Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986

Martes, Marso 3, 2009

SI BATAN

Lungsod ng Baguio, malamig at mapapansin mo ang bait at magiliw na ugali ng mga mamayan ditob. Maraming gulay, maraming pasyalan. Sino ang di makalilimot sa Burnham Park na tinatawag rin Plaza na matatagpuan sa gitna ng lungsod. Isang arkitektong Amerikano ang nagplano nito na siya ring ipinangalan sa kaniya si Daniel Hudson Burnham. Ang parke ang naging takbuhan ng saklolo noong may lindol sa taong 1990. Ito ang kanilang itinuring na lugar ng kaligtasana sa paulit-ulit na pagayanig ng lupa sa loob ng isang linggo. Di halos narating ng kastila ang lugar noong unang panahon kaya ang mga mamayang igorot dito ay mapayapang namumuhay sa kanilang kulturang nakasanayan na. ang mga Amerikano ang unang nagpaganda sa lugar. Nagtayo sila ng kanilang base na tinatawag na Camp John Hay. Natuwa sila sa malamig na klima sa lungsod at mula noon ay pinaganda na nila ang lugar.

Pabalik-balik ako noon sa lungsod ng Baguio. Dito ang istasyon ng Dangwa Tranco na kung saan ka bababa at makasasakay ka agad patungo sa Irisan Hts sa Naguillan Road. Dito matatagpuan ang isinarang Baguio Military Institute na nooy paaralan din ng mga kadete pangalawa sa PMA. Isa sa mga nagbabantay dito ang tiyuhin ng aking ama na itinuring din naming lolo. Tuwing bakasyon at dinadala kami rito ng aming ama upang magpalipas ng isang buwan sa lamig at ganda ng tanawin ng lugar. Napakasarap isipin ang panahon ng iyong pagkabata sa lugar kung saan naglalaro ka sa mga tuyong dahon ng pino na tinatawag na "Saling", magpapadausdos ka sa mga burol at sa walang pagod na paglalaro ay tatawagin ka na lamang ng iyong lolo na "Mangan tayon" upang kumain. Kain tulog ika nga ang buhay bata. Kay sarap puntahan ang nakaraan.

"hoy Manding, ano ka ba, nangangarap ka na naman diyan pangiti-ngiti ka pa , baka isipin ng tao nasisraan ka, nandito na tayo sa baguio baba na tayo sa Bus at maghahanap pa tayo ng matitirhan" wika ni Tikboy na kaibigan ni Manding

"bakit di ba tayo pupunta sa BMI sa lolo ko?"

"hoy gising!!!! matagal nang patay na ang lolo mo at wala na kayong tirahan doon at 35 anyos ka na, baka nahahahanginan ka nagpunta tayo dito upang magbakasyon at humanap ng hotel na matutuluyan!"

"ha! ganun ba sus namalikmata nga ako, akala ko bata pa ako e, oo nga pala , laki ng pinagbago ng lungsod a ang dami pang tao" wika ni Manding

"bakit ilan taon ka bang di nabalik dito?"

"pare 20 years"

"20 years!!!! ganung katagal, anak ng pating, e parang bagong silang ka ngayon ako noong 2004 galing lang ako dito pang walo ko na itong akyat"

"ang yabang mo naman Tikboy, alam ko naman mapera ka e, kami wala"

"ha ha ha di naman, tara , nga pala sina Mike nasan na?"

"ikaw pala ang tutulog tulog diyan hayun sa baba o kumakaway asus, kaw pala rin namamalikmata" biro ni Manding

Habang naglalakad ay napansin ni Manding ang isang pulubi sa istasyon ng Victory Liner. Maliit na tao na nasa 60 na ang edad. Madungis at tila gutom na nagmamakaawa sa mga dumaraan.

"pare, di ba Igorot iyon?" wika ni Manding
"oo bakit kita mo naman sa itsura a yun nga lang damit westernize na ha ha ha" sagot ni Mike
"nagtataka lang ako kasi di ba sa kanila ang bundok na ito, bakit pulubi sila ngayon"
"ay naku pare ang dami mong tanong alam mo naman mga dukha ang mga iyan at mangmang kapag wala kang alam ngayon mahirap ka"
"hindi ang ibig ko lang sabihin bakit di binigyan ng gobyerno ng tirahan ang mga yan"
"binigyan ang mga yan kaso binibenta rin nila kasi nga wala silang pera, wala rin kasing trababo ang ilan sa kanila, di naman lahat ng Igorot ganiyan mangilan ngilan lang yang mga naghirap, me classmate nga ako nung college Igorot de kotse pa e"
"ganun ba , teka pare lilimusan ko naawa ako e"
"ikaw bahala, wow pare ang bait ni Manding Magiting ha ha ha" biro ni Mike

"manong ito po ang sampu ingat po kayo" tumango tango ang Igorot
"pareng Manding di marunong ng tagalog yan ilokano lang o kaya Ingles!" sigaw ni JonJon na katropa nito
"ganun ba! how are you sir, what's your name?"
"name? my name is Batan, thank you my friend"
"do you have children or family here?"
"yes they're now in Bontoc, they move to safer place"
"why, is Baguio not sa safer place?"
"Baguio no more space for us, grabbing all our lands gave us a little and not enough for us"

"pare tara na tama na yan mag aalas dose na check out na ng mga inmates dapat maka check in na tayo sa hotel!" sigaw ng grupo

"okey Batan see you soon nice talking to you"

"wow pare touching ka naman, bakit kaya di ka pumalit na host ng Kapwa ko mahal ko ha ha ha"
" o kaya pare mag abroad ka kaya CareGiver maghugas ng pwet ng matanda yun me tae tae ha ha ha"

"kayo naman naawa lang ako, alam mo naman me lahi kaming Igorot" malumanay na wika ni Manding

"Ha! me lahi kayong Igorot!" gulat na bulalas ng tatlo.

" ang tatay ng nanay ko ay isang kankana ey tubong Sagada" paliwanang ni Manding
"e malayo na yun, ilan salin lahi na pala e" wika ni Tikboy
"di pa rin ano alam muba na kahit makapitong salin lahi kayo nananalaytay pa rin ang dugo nila sa mga ugat mo"
"ganun ba yun pare, saan mo naman na research yan" tanong ni Lance
"e di ba ang kanunununuan niyo Tikboy mga panot e napapanot ka na rin" biro ni Manding
"ha ha ha!!!! hayun pala yun ikaw talaga Manding ha ha ha" bulalas ni Mike
"kayo ha, nagkataon lang MIS ako at puro PC nasa harap " wika ni Tikboy
"e ano ngayon ibig sabihin na radio active ka mahirap palang dumikit sa yo baka mapanot din ako ha ha ha ha!!" biro ni Mike

"tama na nga yan baka mapikon si Tik, pare joke lang ano nga pala saan ba tayo ha kanina pa tayo naglalakad giniginaw na ako" wika ni Manding

"tara dun tayo sa Hotel Venice malaki e, malapit pa sa Burnham tara folks double time" wika ni Tikboy

Nakapasok ang apat sa econo class. Sama sama na sila doon. Inayos ang mga damit at sandaling namahinga.

"pare dito sa Baguio hindi pahingahan kundi pasyalan, ang ibang tao dito natutulog o nag che check in pag gabing gabi na at check out uli kinabukasan, tayo apat na araw ang reserve natin pero di nangangahulugan na mag-iinuman lagi tayo dito," paliwanag ni Manding

"e ano assignment natin" tanong ni Mike

"anong oras na Tikboy?"
"mag tanghali na 15 to 12"

"o sige mag bihis kayo lalabas tayo at dun kakain , biyahe tayo ng Mines at Botanical at magsimba sa Cathedral pagkatapos nun e maghanap tayo ng Bar sa may Gandara ok ba sa inyo yun"

"okey na okey pareng Manding siyanga pala kelan ba tayo sa Strawberry Farm pupunta?" tanong ni Lance

"Lance ang Farm e laging nasa huli iyon kung uuwi na kasi kung bibili ka ng Strawberry dun ngayon e lanta na bago mo maiuw isipin mo apat na araw tayo dito"

"ay! sorry ganun ba yun gusto ko kasing kumain ng berries e"
"e sa labas ang dami buy ka at laklakin mo ha ha ha" biro ni Manding

"siyanga pala Manding bakit ba naisipan mong dito tayo mamasyal dahil ba sa ginagawa mong reports sa pinagtratrabahuhan mong press" tanong ni Mike

"di naman gusto ko lang magpalamig at makita ang ilang mga Igorot"
"e sa Manila daming Igorot a namamalimos"
"iyon nga Mike e, ang tanong bakit nandun sila sa Manila at sila bakit wala sila sa kanilang bundok"
"oo nga ano"
"kitam pati ikaw nagtataka at alam mo ba may nakita akong Igorot noon sa Manila na nabundol ng kotse talsik namatay siya halos di makilala ang mukha at ang bag niyang native nakapagtataka punong puno ng pera"
"ha mapera saan galing iyon mga magkano?" tanong ni Tikboy

"sa pamamalimos niya siguro mga isang taong niyang pamamalagi sa Manila at siguro babalik na siya sa Cordillera para ibigay ang pera sa kaniyang pamilya, aabot siguro iyon ng 30 thou halu halo may lumang papel, bago at mga barya"

"syang iyon tiyak pulis o MMDA na nakakuha noon , matanda na ba iyon pare iyong nabundol na Igorot" tanong ni Lance

"siempre, matanda na iyon, di lilimusan sa Manila iyon kapag malakas ka pa dapat matanda para kaawaan , kasing tanda nung nakita kong Igorot kanina"

"mga 70 na iyon ano pareng Manding" tanong ni Lance
"di naman mga 60 lang iyon matanda lang tingnan kasi batak sa hirap at alam niyo ba na ang tinayuan ng Mall na iyon ay dating Ancestral Garden, tanong bakit napahintulutan itong sirain at tayuan ng Mall"

"kasama na ebolusyon ng pag-unlad iyon Manding dapat sumunod tayo sa pagbabago, gaya ng sinasabi mong mga Igorot nakadamit western na rin sila kaya di mo alam na Igorot sila" paliwanag ni Tikboy

"di iyon ang ibig kong sabihin halimbawa tanungin kita, may magandang lumang bahay ang lolo mo na namana sa mga ninuno mo, maganda ang bahay at masasabing antique talaga, gusto mo bang gibain ito at tayuan ng bagong bahay?"

"hindi a, maganda iyon resthouse o bakasyunan at maalala mo ang mga panahon noon kada tungtong mo sa sahig nito" tugon ni Tikboy

"iyon ang ibig kong sabihin dapat iprepreserve mo yun ,o paano mamaya na tayo magkwentuhan lakad na tayo yung mga Digi niyo ba dala niyo? wika ni Manding

"di lang Digi me me TV pa ha ha ha" biro ni Lance
"TV yung China Phone ha ha ha, kaw talaga, punta muna tayong Park boating tayo" wika ni Mike
"mas maganda tara teka mag boboating tayo e me lisensiya ba kayo?" wika ni Manding
"ha ano yung kotse?" pagtataka ni Lance
"joke joke joke!!"

Ha HA ha! tawanan ng apat

Habang nag boboating sila ay napansin ni Mike ang isang Igorot na nakatingin sa kanila.

"Pre, di ba yun yung Igorot sa Bus Station, nakatingin sa atin"
"hindi a, baka sa iyo nakatingin Mike" biro ni Lance
"Si Batan nga parang gusto niyang lumapit sa atin nababasa ko sa kaniyang mga mata na may ibig siyang ipahiwatig" wika ni Manding

Matapos magbanGka ang apat ay nawala na si Baten sa kanilang paningin.
"dapat ko siyang makita nagugulo na ako di ako matahimik" bulong ni Manding
"pa...pare parang me problema ka ba?" tanong ng tatlo
"a pa.. mga pre wala nahihilo lang ako"
"ganun ba nahilo ka sa bangka ha ha ha! tara lakad na tayo para mawala hilo mo taxi na tayo sa Mines view yeheey" bulalas ni Mike

Dumiretso sila ng Minesview. Masaya ang bawat isa. Nagpa picture sila sa kabayong naroroon. Napansin nila na hindi na naalagaan ang lugar. Sira sira na ang dating magandang silungang pabilog nito. Binawal na rin ang mga batang namamalimos sa bangin. Ang dating magandang mga puno ng pino na makikita sa ibaba ng bangin at bundok ay nadagdagan na rin ng mga bubungan ng mga bahay na naroroon. Ngunit ang mga souvenirs at mga panindang kakanin na naroroon ay di pa rin nagbabago at ang lamig ng panahon. Ganun pa man masayang masaya ang lahat maliban kay Manding na makikitang nakaupo sa gilid ng bangin at tumatanaw sa di kalayuan.

"pare tapatin mo kami me problema ka ba?" usisa ni Lance

"mga kaibigan mo naman kami kung me problem ka makakatulong kami bakit nag-away ba kayo ni Lani na asawa mo nahuli ka ba he he he?" sabat naman ni Tikboy

"pare, naniniwala ba kayo sa multo?" wika ni Manding

"MULTO!!!!!" bulalas ng tatlo

"ano ka ba naman Manding hanggang dito ba naman dinadala mo ang mga kwento na nababasa mo sa tabloid ng kumpanya niyo, aba walang ganiyanan takot ako sa multo minsan na akong nakakita niyan" sabat ni Mike

"san ka naman nakakita aber" wika ni Lance

"sa bahay ng lola ko maliit pa ako noon mga 7 , nagpakita sa akin di ko nga alam na patay na pala siya kaya di ako natakot, nakita ko siya sa aparador na nakatingin sa akin at ngumiti"

"tapos ano nangyari?"

"sinabi ko sa tatay ko kaya pinuntahan nila ang aparador ,yun pala may ibig ipahiwatig doon, may secret drawer sa loob ng aparador at nakita ang iba't ibang alahas, doon pala tinatago ng lola ko mga alahas niya na akala nila noon ay sinangla"

"e di mula noon di na nagpapakita ang lola mo?" sabat muli ni Lance

"malay ko sa kanila di na ako pumunta sa bahay nila mula noon natakot na ako, bakasyunan na lang iyon sa probinsiya namin sa Surigao"

"ako naman nakita ko ang lolo ko sa poso negro Mike ,ano kaya ang ibig sabihin noon?" sabat ni Tikboy

"puro ka kalokohan tikboy ebak naman ang laman noon wag mong sabihing me kayamanan doon sira ka talaga" inis na nasabi ni Mike

"wala kayo sa lolo ko!" sabat naman ni Lance

"tama na nga ang biruang iyan, sasabihin ko na ang nangyayari sa akin friends handa na ba kayo?" wika ni Manding

"oo naman pare" wika ng tatlo

"sasabihin ko sa inyo mamayang gabi sa bar pagkatapos nating gumala sa Baguio at iinom tayo doon sagot ko okey ba sa inyo?

"hindi na tinatanong iyan pare basta libre nasa likod mo kami ha ha ha!" biro ni Mike

Matapos mamasyal ang tatlo sa Botanical Garden ay nagsimba sila sa Cathedral.

"Lance tingnan mo si Manding taimtim manalangin pero demonyo naman sa tsiks" bulong ni Mike

"psst,,, wag ka maingay Lance baka marinig tayo bakit ikaw hindi, isa ka rin matinik sa tsiks a, parang nagdarasal siya at tila umiiyak o"

"oo nga pare mabigat yata ang problema niya"

Matapos magsimba ay uminom sila sa isang Bar malapit sa Magsaysay Road. Dito na nagtanong ang tatlo.

"alam mo pare napansin naman iyang kinikilos mo after our boating"
"nang makita natin si Batan iyon Igorot"
"at umiiyak ka pang nagdarasal sa simbahan"

"pare matanong kita kamag-anak mu ba yun Igorot o ka-anu ano mo?" wika muli ni Lance

"at kanina sinabi mo tungkol sa multo e di pa nga ako nakakakita ng multo kahit kelan" sabat naman ni Tikboy

"ako never akong makakita ha, at manginginig na ako sa takot" bulalas ni Mike

"o pare, tama kayo teka muna bottoms up tayo sa isang boteng ito para tumama agad ayaw tumama sa lamig ng panahon e tapos three rounds pa tayo ano call?" wika ni Manding

"okey!!!!!'

Umorder uli ang apat ng isang bucket na beer. Sisig ang kanilang pinulutan at kare kare na sinabayan ng kaunting kanin para sa kanilang gabihan.

"mga pare sasabihin kuna sa inyo ang problem ko, di ko ka anu ano si Batan, at ikaw Lance at Tikboy ay di niyo na malilimutan ang sandaling makakita kayo ng multo, Mike ihanda muna panginginig mo"

Nagulat ang tatlo sa narinig nila kay Manding.

"ano ang ibig mong sabihin?" usisa ni Lance

"hindi lang ako ang nakakakita sa multo natutuwa rin naman ako at may karamay ako, dapat nating lutasin ang problema ko mga friends ,tutulungan niyo ba ako physically at financially?"

"kung sa abot ng makakaya namin pare tutulungan ka namin" wika ng tatlo

"sige mga pare salamat, ito ang problem ko alam niyo bang si Batan ay isang multo siya ang laging nagpapakita sa akin sa Manila at siya ang aking sadya rito at hayun na naman siya sa gilid ng pinto ng bar at nakangiti sa atin"

'ANOOOO!!!!!!!!!" gulat na naisigaw ng tatlo

"pare wag kang magbibiro naman ng ganiyan anak ng pating wala namang ganiyanan" bulong ni Mike

"pare di ako titingin wag ka namang magbiro" bulong naman ni Lance

Nilingon ito ni Tikboy. Wala si Baan sa pintuan.
"wala naman pareng Manding binibiro mo lang yata kami a"

"hayan siya sa tabi niyo"

"nyaaaaaa!!!!!" nagpulasan ang tatlo sa bar lumabas ang mga ito.

"sir me problema ba?" wika ng waiter
"a pare wala nagbibiruan lang kami nagkapikunan lang ayos lang pare cheat namin"

Lumabas na rin ng bar si Manding matapos ang insidenteng iyon. Kinatagpo niya ang tatlo sa isang sulok. Noo'y mag aalas nuebe na ng gabi tumitindi na ang lamig ng panahon.

"pare nakakahiya ang ginawa niyo nagkatinginan tuloy mga tao, sayang pa bote ng beer natin di naubos" wika ni Manding
"pare, ayoko naman ng ganun multo sus maryosep nakita ko si Batan nakangiti pa sa akin bakit ganun nadadamay kami sa iyo" nanginginig na wika ni Lance

"nagtataka nga rin ako ng, kasi nga nakikita niyo siya sa istasyon pa lang ako expected kuna na makikita ko siya dito"

"pare di ka ba nagbibiro totoo ba yun" wika ni Tikboy
"pare totoo iyon di naman basta makakapasok ang pulubi sa loob ng bar bigla naging katabi natin" sabat ni Mike

"oo nga ano, pare ano ba? ano ba gagawin natin anak ng pating baka pati sa banyo nandon iyon nakuuuuu" wika ni Tikboy

"pare ganito na lang bumalik na tayo sa hotel at pag-usapan natin ang totoong pakay ko dito" paliwanang ni Manding

"tara" sabat ng tatlo halukipkip ang kanilang mga jacket sa lamig ng panahon.

Sa loob ng hotel ay nagsuot pantulog ang apat. Laging bukas ang ilaw ng kanilang kwarto at banyo. Bukas din ang telebisyon upang magbigay ingay sa paligid.

"ganito iyon pare tatlong buwan na akong ginugulo ni Batan, lagi siyang nagpapakita sa akin sa lbasan lang lagi hindi naman sa mga kwarto o banyo" paliwanag ni Manding

"hay salamat ganun din kami e bakit sa amin nagpapakita rin" tanong ni Tikboy

"maaring may gusto siyang ipagawa sa atin at iyon ang misyon natin" wika ni Manding

"ibig sabihin di na tayo makakapamasyal?" sabat ni Lance

"isabay na natin ang pamamsyal sa misyon natin" palwanag muli ni Manding

"maiba tayo paano mo naman nalaman ang name nung multo at paano mo nalaman na taga dito siya sa Baguio?" tanong ni Mike

Kinuha ni Manding ang kaniyang bag at inilabas ang isang native back pack. May sira ito ng kaunti sa gilid at may tila mantsa ng dugo sa gawing ibaba na natuyo.

"ano yan?" sabat ni Lance

"pare ito ang bag ni Batan nakita ko ang pangalan niya rito at ang lugar kung saan siya nakatira na nakapaloob sa bag na ito, nakasulat ito sa isang lumang papel" paliwanag ni Manding

"paano mo nalaman na yung multo e siya" tanong ni Tikboy

"nakita ko ang litrato niya rito at ang multo e iisa ang mukha heto o tingnan niyo"

"shit! siya nga anak ng pating totoo nga pare nakuu kakatakot naman, patay na kaya iyan o hindi pa" wika ni Mike

"tange me multo bang buhay" biro ni Tikboy
"meron a"
"aber ano?"
"multong bakla ha ha ha"
"
"tama na nga iyan ano pala Manding saan naman galing ang bag?" tanong ni Lance

"galing ito sa isang Igorot sa manila iyong pulubi na nasagasaan na namatay. Ito ang kaniyang bag, may lamang 30 thou pesos"

"ha! iyong ikinuwento mo kanina siya pala iyon bakit nasa iyo?" gulat na tanong ni Lance

"naroroon ako sa pinangyarihan ng aksidente, bilang member ng PRESS lumapit ako sa kaniya kasama ang mga imbestigador na kilala ko na tinext ko agad, kinuha ko ang bag at sinilip panandalian ang laman nito na tumambad sa akin ang maraming pera na galing siguro sa pinaglimusan nito sa mahabang panahong pamamalagi sa manila"

"bakit mo kinuha bakit di mo tinurn-over sa imbestigador?"
tanong ni Mike

"natatakot akong kunin ng mga swapang na pulis ito kaya kinutsaba ko ang katrabaho ko na kunin namin ito?"

"ang laman nasaan na?" tanong ni Tikboy

"iyon ang mali natukso kami pare,nagastos namin , pinang gudtime hu hu hu" umiyak si Manding

"ha! masama nga yun dapat ibalik natin ito sa mga kamag anak niya e paano yung kaibigan mo masisingil mo ba yun kahit kaunti?" wika ni Mike

"mula noon nagpakita na sa akin si Batan at iyong katrabaho ko namatay sa sakuna nung isang buwan nabundol din ng kotse nang pumunta ako sa burol nakita ko si Batan sa tabi ng kabaong niya at nakangiti na nakatingin sa akin hu hu hu"

"shit pare pareng may ibig sabihin may sumpa ang ginawa niyo matindi yun shit baka pati kami madamay diyan natatakot ako" wika ni Tikboy

"muntik na akong mabangga rin nung isang linggo buti nakatalon ako sa kanal at nakaligtas, at nakita ko si Batan na nakatingin sa akin at galit kaya sinabi ko sa kaniya na ibabalik ko ang pera, pare tulungan niyo ko 20thou lang dala ko utang muna ako sa inyo hu hu hu"

"walang problem pare mag wi withdraw kami sa ATM saan naman natin ihahatid ang pera?" wika ni Lance

"me address dito sa bandang Lucban malapit, tiningnan ko ito sa mapa malapit sa Health Center at St. Louis University"

"tomorrow pare hanapin natin, mga pare di na biro ito, Batan kung saan ka man ngayon wag muna kami guluhin patawarin muna kaibigan namin ibabalik namin ang pera" sigaw ni Mike

Namatay ang ilaw.

"shiiiit!!!!!!!!"

Nagtalukbong ang apat ng kumot.

"grrrr... naku nandiyan na si Batan!" sigaw ni Mike

"wag kayo matakot alam naman niya ang plano natin, Batan please wag mo kaming takutin" sigaw naman ni Manding

"tok tok! sir, pa disturb po house keeping po" sigaw ng isang lalaki sa labas ng kuwarto.

"pare may tao sa labas ikaw na magbukas ng pinto" bulong ni Lance
"anak ng pating bakit ako, kaw na Manding?"

Lumabas si Manding ng kumot, nakapikit ito at tila ayaw makita ang paligid bagamat madilim sa buong silid. Kinapa ang door knob at binuksan ang pinto. Tumambad sa kaniya ang roomboy ng hotel.

"sir mawalang galang na po nais ko lang pong sabihin na nagka blackout po aayusin lang po sandali ang power mga 15minutes, so wala po muna tayong water heater" wika ng roomboy

"ganun ba, okey lang akala ko kung sino na, mgha pare situation is under control na labas na kayo diyan!"

"bakit sir natatakot ba mga kasama niyo wala naman pong multo rito" biro ng room boy

"a e wala nagbibiro lang mga yan nga pala pare ano ba name mo just in case?" tanong ni Manding

"a Jeffrey po Jeffrey Batan po at your service"

"nyaaaaa"!!!, balikan ang tatlo sa kumot

"bakit po natakot sir?"

"sabi mo ba Batan?"

"di po sir Jeffrey po ako ng Bataan taga Bataan po ako Batan po ba rinig niyo? dito po ako na-assign sa Baguio sa trabaho"

"a ganun ba akala ko kung ano na he he sige thanks pare "

Biglang bumukas ang ilaw.

"yeheeyyy! pare okey na ha, matutulog na ako me tama na ako sa nainom ko wag niyo patayin ang ilaw ha?" wika ni Tikboy

Kinaumagahan. Maagang gumayak ang apat. Nagtungo sila sa oinakamalapit na ATM upang mag withdraw. Nabuo nila ang 30 thou na pera upang ubigay sa pamilya ni Batan. Sa New Lucban ang tungo ng apat. Ipagtatanong pa nila ang mga kamag-anak ni Batan sa lugar na iyon.

"pare ano plano sama-sama ba tayo o dala dalawa?" tanong ni Mike

'"sama-sama pare, humihingi ako ng pasensiya muli mga kasama ha, nadamay kayo sa problema ko" paliwanag ni Manding

"wala yun pare, basta ikaw darating ang araw isa sa amin naman ang hihingi ng tulong"

"pare diretso tayo sa Cuty Hall doon tayo magtanong upang ma beripika natin ang lakad natin kung saan" mungkahi ni Lance

"hayun tumama ka rin pare ganda ng opinyon mo tara punta tayo doon" wika ni Tikboy

Matapos ma beripika sa City Hall ang lugar ay dumiretso na ng Luckban ang grupo.

"pare marami na palang bahay sa mga bundok dito , nagawan ng paraan ang mga bangin natayuan pa rin ng bahay" wika ni Lance

"me permit kaya yan sir" tanong ni Manding sa lupon ng barangay na iyon na naging tourist guide nila upang hanapin ang pamilya ni Batan

"meron yan mga sir pinahintulutan yan ng pamahalaang lokal karamihan diyan mga native talaga dito" wika ni Mang Sergio

"ganun ba kaya pala" sabat naman ni Mike

Dumating sila sa isang barangay hall ng lugar na iyon at kinausap ang kapitan.

"Si Batan Mano-og, matagal na rito mga yan bago pa man dumating ang mga kastila naririto na ang mga ninuno niyan, may balitang namatay si Batan sa maynila nasagasan yata di na nila nakuha ang bangkay nito, siya pa naman ang inaasahan ng isang organisasyon" wika ng Kapitan Sagrado

"pare totoo nga sinasabi ni Manding si Batan nasagasaan kaso anong organisasyon kaya yun?" bulong ni Lance kay Tikboy

"me sinasabi ka ba kaibigan?" wika ng kapitan

"a e.. e magtatanong lang kami sir ano hong organisasyon ka pamilya niya po ba ang mga kaanib nito?" wika ni Lance

"nag-iisa na lang sa buhay si Batan dito sa siudad, ang alam kong kamag anak niya ay nasa Sagada kaso di na niya kilala mga yun nawalay siya sa eadad na 35 anyos ng lumuwas siya sa manila para manlimos, ang perang kaniyang nalilimos ay ibinibigay niya sa organisasyon ng mga Igorot dito sa aming lugar, nakapagpatayo ng bahay ang ilan sa kanila dahil sa pera ni Batan, nagtitira lang siya ng kaunti para sa sarili niya"

"e saan po siya nakatira?" tanong ni Tikboy

"kahit sino pinatutuloy siya sa mga tahanan dito malaya siyang nakakatulog kahit saang bahay ng Igorot. Madalas siya sa Dangwa Terminal kasi doon siya sumasakay patungong maynila, mula ng mawala si Batan parang naging malungkot ang organisasyon dito, naipangako niya kasi na magpapagawa siya ng linya ng tubig sa bawat kabahayan, ang tubig dito ay nanggaling sa bundok"

"mga magkano po ba ang pagawa ng mga ito?" tanong ni Manding

"aabot sa 28mil sabihin na nating 30mil, sana nga nagawa ito para di na nahihirapang umigib ang ilang mga tao dito"

"kapitan ang sadya po namin dito ay ibigay ang 30 thou na pampagawa ng nasabing proyekto, ako ay member ng media nasaksihan kupo ng masagasaan si Batan, nakuha po namain ang pera niya at ibibigay po namin ito sa lupon, sino po ba ang dapat kumuha nito"

"naku maraming salamat mga iho, ibibigay natin iyan kay Apo Ineg, oo nga pala nasan na ba ang bangkay ni Batan?"

"naipalibing po namin sa Norte wala kasing kumuha nito sa maynila wala kasing pagkakakilanlan" paliwanag ni Manding

"maari naman nilang makuha ang buto ni Batan at dalhin sa Sagada, Intal anak, pakitawag mo sa taas si Apo Ineg sabihin mo may bisita tungkol ke Batan!" sigaw ng kapitan

Lumipas ang ilang oras, Nabusog sila sa inihain ni apo Ineg sa mga dayo. Natuwa ang buong organisasyon sa apat na kalalakihang ito. Bumalik sila sa kanilang hotel ng gabi ring iyon.

"pare di na tayo siguro gagambalain ni Batan" wika ni Lance
"sana naman natatakot ako e" sabat ni Tikboy

Namatay ang ilaw.

Nyaaa!!!!! nagtalukbong ang dalawa

"tok tok tok!

"sino na naman yan si Jeffrey ba ng Bataan yan!" sigaw ni Lance

"ha ha ha ha!!!! mga duwag ako lang nagpatay ng ilaw" bulalas ni Manding

"mga pare bukas luluwas na tayo, masaya na ang kalooban ko at naibalik ang pera ni Batan, may purpose pala ito, maging aral sa atin ang lahat, sa susunod na buwan babalik tayo dito tingnan natin ang patubig sa Lucban at kasama nating bumalik dito ang buto ni Batan " paliwanag ni Manding

"bawal yata sa Bus yun pare" sabat ni Mike

"hihiram ako ng sasakyan ako na mag drive papunta dito kaya ko na siguro ito me Marcos hiway naman" paliwanag ni manding

"oo nga para di na tayo makakakita ng multo ayoko na ha" sabat ni Mike

Maaga kinabukasan ang apat sa terminal ng Dangwa. Nakatulog ang tatlo sa upuan habang papaalis ang Bus, nakatingin si Manding sa labas at natanaw niya rito si batan kumakaway ito sa kaniya, umiiyak sa kasiyahan napansin niyang umaangat ito sa lupa, hinabol niya ito ng tingin at nawala sa kalangitan.
Nang marating ng Bus ang lugar ng Sison ay tinanawa niya ang mga bundok ng siudad. Masaya ang kalooban niya, ang kaniyang gagawin ay kunin ang buto ni Batan at ibalik sa Lucban upang madala ng ilang kaibigan sa Sagada sa mga kamag-anakan nito.

Nakatulog na rin si Manding habang nakikinig sa saliw ng musika sa kaniyang tainga ng kaniyang I-Pod. Mapayapang naglakbay ang bus patungong Maynila.


WAKAS
posted by RCGoCreations at 8:45 AM 0 comments