako” .Nagdasal siya sa
Panginoon, na bakit nangyari sa kaniya ang ganito at bakit nadamay pa si Mean.
Umiiyak siya gabi gabi at kung ilang beses muntik mabangga sa pagmamaneho. Hinihintay
niya na mag text ang dalaga kahit dina matamis ang mensahe nito . Dito ay
sasaya na siya at malalamang si Mean ay nakaaalala pa. Nagtetext pa din si
Mean ngunit madalang pa sa isang araw. Sa pamamagitan nito ay sumasaya si
Rudolph. Nag-iwan siya ng mensahe sa email ng dalaga na mahal na mahal niya
ito. Ang kapangyarihan ng pag-ibig ay mahirap talagang mapigilan anuman ang mga balakid dito.
Lumipas ang ilang buwan, ay nakagawa na ng desisyon si
Rudolph. Tinatawagan niya si Mean ngunit ayaw sagutin , kinokontak niya sa
Facebook ngunit di niya ito makita at dina nag rereply sa kaniyang mga emails.
Gusto niyang puntahan sa opisina nito
ngunit nag aalangan siya na di siya pansinin nito kung kasama ang ilang mga katrabaho o manliligaw o
barkada o maaring bagong kapalagayan ng loob kaya nag desisyon siya na puntahan ito sa kanilang bahay at handa ng
humarap sa kaniyang pamilya. Handa na siyang kausapin at ipaglaban ang kanilang
pag-iibigan ngunit siya ay nag-aalala at pumapasok pa rin sa kaniyang isipan ang
mga katagang, “Tanggapin pa kaya siya ni
Mean, tumabang na kaya ang pag-ibig niya o mayroon na siyang mga bagong
manliligaw o mayroon na kaya siya ngayong katipan”. Habang papaalis ay kumakabog ang kaniyang dibdib, umaapaw ang tuwa.
Hawak niya ang kaniyang biniling singsing na
ginto para sa dalaga tanda na handa na niyang pakasalan ito. Nagtext siya rito bago sumakay sa motorsiklo. Lumiliit ang kaniyang paningin ng mga
oras na iyon, masigla siya na sasabihin na niya na naipaglaban na niya ang
kanilang pag-iibigan. Sa kabilang dako ay nagulat si Mean ng mabasa ang text sa kaniyang cellphone na naglalaman na. "I love You and I want to Marry you" . Habang binabaybay ni Rudolph ang daan patungo sa bahay ng
kasintahan ng linggong iyon ay may trapik sa di kalayuan , tinanong niya ang lalaking katabi
kung bakit nagkatrapik ngunit di ito sumagot. Deadma rin ang isang babaeng tindera ng kausapin niya rin ito. Napapatawa lang si Rudolph sa mga taong pinagtatanungan niya. Namulagat siya ng malamang Isang aksidente pala ang
nangyari. Patay ang drayber ng motorsiklo nang mabangga ito ng Bus. Pinuntahan
niya ito at nakiusyoso. Nagulat siya sa nakita, ang jacket ng naaksidente ay hawig ng kaniyang
jacket at sa palad nito ay may singsing na
GINTO.
"Sa ating pangaraw-araw ay hindi mawawala ang mga usaping patungkol sa mga buhay ng tao. Ang iba ay may katotohanan ngunit ang iba ay pawang kathang-isip lamang. Sa mga gawaing pang relihiyon, pagpupulong o pagsasama-sama ay nabibigyan ng ganda ang isang paglalahad kung ito ay sisingitan ng maikling kwento patungkol sa paksang pinag-uusapan. Maglalahad ako ng mga kwentong nakatitimo sa puso at damdamin ng bawat tao, kapupulutan ng aral at maaring maibahagi sa iba..."