Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986

Biyernes, Mayo 14, 2010

Singkamas Street

Singkamas street. Isang kalye sa isang sulok ng Maynila. Matao, maraming tambay. Maraming halang ang bituka. Maraming tsismosa at mga asong palaboy. Kinatatakutang lugar. Dito napadaan ang isang taxing puti. Walang sakay na tila may hinahanap ang tsuper nito. Mabagal at maingat ang naturang sasakyan sa lubak lubak na daan na naipunan ng maruming tubig ulan.

Isang bata na nasa limang taong gulang ang di napansin ng drayber na naghahabulan na pasalubong sa unahan ng sasakyan. Di ito nakatingin sa daraanan. Biglang hinto ang taxi ngunit ang bilis ng kilos ng bata ang siyang humampas sa bumper ng sasakyan. Bagsak ito at may dugong dumaloy sa noo ng paslit.

"anak ng pating bumaba ka diyan bakit mo binangga ang bata!" sigaw ng isang tambay

Bumaba ang tsuper upang magpaliwanag ngunit isang suntok agad ang tumama sa mukha nito dahilan upang siya ay tumakbo. Naharang siya ng ilang kalalakihan.

"tatakas ka pa ha eto sa yo!"

"aray ku, di ko sinasadya maawa kayo!" pagmamakaawa ng drayber

Suntok, papaluka, tuhod, bambo ang inabot ng tsuper sa taong bayan. Lugmok ito sa kalyeng putikan.Di na ito nakapagpaliwanag.

"tama na yan, ano ba ginawa niyo, hayan di na kumikilos dalhin niyo sa ospital yan" sigaw ng umawat na barangay tanod

Isa-isang nagtakasan ang bumugbog sa tsuper. Ilang nagmagandang loob ang nagbuhat dito at isinugod sa ospital sakay ng isang pedicab. Binantayan ng tanod ang taxi upang maimbestigahan pagdating ng mga pulis. Isinugod din ang bata sa ospital upang bigyang lunas ang sugat nito na di naman napuruhan.

Makalipas ang isang oras ay may kumuha na sa taxi. Nagtanong dito ang isang lalaki.

"brod kumusta ang drayber?"
"matinde pare, patay ang drayber napuruhan sa ulo, hayun ang mga pulis nag iimbestiga na, kaso walang maituro, parang walang mangyayari kasi nabugbog ng marami alangan namang ikulong mo lahat e walang tetestigo takot ang mga tao"

"kawawa naman, tsk tsk..."
"ikaw pare me alam kaba kung sino me hawak ng matigas na bagay na pumalo sa drayber?"
"a e wala a, nakita ko lang lugmok na ang drayber" wika ng lalaki

agad na lumisan ang lalaking nag-uusyoso. Nestor ang pangalan nito na kapatid ng ng ina ng batang naaksidente. Nagtungo ito sa kanilang bahay.

"ate, kawawa naman ang drayber patay daw sa bugbog" wika nito

"ha, Diyos ko, e di wala na rin magbabayad ng gastusin sa ospital ni Jekjek, kawawa naman ang drayber kawawa rin tayo sa gastos" wika ni Lina na ina ng bata

"kumusta naman si Jekjek ate?" wika ni Nestor
"ilalabas na raw sabi ni nanay , two stitches lang wala namang fracture, Diyos ko, ano ba naman ito may napatay na naman ang mga tambay, Nestor wag ka magtuturo sa mga pulis ha kung me nakita ka delikado!"

"oo naman ate kahit alam ko si Toma ang pumalo ng bakal sa ulo niya"

"pssst, wag ka maingay, hu hu Diyos ko kasalanan man itong pagtahimik natin e ayaw kong mapahamak tayo pero naawa ako sa drayber"

Kinagabihan dumating si aling Berang dala si Jekjek.

"hay naku gastos na naman ito, 2,500 lahat ang babayaran, nabalitaan ko namatay daw ang drayber Diyosmiyo sa lugar natin talaga. Lina puntahan mo na ang asawa mo sa QC humingi ka ng tulong sabihin mo naaksidente ang anak niya, kung maangas ang kinakasama niya sampalin mo!"

"e nay di pa naman sila kasal e , balita ko nga naghiwalay na sila"

" e anong balak mo pakakasal ka na sa kaniya, ikaw magdesisyon ka, alam mo namang babaero ang kasintahan mong yan na bumuntis sa iyo, pero sa ngayon asikasuhin mo muna ang gastos humingi ka ng pera sa kaniya para sa anak niya kamo!"

"opo nay bukas po ng umaga pupuntahan ko, anak halika ka nga at isasama kita bukas sa tatay mo"

Ngumiti ang bata at yumakap sa ina.

Kinaumagahan isang oras ang biniyahe ng mag-ina patungo sa tirahan ni Boy na kaniyang kasintahan na ama ni Jek jek. Binulaga siya ng isang dalaga na kapatid ni Boy.

"ate Lina!"
"O Nancy, ang kuya mo nandiyan ba?"
"ate Lina" (singhot).. umiyak ito
"bakit ano nangyari sa iyo bakit ka umiiyak?"
"namatay si kuya kahapon hu hu nakaburol sa bahay hu hu"
"Diyos ko, Boy! hu hu hu Boy!" tumakbo si Lina patungo sa bahay, iniwan niya ang bata kay Nancy. Niyakap niya ang kabaong ng kasintahan.

"nay, ano nangyari hu hu si Boy hu hu hu" sigaw ni Lina

"hinahanap ka niya Lina, dalawang buwan na siyang iniwan ng kaniyang kinakasama. Hinahanap niya kayong mag-ina, kayo raw ang mahal niya hu hu hu"

"ano ho ang nangyari ano ho ang ikinamatay niya?" tanong ni Lina

"sa paghahanap sa inyo, matapos siyang bumiyahe sa taxi ,binugbog siya ng mga tambay sabi ng mga pulis, matapos niyang aksidenteng masagi ang isang bata sa isang kalye sa maynila, walang awa sila hu hu hu, walang matukoy ang mga pulis kung sino me gawa, walang tumetestigo!"

Natigilan si Lina sa narinig. Nanigas ang kaniyang mga panga. Napalingon siya sa dumarating na si Nancy dala ang kaniyang anak.

"nay, saan hong kalye nangyari ang aksidente?" tanong ni Lina

"sa Singkamas Street daw Lina" sagot ng ina

Napaluhod si Lina sa kaniyang kinatatayuan at humagulgol ng iyak. Niyakap siya ng anak nito na napaiyak na rin.

WAKAS
posted by Mannydgreat at 10:44 AM 1 comments

Huwebes, Mayo 13, 2010

BEST OF FRIENDS

Mabilis na tumatakbo si Lucio patungo kay Rafael habang namimingwit ito sa tabing ilog. Habang nakatalikod at di nakikita ang parating na kaibigan ay tinakpan ni Lucio ang mata ng huli at sabay sabing:

"nges hu??"

"ano ka ba naman Lucio, e siempre alam ko na ikaw yan e ngongo ka e ha ha ha!"
sabay talikod at pabirong tinawanan ang kaibigan

"uu a pala, alimuan u e, en cya na ha ur et u e" (ay oo nga pala sensiya na a forget ko e)

"don't worry Lucio nagulat mo ako roon, tara mamingwit tayo, aba si Jojo andiyan na pala o!"

Habang humahangos si Joo patungo sa kanila ay binati nito si Lucio "uy Lucio, Raf, kanina pa kayo?"

"in e, aaating u lang, i Af aina pa" (hindi, kadarating lang si raf kanina pa) sagot ni Lucio

"ha ha ha, nahihirapan ako sa iyo Lucio , oo nga pala magtatapos na tayo ng High School saan ka mag College Raf?" tanong ni Jojo

"Vocational lang kukunin ko kasi wala pera ang tatay e, pag nakaraos na saka ako kukuha ng degree, ikaw Lucio ano balak mo?"

Tahimik lang si Lucio at nag isip. "baa, i a lang au a pauk i-ul, mairap ang ami e" (baka di na lang ako papasok sa iskul , mahirap lang kami e)

"kaya yan Lucio at saka kahit me kapansanan ka, me iskul para sa iyo at tanggap na ng ilang ahensiya na makapagtrabaho ang isang ngongong katulad mo" paliwanag ni Jojo

"aamat Yoyo" (salamat Jojo)

Lumipas ang mga taon. Matagal na di nagkita ang mag-kakaibigan. Halos 25 taon na ang nakararaan. Nagpatawag ng isang Grand Reunion ng kanilang paaralan noong haiskul. Dumalo sina Jojo at Rafael. Nagpangita ang dalawa sa mismong paaralan kung saan ginanap ang okasyon.

"wow, Rafael! taba mo ngayon saan ka na ngayon ano work mo?" tanong ni Jojo

"pare palipat lipat lang ako ng trabaho, di masyadong sinuwerte e, contractor lang ng bahay, kung meron ok pag wala gutom, pero nakakaraos din, nakapag patapos na ako ng anak sa kolehiyo" tugon ni Rafael

"ano ba kinuha mo kurso?" tanong pa ni Jojo

"undergraduate ako ng Civil pare"

"Civil War?" biro ni Jojo

"kaw talaga palabiro ka pa rin , ikaw ano tinapos mo?"

"management pare, District manager na ako ngayon, di naman kataasan ng sweldo ayos lang, maganda dun me kumisyon at allowance"

"matagal ka na riyan sa work mo?" tanong ni Raf

"di naman three years pa lang alam mo naman sa sales palipat lipat pag di na maganda benta mo tsugi ka na kaya hahanap ka ulit ng ibang ibebenta, so far OK naman ako dito"

"ano ba binebenta mo, baka naman "s" "

"ha ha, tama na nga biro mo Raf gumaganti ka ha , oo nga pala napansin mu ba si Lucio ngongo dumating ba?"

"di ko alam e, teka, siya yata yun o, yung naka polo na maroon ang ganda ng porma a parang si Ayala"

"tawagin natin pare, LUCIO!"

Lumingon ang lalaki at lumapit sa kanila.

"Lucio ikaw ba yan, mukhang bigtime ka na saan ka nag wowork?" tanong ni Rafael

"au nga, ha ha, ong aym o see, oey aman au, maanda abaho"(ako nga, long time no see, ok naman ako maganda trabaho) sagot ni Lucio

"saan ka nagtratrabaho kita mo naman ang kapalaran ano" tanong ni Jojo

"a i-el i-i" (Sa PLDT) sagot ni Lucio

"HA! sa PLDT, pano nakapasok doon ano trabaho mo doon!" gulat na naitanong ni Rafael

"ele-on o-e -rey-or" (telephone operator)

"ano telephone operator ka pa, kita mu naman ang swerte, pano nangyari iyon?" sabat ni Rafael

"i ba pag bii ang eleono, me umu unog na. UH! UH! UH! AU YUN!!!!"(di ba pag busy ang telepono, me tumutunog na U! U! U!, ako yun)

"HA!!!!! sabay hinimatay ang dalawa. :)

WAKAS

(HA HA, akala niyo tunay na buhay a!)
posted by Mannydgreat at 11:30 AM 0 comments

Ang Malas na Masuwerte

Mainit ang init ng araw ng katanghaliang iyon. Abala ang mga istudyante sa kanilang pag-aaral sa isang mataas na paaralan. Nasa "graduating class" na si Rosendo kung kaya't hataw ito sa pag-aaral. Kasama ang barkadang si Rolando at Buboy ay lumabas sila ng paaralan ng oras na iyon upang kumain.

"sir lalabas kami" wika ni Rosendo
"di pa pwedeng lumabas ang 4th year mamaya pang 12:30 ng hapon" wika ng isang opisyal ng kadete na nakatoka sa gate ng araw na iyon. Kasama ang ilang tauhan nitong COCC.

"11:30 pa lang pala Sindoy, mamaya na lang tayo" himok ni Buboy
"ano ka ba, sayang ang oras e wala naman ang titser natin sa HE kaya dapat maaga tayo lumabas" sagot ni Rosendo sa kaibigan

"sir wala na kami klase absent ang titser namin baka pwede na kami lumabas" pagsusumamo ni Rosendo

"kulit niyo naman e, e di unfair sa ibang 4th year, sabay sabay na lang kayo" wika ng guwardiya

"yabang mo naman, di ka naman mapakiusapan" angas ni Rolando

"Mga pards, wag niyo angasan yan , frat member yan baka abangan tayo sa labas ng grupo niyan" bulong ni Buboy

"bakit frat din naman ako a, magkabanggaan na lang kami" wika ni Rolando

"mga pare wag na tayo magpumilit tara at dun tayo sa likod" wika ni Rosendo

"ano gagawin natin sa likod" pagtataka ni Buboy

"tatalon tayo sa bakod" bulong ni Rosendo

"Mga pards grabe naman e kung mahuli tayo ng principal yare tayo, dalawa pa naman pagkatao nun yare tayo" sabat ni Buboy
"di tayo mahuhuli, akong bahala basta bilisan lang"

Matipuno ang katawan ni Rolando at Rosendo. Maputi at may katangkaran at mula sa isang marangyang pamilya. Samantalang si Buboy ay galing lamang sa pamilyang iskwater sa tabing sapa malapit sa bayan, maitim ito may kakapalan ang kilay at sarat ang ilong, ngunit di naging balakid ito sa pagkakaibigan ng tatlo mula pa noong pagkabata.

Akmang aakyat na si Rosendo sa bakod habang nakatuntong sa likuran ni Buboy ng:

"TIGIL! sigaw ng prinsipal , hawak ang walis tambo ng makita ang tatlo sa likurang ng unang palapag ng tatlong palapag na gusali.

"mga pards patay yare tayo, kick out tayo nito sabi ko na sa inyo wag dito e hu hu hu" bulong ni Buboy

"wag niyong tatangkaing tumakbo at kilala ko kayo at wala na kayong lalabasan diyan! lapit DITO!!!" wika ng prinsipal

Nakayukong lumapit ang tatlo. Pinagmasdan ng prinsipal ang mga istudyante. Pinaikot at hinatak si Buboy.

"sinabi ko nang bawal ang pagtalon sa bakod noon pa man ginagawa niyo pa! sigaw ng prinsipal sabay sabunot sa buhok ni Buboy at kinaldagan sa dibdib ang bata.

"aray!!!! huhu sorry po sir di na po mauulit aray ku po ahhhhh!!!! hu hu hu!" pagsusumamo ni Buboy

"sir hu hu sorry na po kami sir , ako po ang me kasalanan di po siya" sabat ni Rosendo

"wag kang magsalita diyan at tatamaan ka rin sa akin!"
"sorry po sir"

Pinagmasdang mabuti ng prinsipal ang dalawa, habang si Buboy ay namimilipit sa sakit na napaupo at humahagulgol.

"sino tatay mo taga saan ka" wika ng prinsipal kay Rosendo
"taga kabilang baybay po , anak po ako ni GRCO Santillan"
"aha! me sinasabi pala ang tatay mo, marangal ang trabaho pero heto ang anak niya isang matigas ang ulo!, ikaw naman sino tatay mo at taga saan ka?!"

"taga Camarin po, anak po ako ng Engr. Reyes sir"
"Isa ka pa ring hangal na anak , matigas ang kukote, sayang lang ang pinapag-aral sa inyo ng mga magulang niyo kung ma kick out kayo!"

"naku sir parang awa niyo na po wag niyo po kaming kick out magagalit po sila sa amin hu hu hu" pagsusumamo ni Rosendo

"ha ha ha, para kayong mga anghel ha, di bale sige makakalis na kayo , sama niyo na ang isang ire, at kayong dalawa dumiretso kayo sa principals office ngayon din sige lakad NA!!!!" sigaw ng prinsipal

Lumakad ang dalawa, inakay nila si Buboy.
"Buboy sorry ha" wika ni Rosendo
"Mga pards ako lang ang binugbog ni sir kasi pangit ako kayo mga gwapo hu hu hu" mahinang tinig ni Buboy

"di naman siguro Buboy ikaw lang kasi ang unang lumapit sa kaniya, kasi dapat tumakbo tayo e" sabat ni Rolando

"kung me tatakbo isa pa ring ang mahuhuli sa atin kasi maliit lang ang lagusan doon, e mabilis din ang takbo ni Sir" sabat ni Rosendo

"sige Buboy mauna ka na mag 12:30 na, wag ka na magsumbong sa magulang mo pati sa amin ha, buti nga pinagbigyan tayo, kalimutan mu na ang lahat" paliwanag pa ni Rosendo

"sindoy sabi pupunta tayo sa office niya, naku ano kaya ang gagawin sa atin doon?" takot na sambit ni Rolando

"ewan ko bahala na"

Lumipas ang maraming taon. Isang Grand Reunion naganap sa kanilang paaralan. Nabalitaan ng tatlo ang okasyong darating. Matagal na ring di nagkikita ang tatlo na halos 30 dekada na. Nang sumapit ang okasyong iyon ay nagkita-kita sila.

"Rolly! ha ha ha kumusta ha ha" sigaw ni Rosendo

"Ro...Rosendo, ha ha ikaw nga yan ang nunal mo e ha ha ha kumusta pare, taba muna ngayon"

"pumayat pa nga ako nito, kumusta na mukhang maganda trabaho mo a" tanong ni Rosendo

"di ko natapos ang college pare, nalulong e, nagalit si Papa ko pilit akong pinag aral pero wala pa rin mahina na utak ko kaya hayun tumanda nako ng paurong, pero kahit papaano me iniwang negosyo si Papa, yung welding Shop, marumi ang trabaho at mabigat pero ok na rin me lima na akong apo pare" paliwanag ni Rolando

"ok lang iyon ang mahalaga e buhay pa tayo yung iba nating ka batch e todas na nga e, ako pare natapos ako pero minalas sa trabaho, nag abroad ako pero naloko ng arabo nakulong pa nga ako sa Saudi e, sa ngayon nag titinda kami ni misis sa Divisoria, nakakaraos naman kahit papaano, wala pa akong apo, isa lang anak ko lalaki ayaw pa mag asawa ha ha ha!"

"buti nga iyon di ka pa tinatawag na lolo ha ha ha!" tawanan ng dalawa

"nga pala me balita ka ba ke Jeff?" tanong ni Rolando
"si Jeff... a si Buboy , e yun din nga ang tatanong ko sa iyo e, alam ko winalis ang iskwater noon damay sila nasan na kaya yun aaten kaya?"

"Mga pards! kayo ba sina Lando at Sindoy?" sabat ng isang lalaki sa likuran ng dalawa

"BUBOY! ha ha kumusta na ha ha " nagyakapan ang tatlo

"mukhang asenso ka na a, saan ka ba nagtratrabaho pare ang laki ng katawan mo a, kaso maiitm ka pa rin at maliit" biro ni Rosendo

"nangitim ako mula ng mabugbog ako ng prinsipal" biro ni Buboy

"ha ha ha! natatandaan mu pa pala iyon" wika ni Rolando

"kauuwi ko lang pare, galing ako sa amerika, isa akong Photographer doon, nakapag asawa ako ng filam dahil sa penpal dinala ako doon at may isa kaming anak na US Navy, hayun sinuwerte ng kaunti nag aral ng photography doon e maganda na technology ngayon kaya hayun kahit papaano umabot pa ang edad ko"

"kita mo naman ang kapalaran noon ikaw ang malas sa buhay ngayon sinuwerte, kami suwerte noon ngayon naman minalas, dati sa iskwater lang kayo, ngayon mas maganda pa pala ang buhay mo sa amin, kami pang anak ng me kaya sa buhay" malamyang tinig ni Rosendo

"tanggalin mo nga ang salitang malas at puro suwerte lang ang banggitin mo naiirita ako e hindi importante iyon, basta buhay pa tayo, at nagkasama-samang muli, pare kunin natin ang mga emails at phone natin sa isa't isa ha magkokontakan tayo, saan ba naka pwesto batch natin at ng makaupo na tayo?"

"a doon pare sa sulok hayun, tara at doon tayo at ng makausap natin mga batch natin" wika ni Rolando

Puwesto na ang tatlo, marami rami rin ang kanilang ka batch at nag chika chika. Tawanan, may iyakan pa at may halong biruan.

"Mga pards pwede ba akong mag wish sa inyong dalawa tutal ngayon lang naman tayo nagkita kita, siguro naman pagbibigyan niyo na ako, akong bahala sa inyo bulas treat ko kayo sa Eastwood Libis he he he ?" wika ni Buboy
"sige ano yun pre?" sambit ni Rosendo

"ano nangyari ng pumunta kayo sa principals office noon nahuli tayong tumatalon di niyo naman kasi sinasabi sa akin mula ng nag gradweyt tayo e?"

Sandaling nagkatinginan ang dalawa ng:

"AND NOW LADIES ANG GENTLEMEN WELCOME THE GRAND REUNION 2007!" lumabas na tinig mula sa entablado upang magsimula na ang okasyon

"pare umpisa na mamaya na lang ha" wika ni Rolando
"na naman! kayo na nga ang bahala mga pards isekreto niyo na lang yan ha ha ha ha!" bulalas ni Buboy

"wag ka mag alala, kapag naratay na kami sa banig karamdaman sasabihin na namin sa yo" biro ng dalawa


WAKAS
posted by Mannydgreat at 11:13 AM 0 comments

Minsan May Isang Ama

"Kadyo, me dalaw ka!"

"uy me dalaw rin himala kosa sino yun asawa mo aba, bata pa a, at maganda tsk.. tsk me sikreto ka pala kosa"

"Kosang Jomar di ko kilala yan, kaya malamang reporter yan o mga istudyante" sagot ni Kadyo

Tumayo si Kadyo at tinahak ang daan patungo sa isang lamesang kuwadrado na dooy naghihintay si Elma na isang News Reporter na tumututok sa kaso ni Kadyo na lider ng Paltik Gang. Habang bantay ng isang pulis ay nagpaiwan ng bilin ang pulis kay Kadyo.

"Kadyo diyes minutos lang ha, walang gulo ha, babae kausap mo"

"wag ka mag alala sir ibang Kadyo na kaharap mo"

"Magandang umaga po mang Kadyo, ako po si Elma Santillan"
"kilala kita, nababasa ko ang kolum mo sa tabloid, ayos naman ang mga sulat mo roon at lumalabas na neutral ka, at alam ko namang nagkamali ako sa batas" sagot ni Kadyo

"Alam ko na po ang pinaghirapang buhay niyo"
"pano mo naman nalaman?"
"nagtungo po ako sa Samar sa lugar niyo sa isang isla, at doo'y nakausap ko ang inyong mga magulang"

"mahal na mahal nila ako Elma, sampu magkakapatid na lumaki sa hirap at halos elementarya lang ang natapos, pang apat ako,nagsumikap akong makatulong sa mga magulang ko. Napakahirap ng buhay sa amin, maging tubig tabang ay ginto, kung magsaing kami ay sabaw ng niyog ang gamit namin dahil napakahirap kainin ang sinaing na pinakuluan sa dagat"

"alam ko po iyong Mang Kadyo pero sa mura niyong edad siguro po nasa 38anyos na kayo tama po ba?"

"oo 10 taon na akong nakakulong dito, nagsimula ang aking krimen ng ako ay 17 anyos pa lamang, marami na akong napatay na pulis at sibilyang nadamay lamang, hirap kami at kailangan kong kumita ng pera kahit sa masamang paraan, OO kilala ko ang Diyos , pero tao lang ako at hindi sarili ko lang ang aking iniintindi kundi ang lahat ng tao sa aming isla. Sa lahat nga mga nakuha kong pera sa mga banko ay binabahaginan ko ang lahat ng mahihirap. Kasi sa atin mayayaman lang ang yumayaman, pati ang mga hayup na pulitkong iyan walang kwenta."

"ang iba niyong mga kapatid , saan napo sila ngayon ni hindi alam ng mga magulang niyo"

"di na nila ako inintindi, wala akong dalaw kahit isa, maliban sa kamag anak ng mga napatay ko, pumunta sila rito upang ako ay murahin at pasakitan, ang alam ko nag kaniya kaniya na sila, may nasa Masbate, Negros at Mindanao, ang isa ang dalawang nakababata kong kapatid e napatay rin sa isang holdapan sa Davao, magulo ang pamilya namin, minsan ninanis kong sana ay hindi na kami sumulpot sa daigdig, sana ay pinatay na lang kami sa sinapupunan ng aking ina"

"di naman siguro dapat ganun, Mang Kadyo, ang buhay ay laging me pag asa"

"sa palagay mu ba me pagasa pa ako?"

Sandaling natigilan si Elma at napabuntong hininga.

"noong bata pa kami, ay halos kamoteng kahoy ang aming kinakain, salamat sa yamang lupa ng bayan natin at tumutubo ang ganitong uri ng pagkaing ugat. Kung gusto naming kumita ay mangingisda kami ngunit napakahirap ng huli kaya gagawa kami ng mga dinamita. Kinukuha ko ang mga abono ng mangga at patutuyuin sa kawali dahil basa ito, ilalagay ko sa bote ng coca cola at lalagyan ng kaunting batong maliliit na pabigat sa bote lalagyan ng mitsang piston na sumisirit kahit sa tubig, at ilalagay sa ibabaw ng bote. Lalangoy kami kung saan ang mga koral ng isda, at sisindihan ang piston at ibabagsak sa dagat sisirit ang apoy at pagbagsak sa ilalim ay sasabog at lilikha ng kuryente, kailangan naming hawakan ang aming maselang bahagi ng katawan habang nakalublob sa dagat dahil maapektuhan ito sa pagsabog ng dinamita. Lulutang ang mga isda at hayun ang aming pinagkakakitaan, napakasamang gawain ngunit lalong sumama ng hindi lang isda ang aming napapatay kundi maging ang mga isda ng gobyerno, at dahil doon naapektuhan na rin ang aking semilya at hindi na nagkaanak sa asawa kong si Nelia na kinalimutan na rin ako ng makulong ako dito sa Munti".

"napakalungkot nga ng nakaraang iyan Mang Kadyo, me isa pa kong gustong sabihin sa inyo, kilala niyo ba si Victoria na taga Masbate"

"a,, ha ha ha, oo bakit saan mo siya nakilala?"

"Nasa Laguna po siya ngayon, balak niya ngang dalawin kayo nakilala ku po siya noong bata pa ako"

"naging kasintahan ko si Victoria ng 18 anyos ako, isang babaeng maganda na nagtintinda ng paborito kong bulalo, bakit bata ka pa kilala mo siya?"

"kasi po siya ang aking ina at sinabi po niya na panahon na para malaman ko ang totoo, ang aking kinagisnang ama ay si Doro na asawa ng nanay ko ngayon pero hindi raw siya ang tunay kong ama"

"ganun ba, nakadalawang asawa pala si Victoria, kung sabagay maganda talaga siya, bakit siya iniwan ng una niyang asawa?"

"kasi po nagtago na siya ng nakagawa ng krimen, maniniwala po ba kayo na ang amang aking hinahanap ay kayo Mang Kadyo?"

Natigilan si Kadyo sa narinig at napatingin sa dalaga. Yumuko at nag-isip di nito sukat akalain na siya pala ay isang ama.


"yan ba ang dahilan kung bakit tinutukan mo ang buhay ko" tanong ni Kadyo

"opo, alam po ng inyong mga magulang na ako ay inyong anak"

" kaylan pa ,ano sabi nila nasa maayos ba silang kalagayan?"

Nakaratay na po ang ang lolo, di na po siya nakakalakd na maayos, na stroke po siya nung isang taon, noon pa pong nakulong na kayo ay musmos pa lamang ako ay kapos kami, lumapit po si Nanay ke lola at ipinagtapat na ako ang inyong anak, sa lukso ng dugo ay natanggap po ako ni lola pero ayaw ipaalam ng lola sa akin na ang aking ama ay nakakulong, lumaki po ako sa piling ng nanay, masakit mang isipin na pinag-aral po ako ni lola gamit ang mga perang ipinadala niyo noon na galing sa masama"

"patawad anak, salamat naman at nagamit sa kabutihan ang pera, di ko ginusto iyon sana maintindihan mo ako" napayuko si Kadyo at napaiyak

"maari ko na ba kayong matawag na itay"

"maari ba kitang mayakap anak?"

Akmang tatayo si Kadyo ng sitahin ng guardiya, "Kadyo ano gagawin mo?!"

"mamang pulis, wala pong problema, siya po ang tatay ko" paliwanag ni Elma

"patawad anak ikamusta mo ako sa nanay mo at sa lolo at lola mo"

Napaluha si Elma. Bumalik sila sa kinauupuan. "di ku po ma feel na tatay ko kayo kasi di ako lumaki sa inyo pero unti unting nararamdaman ko na kayo ay minsang naging ama sa mga oras na ito"

"di ko na inisip na me anak ako, bago pa ako mabaog sa dinamita noon, ha hha buti na lang kahit papaano bago ako mamatay ay nakita ko ang anak ko"

"itay, isipin niyo na may anak kayong magtutuloy ng magandang adhikain"

"pupunta ba sina Victoria dito sa akin pati ang lolo at lola mo?"

"opo itay"

"Kadyo, tapos na oras , mam, tapos na po ang dalaw" wika ng pulis

"paalam tay, babalik kami sa susunod na dalaw, itay wag kayo mawalan ng pag asa maaring may tawag para sa inyo"

"sige anak mag ingat kayo lagi" bilin ni Kadyo

Dumalaw ang mag-ina ng sumunod na araw, pati na ang mga magulang ni Kadyo. Ang isang kapatid nito na si Boyang ay dumalaw rin. Masaya sila sa mga oras na iyon. May iyakan at kwentuhan, patawaran at kasiyahan. Lumipas ang mga araw. Makailang ulit ring dinadalaw ni Elma ang ama. Makikita na sa kanila ang pagiging tunay na ama at anak.

Biyernes, masarap na kumakain si Kadyo. Ahit na ang kaniyang buhok sa ulo, halos lahat ng mga putahe ay nasa kaniyang harapan. Makalipas nito ay nagsigarilyo siya ng imported at sumandal, nag-isip, at bumuntong hininga. Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Pumasok sa silid na iyon si Padre Abellana makalipas ang kalahating oras at kinausap si Kadyo.

"handa ka na ba Kadyo?"
"handa na po ako Padre"
"nawa'y maunawaan mo ang ating batas, ang batas ay kinasihan ng Diyos, ikaw nagkamali di lang sa ating Diyons kundi maging sa ating batas"
"opo padre, inaamin kong nagkamali ako"
"papatawarin ka ng Diyos kung pagsisisihan mo ang iyong kasalanan, mapagsisisihan mo ba ito"
"matagal na po akong nagsisi Padre, handa na po ako sa oras na ito"
"alam ng lipunan ang buhay mo, maaring makaligtas ka pa sa isang tawag sa telepono bago ang oras na iyon"
"kahit ano po ang mangyari ay tatanggapin ku po, pagod na rin po ako sa mundo padre" wika ni Kadyo

Nagbasa ang pari ng bibliya sa Psalmo 23 ay sila ay nagdasal matapos na mabasa ito.

"padre ang anak kong si Elma makikita niya ba ako?"
"oo Kadyo makikita ka niya hanggang sa huli"

"ang anak ko, salamat at ako ay may anak, di ko man naranasan kumarga ng bata at magpalaki ng anak ay naging masaya ako, sana matanggap ako sa itaas , o kung saan man kung saan Niya gusto tatanggapin ko"

"manalig ka lang Kadyo, tanggapin mo siya sa iyong kalooban"
"opo padre, tinatanggap ku po ang Panginoon kong tagapagligtas"
At lumapit si Kadyo sa pari at may ibinulong

Alas 2:45 ng hapon akay akay si Kadyo ng dalawang malalaking pulis. Pumasok sa isang silid at sa isang sulok noon ay may upuang bakal. Pinaupo si Kadyo roon at kinandaduhan. Napatingin si Kadyo sa isang salamin at kaniyang nakikita ang kaniyang sarili, alam niyang sa likod nito ay nakatingin sa kaniya ang kaniyang anak. Lumuha si Kadyo, kumindat sa salamin at ngumiti. Sinakluban ang ulo at tinakpan na ang kaniyang mga mata.

"Diyos ko, sana di ako masyadong masaktan, Panginoon kunin niyo ako, inaalay ku na ang aking kaluluwa, patawarin niyo po ako sa aking mga kasalanan, patawad sa mga naulila ng aking napatay" bulong ni Kadyo sa sarili

Pumatak ang alas tres ng hapon, walang tawag sa telepono upang makaligtas si Kadyo sa tiyak na kamatayan. Ibinaba na ng berdugo ang "switch" ni kamatayan.

Umangat ang tiyan ni Kadyo, bumula ang bibig at sumirit ang masagang dugo sa piring ng kaniyang mga mata. Makalipas ang 2 minuto ay lupaypay na wala ng buhay si Kadyo.

Sa labas ay makikita si Elma kasama si Victoria na ina nito. Hindi sila kasama upang tingnan ang huling sandali ni Kadyo. Tinawag ni Padre Abellanana si Elma.

"tanggap mo na ba iha?" wika ng pari
"opo padre, tanggap ku na po" maluha luhang wika ng dalaga
"may binilin siya sa akin bago siya mamatay"
"ano po iyon padre?"
"hiling niya na wag munang ikwento sa peryodiko ang kaniyang buhay at wag ipagkalat na siya ang iyong ama upang makabuti sa iyong career"
Yumuko si Elma at napaiyak at nasabing" paano ku po gagawin iyon e siya naman po ang aking ama"
"e iyon ang kaniyang hiling susuwayin mu ba?" tanong ng padre

"minsan lang siyang naging ama, di kami nagsama, di niya ako pinalaki, ni hindi ko naranasan ang palo, sa buhay ng tao ang isang anak ay makailang beses na sumusuway sa magulang, kung kaya't napapalo ito, sa pagkakataong ito, kahit wala na siya ay susuway ako sa kaniya bilang anak, isang beses lang ito at di na mauulit kailanman, papaluin na lang ako ni itay ng isang ngiti sa kabilang buhay, patawad itay, pero hindi ko matitiis na hindi ko sabihin sa tao na kayo ang aking tunay na ama, minsan lang tayong nagsama, ipagmamalaki ko na ako ay minsan ding naging isang anak at hindi ko ikahihiya ito habang ako'y nabubuhay"

"Pagpalain ka nawa ng Diyos sa desisyon mo iha, tara na at maghanda, para sa kaniyang libing bukas ng umaga" wika ng pari

Lumabas ang lahat sa gusaling iyon. Sinalubong sina Elma ng sangkatutak na media ang tumambad sa kanilang harapan, kislapan ang mga kamera sa paligid, isang prodyuser sa pelikula ang sa kaniya'y lumapit. Kinabukasan laman ng lahat ng peryodiko ang pagkamatay ni Felipe Siganon alias "Kadyo". Isa sa mga peryodikong ito ang mabili dahil sa haba ng panulat patungkol sa buhay ni Kadyo mula sa panulat ni Elma S. Siganon.


WAKAS
posted by Mannydgreat at 11:04 AM 0 comments

Miyerkules, Mayo 12, 2010

Mahal Ko Ang Tatay Ko

Malamlam na ang apoy sa gaserang ilawan sa isang barung barong malapit sa sa sapa ng Topaz. Nagbabadya na ubos na ang gatong nitong gaas. Tapos na ring kumain ng gabihan ang mag-amang si Pulding at ang nag-iisang anak nitong si Nitoy. Pinagsaluhan nila ang dalawang pirasong tuyo at itinira ang dalawa para sa umagang darating. Pinapaypayan ni Pulding ang anak nito ng magtanong ang huli.

"tay, nasaan na kaya ang nanay?"

"matagal nang wala ang nanay mo bakit mo naitanong?"

"kasi naalala ko mga limang taon pa lang ako naalala ko siya pinaliliguan niya ako kaso bakit niya tayo iniwan?"

"mahabang kwento anak, nagtratrabaho ang nanay mo sa malayong lugar"

"kung nagtratrabaho siya bakit wala siyang pinadadalang pera sa atin, hirap tayo pati po kayo tay di sapat sa ating dalawa ang kinikita niyo sa pagbabasura"

"kahit papano naman anak makakaraos tayo kita mo naman nasa grade 5 kana, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral"

"minsan nga binibigyan ako ng pagkain ni Nash , yung kaklase ko don sa malaking bahay sa Plaza, mayaman yun e, mabait sa akin minsan nga naglalaro pa kami ng kompyuter sa kanila"

"pinalad sila anak, hayaan mo kapag medyo nakabuwelo ang tatay bibili tayo ng kompyuter"Namatay na ang ilawan.

"tulog na tayo anak a , hayaan mo papaypayan kita para makatulog ka agad at bukas wala kayong pasok tutulong ka sa akin ha?"

"opo tay sasama po ako sa kariton"Ilang saglit pa ay nakatulog na si Nitoy. Nangilid ang luha ni Pulding sa mga itinanong ng anak. Wala na si Myrna na kaniyang asawa. Pumasok ito sa isang beerhaus sa kabayanan, nagkaroon ng relasyon sa maraming lalaki at isang araw na nabalitaang nagpakamatay sa isang matinding problema. Ni hindi niya nakita ang bangkay ng asawa, dinala raw ito sa lalawigan ng ilang kamag-anakan. Masakit na di nabuo ang kanilang pamilya ay hindi niya masisisi si Myrna. Di man sila kasala ay naghangad si Pulding ng isang magandang kinabukasan, isang pamilya. Iniwan siya nito dahil sa kahirapan. Galing siya sa mahirap at materyalismo ang kaniyang katipan. Ibinuhos ni Pulding ang kaniyang panahon sa kaniyang anak na si Nitoy. Nasa 43 taong na si Pulding, kalyuhin na ang mga kamay, malalaki na ang ugat sa braso sa katutulak ng kariton upang mabuhay. Hindi niya hahayaang magkasakit siya o mawala sa piling ng anak.

"ang Diyos ang aking kaagapay, hindi ako natatakot sa naumang sakit alam kong siya ang gagabay sa akin" bulong nito sa sarili

Taimtim na nagdasal si Pulding at makalipas ang ilang sandali ay maririnig muna ang kaniyang malakas na hilik. Mag aalas diyes na ng gabi, maalinsangan ang panahon. Tumahol ang aso ilang dipa mula kanilang barung barong.

"Pulding! makaistorbo sandali" tinig ng isang lalaki

Dalidaling tumayo si Pulding at binuksan ang lawanit na tabing na nagsisilbing pintuan na tinalian ng alambre.

"sino sila, wag maingay at tulog na anak ko" wika ni Pulding

"pare si Oca ito naalala mo ako, ako yung tatay ni Nash kaklase ng anak mo"

"ay naku sir, bakit po kayo nahangos at gabing gabi na, pagpasensiyahan muna ang lugar namin at hindi kaaya aya nahihiya naman ako sa inyo"

"wag kang mag-alala, naparito ako dahil sa anak kong si Nash, me sakit e, nilagnat kaninang tanghali at gustong makita si Nitoy na anak mo, alam mo naman yun sunod layaw lalo lumalala ang sakit kapag di nasunod ang gusto" paliwanag ni Oca

"ho, tulog na po ang anak ko maari bukas po ng umaga e pupunta kami sa inyo"

"masyadong nalapit ang anak mo sa anak ko e, mabait kasi ang anak mo at palakaibigan , matalino pa, may pag asa ka diyan a,, ano ba ang pangalan mo sabi lang nung napagtanungan ko Pulding daw?"

"Leopoldo sir, pero tawagin niyo na lang akong Pulding tama po yun"

"a, sige asahan ko bukas, dapat kanina pa ako dito nagtanung tanong lang ako"

"Samahan ko kayo sa labasan maraming mga luko luko diyan baka mapag tripan kayo" alok ni Pulding

"a, wag ka mag alala, sanay na ako sa mga luko luko" biro ni Oca

Mula sa di kalayuan sa tulong ng liwanag ng buwan ay naaninag niyang may tatlong lalaking kasama si Oca. Nawala na sa paningin ni Pulding si Oca. Pumasok sa isip ni Pulding ang isang ideya. Mayaman sina Oca, maaring makatulong ito sa kaniya na makahanap ng magandang trabaho para sa kinabukasan ng nag-iisang anak.

Kinabukasan. Patungo ang mag-ama sa plaza sa bahay nila Mang Oca.

"di mo nababanggit sa akin na masyado palang magkadikit kayo ni Nash" tanong ni Pulding sa anak

"minsan kasi absent siya, papasok siya minsan tatlo araw lang" sagot ng bata

"ganun! buti nakakapasa pa siya, pero iba nagagawa ng pera kapag ganun binabayaran lang"

"ganun ba yun tatay" pagtataka ng bata

"a e... e hindi a, mali ako, nagtataka lang ako e mapera sina Oca bakit sa public school niya lang pinaaral ang anak niya ano"

"siguro po malapit sa kanila kasi sa ibang school malayo na sa atin"

"maari nga anak""tatay di na po ako makakasama sa kariton?"

"ay hindi anak, dadalaw tayo ke Nash iiwan muna kita dun laruin mo muna siya para gumaling siya"

"babalikan niyo po ako tatay ha""oo naman anak" Humalik si Nitoy kay Pulding at sinabing, "tatay lagi po kayong mag-iingat wala po akong mapupuntahan kung mawala kayo" wika ng anak

Naantig ang puso ni Pulding sa narinig. Ipinasan ang anak sa kaniyang balikat.

"halika nga anak at ng di ka mapagod"

"yeheyyy! sarap nito tay, mabigat na ako tatay baka di niyo na ako kaya"

"di kita mababAgsak anak love kita e" wika ng ama

"kaya nga Mahal ko ang tatay ko e" napangiting sinabi ng anak. Dumating sa malaking gate ng kulay kahel ang mag-ama. Kumatok at bumukas ang pintuan.

"sino po sila" bumungad ang isang babaeng nasa 60 taong gulang. Maganda ang pananamit maaring ito ang nanay ni Oca at lola ni Nash.

"pinapunta po kami ng Sir Oca, kasama ko po ang anak ko si Nitoy kaklase po ni Nash, anak bumati ka?"

"magandang umaga po mam" bati ni Nitoy

"si si O..Oca , (bumuntung hininga)ma...ma magandang umaga naman sa inyo, oo nga nagbilin nga si si...Oca" halikayo sa loob at nag hihintay na si Nash"

Sumunod ang mag ama sa babae.

"umupo muna kayo diyan sa foyer at ihahanda ko muna kayo ng almusal" wika ng matanda

"a,,, mam, ok na po kami nag almusal na po kami wag na po kayong mag -abala" wika ni Pulding

"hay, naku magkakasya ba sa inyo ang isang tuyo na kinain niyo kanina, ihahanda ko kayo ng masarap na almusal at wag kayong tumanggi dahil magagalit si Oca"

Nagtaka si Pulding at ang anak nito.

"tay ba't alam niya na tuyo lang kinain natin" tanong ng anak

"di..di ko rin alam e, siguro alam niya mahirap tayo at tuyo ay pagkain ng mahirap" sagot ni Pulding

"ang ganda ng bahay nila ang laki laki parang palasyo" wika ni Nitoy

"mayaman sila, ano kaya trabaho ng tatay ni Nash"

"wag ka na matanong anak baka marinig tayo ng babae nakakahiya"

Tinakpan ni Nitoy ang bibig sabay kindat sa ama, binalikan siya ng ngit ng ama. Bumalik ang babae dala ang almusal na hamon at tinapay, keso at ubas, kasama ang isang pitsel ng orange juice.

"heto kumain muna kayo bago tayo pumanhik sa itaas, naroon si Nash namamahinga. Naka dextrose siya kasama ang aming private nurse, tawagin niyo na lang akong Leah ako ang tiya ni Oca" wika ng babae

"a, salamat po mam Leah, si Sir Oca po ba nasaan ngayon?" tanong ni Pulding

"a...a, umalis siya baka bukas pa darating"sagot ng babae

"gabing gabi na po siya dumating sa bahay kagabi, nakakahiya nga po sa lugar namin" wika ni Pulding

"ok lang sa kaniya yun cowboy yun sige kumain na kayo at ihahanda ko lang ang silid ni Nash maiwan ko muna kayo" Tumalikod na ang babae.

"tay ang sarap ngayon lang ako nakakain ng ganito sarap maging mayaman ano, nguya nguya"

"dahan dahan lang anak, hayaan mo sa ibang araw makakabili na rin tayo niyan"

Habang kumakain ay naisip ni Pulding si Oca, hindi niya makakausap ito sa araw na iyon. Maaring sa ibang araw na lang kung may pagkakataong makita niya ito. Sumagi din sa isip niya na ibilin na lang kaya ang anak sa mga ito kung sakaling may mangyari sa kaniya habang lumilipas ang panahon. Mahal niya ang kaniyang anak, ayaw niyang makaranas ito ng matinding hirap sakaling mawala siya sa mundong ibabaw.

Habang abala sa pagkain si Nitoy ay pumasok sa isipan niya ang pagsasama nila ni Nash sa paaralan.

"alam mo Nitoy buti pa ang tatay mo lagi ka sinusundo, nakakasakay kapa sa kariton masarap ba ron?"

"oo, kaso mabagal lang, mas masarap sa kotse niyo mabilis na malamig pa" sagot ni Nitoy

"bihira lang naman ako sinusundo at si Mang Kantero pa ang nagmamaneho, dumadalaw lang sa akin si Daddy tuwing gabi kapag patulog na ako, minsan napapanginipan ko siya kasama ko raw siya sa malawak ng taniman ng tubo"

"ibig mong sabihin di kayo nakakapasyal ng Daddy mo, ako lagi ko kasama tatay, kaso nga lang diyan lang sa plaza sa laruan, kasi wala kami pamasahe papunta sa parke e"

"buti ka pa nga me oras ang Daddy mo sa iyo, ako minsan tamad na ako pumasok kaya nga diyan na lang ako pumasok sa iskwelahan diyan kasi malapit lang kasi di naman ako sinusundo ni Daddy"

"ba't gusto mo diyan iskul lang ng mahirap yan a tulad namin na wala pera" wika ni Nitoy

"gusto ko e, ayoko sa malayo, sabi kasi ni Tiya wala daw ako matututunan diyan, pero sabi hamunin kita pakita ko grades ko sa yo, kaso nga mababa ang grades ko di ba lagi ako absent"

"e di natalo sa pustahan sa tita mo"

"di naman, joke joke lang daw naman yun, study hard na lang daw ako, pero siguro pag graduate natin sa Manila na ako mag-aaral" wika ni Nash

"buti ka pa, ako nga siguro pag graduate tulungan ko na lang tatay ko sa kariton"

"wag a, mag aral ka pa rin, alam muba sabi nga ng Daddy ko nakikita ka niya mag bestfren daw tayo, balak niya nga ampunin ka na e tapos yun tatay mo dito na rin tutulong sa bahay namin" paliwanag ni Nash

"ay talaga! pwede yun at least kasama ko pa ang tatay ko" natutuwang sagot ni Nash

"may tatanong lang ako sa iyo, mahal mu ba ang Daddy mo?" tanong ni Nash

"siempre mahal ko ang tatay ko siya nagpalaki sa akin" sagot ni Nitoy

"ako mahal ko Daddy ko kaso minsan parang di niya ako mahal kasi di niya ko kasama lagi, oo nga pala wala ka rin Mommy?" tanong pa ni Nash

"matagal na iniwan kami ng nanay ko ikaw wala ka ba nanay" balik na tanong ni Nitoy

"namatay ang mommy ko sabi ng pinsan ko, nabaril daw kasama ni Daddy naholdap yata, pinalo nga ng tita ko yung pinsan ko ng nalaman na sinabi sa akin yun, parang ayaw nila ipaalam sa akin ang nangyari, sa picture ko na nga lang nakikita ang mommy ko"

"Anak,,, anak hoy parang nakatulala ka diyan" habang inalog ni Pulding ang anak ,di ito natitinag.

"anak ano ba"

"ay tatay sori po, he he he me naalala po kasi ako e hi hi hi"

"ubusin mo na yang kinakain mo at baka dumating na si mam Leah"

"sige tay hi hi" habang inuubos ang pagkain ay napansin niya ang isang lalaki malapit sa hardin

"t..tay nakita ku po si Sir Oca kanina dun nakatingin sa atin pumunta dun o"

"ha, saan?"
"dun po o"

tumayo si Pulding nagpunta sa dakong tinuturo ni Nitoy ngunit wala siyang makita roon, napansin niya ang isang paru-parong itim na dumapo sa bulaklak ng santan. Bumalik si Pulding sa foyer.

"Mang Pulding sino po ang hinahanap niyo roon" bungad sa kaniya ni Leah

"a, e nabanggit lang ng anak ko e nakita niya raw si Sir Oca sa gawin roon sinilip ko lang upang ipaalam na narito na kami"

"wala siya rito, baka namalikmata lang si Nitoy, bukas pa ang kaniyang balik, halina kayo at naghihintay na si Nash , sumigla nga siya ng malamang nandito si Nitoy" paliwanag ni Leah

"ay sige po Tay punta po tayo kay Nash halika po pakikilala ko po kayo sa kaniya!" tuwang tuwa si Nitoy

"Bell, hatid mo nga si Nitoy kay Nash sa itaas" utos ni Leah sa private nurse

"Mang Pulding maiwan po kayo dito at may ibinilin po si Oca para sa inyo at para na rin sa kinabukasan ng inyong anak" wika ni Leah

"p..po, sige po mam" pagtatakang nasambit ni Pulding

"maupo po tayo sa hardin , hayaan niyo na lang si Nitoy doon at maya maya makikita mo rin ang apo ko"

Ilang hakbang lamang ay nakarating na sila sa hardin, napansin ni Pulding ang swimming pool malapit dito at isang grupo ng kalalakihang na nag-uusap usap.

"sino po ang mga lalaking iyon, may nakasuot pulis pa po" usisa ni Pulding

"pabayaan mo sila baka yan ang nakita ni Nitoy kanina, mga tauhan yan ng pamangkin ko ko, kasama niya sa negosyo"

"ay sorry po matanong ako""ok lang yun , maupo ka at mahaba ang ating usapan" wika ni Leah

"nabanggit niyo po tungkol sa akin at kinabukasan ng aking anak mula ke Sir Oca" tanong ni Pulding

"ganito yun uunahin ko ang negosyo ng aking pamangking si Oca"

Ikinuwento ni leah ang simula.
"Lumaki si Oscar na nakilala bilang Oca sa isang mahirap na pamilya. Ang kanilang tirahan ay malapit din sa creek ng Topaz kung saan doon din kayo nakatira. Naging kababata ng kaniyang ama ang mga matatanda doon. Kilala ang kaniyang ama sa pangalang Turing o tinatawag nilang Kabesa"

"naalala ko bago namatay ang aking ama't ina ng binaha kami roon, tanging ako lang ang nakaligtas. Si Kabesa ang humatak sa akin sa rumaragasang baha, si Kabesa ang laging tumutulong sa lugar na iyon at nagtatanggol sa usapin paukol sa demolisyon" sagot ni Pulding

"tama ka, ngunit dahil sa hirap ng buhay ay pinasok ni Kabesa ang masamang gawain kabilang siya sa mga smuggling activities sa ating bansa, multi milyones ang kaniyang kinikita kung kaya nakabili siya ng mga lupa sa kabayanan, nakapag asawa siya ng anak ng isang tindera , ang dalagang si Lucy, maganda makinis at mabait at hayun biniyayaan sila ng isang anak si Oscar"

"bale tiyahin kayo ni Sir Oca?" tanong ni Pulding

"oo, ako ang kapatid ni Kabesa, kasama akong lumaki sa Creek ng Topaz, lumaki sa hirap at nakilala bilang isang magaling na fortune teller, sinunod ko lang ang nadarama ng aking puso at may angking talino sa larangang iyan ng sining" paliwanag ni Leah

"ganun po ba e si sir Oca alam niya po ba ito?"

"Lumaki si Oca sa rangya ng buhay at di kalaunan ay nalaman ang gawain ng kaniyang ama, wala siyang nagawa kundi gawin ang ginagawa ng kaniyang ama ng siya'y mag binata. Sa madaling salita ay namana niya ang smuggling sa kaniyang ama, ngunit pinangako niya sa kaniyang sarili na di niya itutulad si Nash na kaniyang sa kaniyang gawain"

"e nasan po ang nanay ni Nash?""namatay na ang nanay ni Nash, matagal na"

"ay sorry po, matanong ko lang po , hanggang ngayon po e nag smuggling sina Sir Oca, kung ang iaalok niya pong tulong sa amin ng aking anak ay galing sa masama pag paumanhin niyo po na di namin tanggapin, kahit po kami mag dildil sa asin ay kaya naming mabuhay" malumanay na tinig ni Pulding

"naiintindihan kita Pulding pero, hindi yan ang sinabi sa akin ni Oca"

"ano po yun?"

"wag kang mabibigla, si Myrna na iyong asawa ang nanay ni Nash magkapatid bale ang anak mo at pamangkin ko"

"panong...." gulat na naitanong ni Pulding

"lumayo si Myrna sa iyong poder dahil sa hirap ng buhay, namasukan bilang isang GRO, maganda siya at minsan nakita ni Oca sa daanan na lasing na lasing at may pasa sa mukha, ito raw ang dulot ng pambubugbog sa kaniya ng kaniyang kinakasama, tinulungan siya ni Oca dinala sa bahay at pinagyaman ang sugat, naging malapit sa isa't isa, di na binalikan ang kaniyang kalaguyo, nagkaroon sila ng anak, ngunit sa di inaasahang pangyayari, naging sakit ni Myrna ang paghahanap ng lalaki para sa kaniyang aliw, bihira kasing umuwi si Oca sa bahay sa pagtatago sa batas, nahuli ni Oca si Myrna na may kaniig sa isang motel, pinalayas niya ito at ilang araw araw lamang ay nabalitaang nagpakamatay, simula noon ako na ang nagsilbing Mommy ni Nash, ako nagpalaki sa kaniya"

Nangilid ang luha ni Pulding sa kaniyang mga mata. Bumuntung hininga, napalunok.

"di ko naisip na may kapatid pala ang anak ko, kaya pala siguro lukso ng dugo at malapit sila sa isa't-isa" wika ni Pulding

"alam ni Oca ang buhay niyo, di lang siya makatulong sa pang-araw araw niyo, ang ginagawa niya ay inaaya niya ang iyong anak kasama ni Nash dito sa amin upang makakain at maglibang paminsan minsan, ngunit sinabi niya tutulungan kayo sa taong ito ngunit minalas siya"

"a...ano pong minalas Mam Leah?" gulat na naitanong ni Pulding

"aaa... ee, sige sasabihin ko na" lilinga linga si Leah sa buong paligid namumutla

"Pulding bilang isang Fortune teller ako rin ay may angking talino sa pakikipag usap sa mga ispiritu"

"ha! nakakakita kayo ng kaluluwa, e di ang kaluluwa ni Myrna nakikita niyo?"

"oo madalas, madalas niyang dinadalaw si Nash, wala na akong takot nasanay na ako, maliit pa lang ako noon ay nakakita na ako ng mga ganun sa lolo, lola, at sa lahat" paliwanag ni Leah

"maiba po tayo, ano pong minalas si Sir Oca, nahuli po ba siya kaya may pulis dito nakakulong po ba siya?"

"ganito yun Pulding, isang desisyon ni Oca ang huling hirit sa smuggling nung nakaraang buwan, kikita siya ng 50 milyon sa transaksiyong ito, at nagplanonng titigil na at magingibang bayan kasama si Nash at tutulong sa lugar ng Topaz kasama na sa tulong kay Nitoy, paaralin niya ito, Pulding, nagkasakit si Nash dahil di niya nakikita ang kaniyang ama, bago ito ay sinabi niyang ang ina ni Nitoy at ang kaniyang ina ay iisa"

"alam na po ni Nitoy na sila'y magkapatid!?" bulalas ni Pulding

"maaring ngayon ay alam na niya nasa itaas na siya at kausap ni Nash"

"Diyos ko, marami na namang tanong tiyak ang anak ko sa akin, mam Leah nasaan po si sir Oca gusto ko po siyang makausap"

"habang ginagawa nila ang smuggling kasama ng kaniyang anim na tauhan, kargado ng matataas na kalibre ng baril ay natiktikan sila sa Pier, nagkaroon ng putukan, dali dali silang sumakay sa kanilang Van at mabilis na inarangkada habang umuulan ng bala, di nakasakay si Aldo dahil dinipensahan niya ang sasakyan, gumanti ito ng putok at natumba si Aldo habang papaalis ang sasakyan, hinabol sila ng pulis maraming pulis, hu hu hu" naiiyak na kwento ni Leah

"ano pa po mam Leah paumanhin po niyo na gustong malaman ang kwento"

"si Aldo ang naghudas sa grupo, pinangakuan siya ng pulis na di siya patatamaan kapag nagkabarilan na sa pagkukunwaring babaril siya , ngunit tinuluyan pa rin siya ng grupo ni Lt. Cortez, umabot sa 20 kilometro ang habulan hanggang makarating malapit sa Topaz, duguan na si Oca, may tama siya sa likod patay na rin ang ilang niyang kasama sa loob, me tama na rin si Philip na nagmamaneho ng van, susuray suray na ang sasakyan, hanggang mabangga nila ang isang mamang nagkakariton, tumalsik ang mama at bumagsak sa semento, wasak ang kariton, wala ng buhay ang mama hu hu hu"

"a...a kawa naman ang nagkakariton nadamay, nasan napo si Sir Oca saang ospital kagabi po mga alas onse e malakas naman siyang pumunta sa bahay" wika ni Pulding

"pa...patay na si Oca Pulding patay na siya hu hu hu, nahulog sa creek ang kanilang sasakyan mag mag aalas siete ng gabi kagabi" habang pinunasan ni Leah ang kaniyang luha

"hi..hinde po totoo yan nakita ko po siya kagabi mam Leah, nagbibiro po kayo"

"totoo Pulding, totoo ito kaluluwa na lang ni Oca ang nakita mo sinabi niya rin sa akin ng dumalaw siya kagabi!"

Napayuko si Pulding, di maintindihan ang mga pangyayari. Lumapit si Nitoy kasama si Nash at Bhel sa dalawa ng bumaba ang mga ito.

"Bhel, kumusta si Nitoy ba't inalis mo ang suwero okey na ba si Nash anak...?"

"ok na po siya mam, lumakas po siya ng makita ang kaniyang kaibigan" paliwanag ni Bhel

"Mommy Leah, mabuti na ako, i'm fine, di ba si Nitoy kapatid ko sabi kasi ni Papa kaya me kapatid na pala ako?" wika ni Nash, nangiti naman si Nitoy at nagtanong habang palinga linga sa paligid.

"Tita Leah nasaan po ang tatay ko?"

Nanlaki ang mata ni Pulding, kaharap siya ni Leah, di siya napansin ng anak, napalingon si Leah sa kaniya at lumuha muli ito at tumalungko.

"Mommy Leah, nasaan daw ang tatay ni Nitoy nandito raw gusto ko rin makita si papa hi hi hi" wika ni Nash

Tumayo si Leah at pinasunod ang tatlo sa kaniya patungo sa kusina. Pinaupo ang mga ito. Naiwan si Pulding sa kinauupuan nito, akmang susunod ngunit hinawakan siya ni Oscar.

"si....sir,, nandito pala kayo?" nabiglang tinig ni Pulding

"pabayaan mo muna sila mag-usap tayo, malamang di ka lang napansin ng anak mo" paliwanag ni Oca

"pero imposible , nakikita ko siya ang lapit niya sa akin, saka sir akala ko ...a eee. wag na lang sabi kasi ni mam Leah me nangyari sa inyo yun pala di totoo?"

"kadarating ko lang, ikaw ang sinadya ko upang mapabilis ang lakad ko"

Sa kabilang dako.

"mommy Leah bakit po ano po ba ang problema" tanong ni Nash

"Mga anak, umalis ang mga tatay niyo, may lakad sila, trabaho para sa inyong kinabukasan" paliwanag ni Leah habang pinupunasan ang kaniyang luha

"Ma'm, bakit po di nagpaalam ang tatay ko kelan po balik nila?" tanong ni Nitoy

"medyo matatagalan anak, saka pinasok kasi ng Daddy ni Nash ang tatay mo sa trabaho"

"di naman naka pan trabaho ang tatay ko, paano po ako uuwi sa amin wala po akong kasama" naluluhang tinig ni Nitoy

"mula ngayon dito ka na titira, dadalawin ka ng tatay mo dito"

"hu hu hu, gusto ko po makita tatay ko, ayaw ko po dito hu hu hu" di na napigilan ni Nitoy ang pag-iyak, niyakap siya ni Bhel

"Nitoy nandito naman ang kapatid mo, maganda rito kesa roon sa inyo marumi at di komportable" wika ni Bhel

"oo nga Nitoy ako nga si Papa, minsan sampung tulog di ko nakikita e, di bale katabi tayo sa pagtulog Nitoy"

"ang mga gamit ko po sa iskul nasa amin pa" wika ni Nitoy"kinuha na namin lahat ng gamit niyo, nandito na rin ang kariton ng tatay mo nasa likuran wala ka nang aalahanin Nitoy" paliwanag ni Leah

Umamo rin si Nitoy at nagtungo sila sa silid ni Nash upang maglaro. Pinangakuan ni Leah na dadalaw din dito ang ama.Sa kabilang dako.

"Pulding, di ba ang Diyos nagpapatawad?" tanong ni Oca

"oo naman, kaya nga ang tao dapat marunong ding magpatawad kasi katiting lang tayo sa Diyos kaya dapat mababaw lang tayo" sagot ni Pulding

Di namamalayan ni Pulding na naglalakd na sila sa gitna ng isang malawak na palayan. Nagtanong ito kay Oscar.

"sir malaki pala ang likuran ng bahay niyo, at ang mga ibong ngayon ako nakakita ng ganiyan kulay ube at kahel, at hayun pa ha ha ang ganda , ang laki naman ng aso pero ang katawan ay,,,,ay... sir totoo ba yan? gulat na tanong ni Pulding

"oo Pulding, ang nilalang na yan ay kakaiba sa dati nating mundo"

"aa...anong ibig niyong sabihin?" bulalas ni Pulding

"halika may ipakikita ako sa iyo" at tumalikod si Oscar habang nakasunod naman si Pulding sa likuran at naglakad. Tumakbo na ang aso na may katawang kabayo, mabilis at naglaho sa kaniyang paningin. Sa di kalayuan ay mapapansin ang kalangitang kulay pula at kahel na pinagsanib habang umiihip ang napakalamig na hangin. Isang bukal naman ang mapapansin sa kanilang nilalakaran, malinis ang tubig may mga bulaklak na may tinig na binibigkas, matining at sa tabi nito ay ang mga piraso ng kahoy na nakasalansan. May nabuo sa isipan ni Pulding , dali dali niyang kinuha ang mga maliliit na kahoy, pinag tabi tabi at may nabuong pigura mula sa tintang nakasulat rito.

"NITOY... ito ang pangalan ng aking anak, iginuhit ko ito gamit ang lumang pinsel na nakuha ko sa basurahan, mula sa pinturang tuyot na tinunaw ko sa gaas ng aming gasera ay nakabuo ako ng likidong panulat., isinulat ko ang pangalan ng aking pinakamamahal na si Nitoy, ito nga , ang sulat na iyon kulay bughaw ngunit ito ay nakasulat sa aking kariton , bakit... bakit naririto, sira na ba ang aking kariton?"

"oo Pulding, nasira ko ang iyong kariton, patatawarin mo ba ako"

"mura lang naman yun sir madali lang gumawa, teka bakit may pulang likdo sa bahaging ng kahoy" dinutdot ito ni Pulding inamoy at malansang naamoy niya ang bagay na dugo"dugo ito, sir, bakit may dugo?" tanong ni Pulding

Yumuko si Oca at sinabing:
"patawarin mo ako Pulding"
"sa anong bagay sir, at ano ang lugar na ito, ito ba'y inyong likha. isang hardin , isang lugar na kakaiba"
"Pulding, tatanggapin mo bang ako'y patay na" malumanay na tinig ni Oca
"yan po ang sinabi ni mam Leah kanina, di nga po ako makapaniwala e, e kasi kaharap ko kayo ngayon"
"e maniniwala ka ba kung ikaw ay patay na rin?"
"'hi hi sir paanong tayo'y patay na, di naman tayo nagkasakit , wala naman akong naramdamang sakit, kasama ko nga kagabi ang anak ko, dumalaw pa kayo at nagising ako di ba, at ngayon nagtungo kami sa inyo"

"ang sinabi sa yo ni Aunti Leah ko ay katotohan, huling lakad ko na yun upang magbagong buhay ng madale kami sa habulan, sinawing palad kami kaya kami namatay kasama ang mga tao ko"

“sir wag kayong magbiro ng ganiyan, hindi pa ko patay, kung may patay man kayo yun, marami akong pangarap sa anak ko, wag ninyong sirain ito, marangal ang buhay naming hindi ako criminal at hindi ako patay sir pwede bang umuwi na kami ng anak ko babalik na ko sa inyo” sigaw ni Pulding

“hindi na tayo makababalik Pulding, ang magkakariton na aming nabangga ay ikaw, patawarin mo kami Pulding nadamay ka sa amin patawarin mo kami”

“hinde!!! Hindi totoo ito!”

“nagtatakbo si Pulding mabilis, halos lumulutang ang mga paa sa lupa, malayo ang kaniyang narating sa pagtakbong iyon habang isinisigaw ang pangalan ng anak. “Nitoy Nitoy lumabas ka diyan uuwi na tayo walang mangyayari sa atin dito, Nitoy hu hu hu”

Huminto siya sa pagtakbo, umaliwalas ang paligid na kaninay parang puro puti. Bumungad sa kaniya si Oscar.

“naniniwala ka na ba, Pulding hayan ang ating bangkay pagmasdan mo”

Napunta ang dalawa sa morge at doon ay di makapaniwala si Pulding sa nakita.

“Hinde!!!! Hu huh u, isa itong panaginip natutulog ako katabi ng anak ko hindi totoo ito hu hu” Kumuha ng bato si Pulding at ipinalo nito sa kaniyang kamay. Walang nangyari, lumusot lamang ang bato.

“Diyos ko, sir Oca bakit ganito, papaano ang anak ko hu hu hu, Diyos ko kawawa naman ang anak ko!”
“Pulding, nasa mabuti ang anak mo, inako ko na ang lahat sa pamamagitan ni Aunti Leah, siya ang magpapaaral sa anak mo at doon na siya titira, isang magandang buhay para sa magkapatid” paliwanag ni Oscar

“sir bakit ganoon hu hu, bakit ako pa ang nadamay niyo malinis at payapa kaming nabubuhay ang anak ko huh u ang pinakmamahal kong anak”

“patawarin mo ako Pulding, patawarin mo ako” niyakap ni Oscar ang huli

“sir bakit nakakausap ko anak ko , kumain pa kami kagabi nakita ku pa kayo nakausap ku pa si mam Leah huh u hu”

“iyong ang pagkakataong ibinigay sa atin ng Maykapal, sa biglaan natin pagkamatay ay nakakapiling pa nating ang ating mahal sa buhay ng kaunting sandali, ganoon din ang nangyari sa akin, may sakit pa man din ang anak kong si Nash”

“gusto kong makita ang anak ko, sir gusto kong Makita ang anak hu hu hu, bakit si Mam Leah nakausap ko siya patay na rin ba siya hu hu”

“may angking galing si Aunt, siya ang naging kasangkapan natin sa nangyaring ito, siya ang umayos ng lahat, binigyan siya ng kapangyarihang makausap tayo”

“gusto kong mayakap at makita ang anak ko sir,, gusto ko parang awa niyo nah u huh u”

“nakita muna siya, nakapiling muna, naihatid muna sa aming bahay, tapos na ang sandaling naibigay sa atin, di na natin sila mababalikan”

“Diyos ko malilito ang anak ko, iiyak siya, hahanapin niya ako huh u, magkakasakit siya pag wala ako”

“si Aunti ay isang magaling na adviser kaya niyang paliwanagan ang mga bata, naging guro rin iyan bago maging manghuhula, ang maipapangako ko sa iyo ay di niya pababayaan ang anak natin”

“sir di ko matanggap, sir bakit ganoon”
“tanggapin mo Pulding, at patawarin mo ako”

“sir pinapatawad ko kayo, pero masakit talaga di ko alam kung magiging Masaya ako ngayon”

“magiging masaya ka Pulding magtutungo tayo doon halika na doon sa landas na iyon”

“wala na talagang pagkakataong makita ang anak ko huh u” muling tanong ni Pulding“maaaring may magbigay ng kaunting sandali ukol diyan, ngunit maaring pumunta muna tayo roon”

Narating nila ang lugar, bumitaw na sa pagkakahawak si Oscar kay Pulding.

“diyan ka Pulding hintayin mo ang iyong sundo, ako ay dito naman sa kaliwa”

“sir bakit magkahiwalay pa tayo, halika rito wala akong kasama rito natatakot ako”

“busilak ang iyong puso, di tulad ko, di ako pwede diyan, di bale ang hangad ko lang maging Masaya ka, patawad ulit at paalam”

“sir! Sir! Hu huh u” nawala na si Oscar sa paningin ni Pulding, tumahimik ang paligid ngunit mula sa likuran ay.

“anak!!! Halika”

“nay, tay, Diyos ko, ang nanay ko, ang tatay” niyakap ni Pulding ang mga magulang

“hinihintay ka namin doon anak makikita mo ang lolo at lolo ng lolo mo ha ha ha”

“tay nay, mahal na mahal ko po kayo”

“mahal ka rin namin anak halika sumama ka sa amin lilipad tayo kasi di kami marunong lumangoy e hi hi hi dali halika na Masaya roon”

“tay, nay mahal niyo po ba ako?”

“mahal na mahal ka namin anak, bagama’t mahirap tayo mayaman tayo dito ngayon”

“na miss kop o kayo, wag niyo po akong pabayaan” yumakap ito sa ina .Bumalik sa pagkabata ang isip ni Pulding nalimutan na si Nitoy at sumama na sa kaniyang mga magulang.

Lumipas ang mga taon.
Tok tok tok!!!
“the door is open” wika ni Nestor Almonte

“hey bro the visitors are waiting, it’s your birthday , aba 7PM na it’s time to speak na” wika ni Nash Vergara

“dumating na ba ang mga taga Topaz”

“kanina pa pati ang Topaz Community Choir, pati ang Creek Toda, lahat they’re almost 300 hundreds”

“ang taga planta”

“off na planta mga 4pm pinapunta ko lahat dito guard na lang natira doon, hey man, napansin ko trice a week mong tinitingnan ang picture na yan a, diba yan yun pinalaki mo katabi ng pics ng dad ko ”

“oo, ito lang ang natirang souvenier ng tatay ko sa akin isang lumang 2x2 pictures, namimiss ko siya, mula ng ipaliwanag sa atin ni Aunti Leah ang lahat noong high school tayo di ko malimutan ang tatay ko”

“parehas lang naman tayo bro, we miss our father so much, mahirap lumaki ng walang magulang”

“ako naman nagpapasalamat ako sa yo, at kay Auntie na siyang tumulong sa atin nakapagtapos ng pag-aaral at ngayo’y may pamilya na at plantang pinaghirapan nating buuin, salamat sayo bro Nash” at niyakap ang kapatid“thanks too bro oo nga pala, I apload mo yan picture na yan sa net aba sayang yan baka mawala pa,o paano tara na”

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Auntie leah
“kanina pa kayo hinahanap sa labas ano bang ginagawa niyo ritong magkapatid” wika ni Leah

“nag bubulay bulay lang Mommy ha ha ha” biro ni Nash

“hay naku kayo talaga, dali at may mga bisita pa kayo pasalamat kayo at ako lang nakakakita”

“ha ha ha, Auntie yan ka na naman e, nananakot ka na naman e takot nga ako sa multo” wika ni Nestor
“takot sa multo e, bata palang nakakita na kayo ng multo” wika ni Auntie Leah
“oo nga ano ha ha, pero tatay ko yun, nga pala Auntie halika sandali, bro halika rin” utos ni Nestor

Naghawak-hawak ng kamay ang tatlo.Auntie, "
Bro Nash salamat sa inyo, ngayong kaarawan ko nais kong sabihin sa inyo na mahal ko ang tatay ko pero ngayong matagal na siyang wala, kayo naman, mahal na mahal ko rin kayo, salamat sa inyo” wika ni Nestor
Maluha-luhang niyakap ni Auntie Leah si Nestor at yumakap na rin si Nash. Biglang bumukas ang pinto.
“hey all of you there!, aha! Emotional na naman kayong tatlo a, ha ha, Daddy tawag ka na ng emcees mag speak, blow the candles ka na raw bilisss!!! Sigaw ng asawa ni Nestor

“ha ha ha sige na anak lumabas ka na diyan at maraming naghihintay say o, Nash samahan mo kapatid mo, pumapel na kayo” utos ni Auntie Leah

Isinara ni Leah ang pinto naglakad at nagtungo sa sala hinarap ang mga litrato ni Oca at Pulding at nagsalita ito.

“Masaya na sila, maganda na ang buhay , balang araw sasama na ko sa inyo matanda na ako at mahina na, bilang ina at ama ay napalaki ko sila ng maayos, sana may gantimpala ako sa itaas ha ha. Maaari na silang pabayaan at maaari na rin kayong manahimik. Sige at makikisaya na ako sa mga anak niyo” at lumabas na ng silid si Auntie Leah.

Nagputukan ang mga kwitis sa labas, lumikha ito ng vibration, naalog na kaunti ang paligid. Nahulog ang litrato ni Pulding at kataka takang di nabasag ang salamin nito. Isang kamay ang kumuha rito at isinabit muli sa dating kinalalagyan pagdaka'y lumabas sa pintong nakapinid.

Sa labasan masaya ang lahat, mapapansin si Auntie Leah na kumaway mula sa kanilang gate habang papaalis ang isang misteryosong panauhin. Bumalik na ito sa tipanan at bumulong na:

“alam kong narito si Pulding, naibigay sa kaniya ang pagkakataong makita ang kaniyang anak, malapit na mawala ang bertud ko sa aking pagtanda, at doon ay maari na ring akong manahimik bilang ama at ina ng magkapatid. Sayang si Oscar pero alam kong busilak din ang kaniyang puso at mabibigyan din ng pagkakataong makita ang kaniyang anak.

Wooooshhhhhhh!!! Ka Boommmmm!!! sirit ng mga kwitis



WAKAS
posted by Mannydgreat at 7:37 PM 1 comments

ANG LIHIM NI JUN BALBUENA

Sampung ektaryang planta ng isang kilalang “steel and wide flange fabrication” ang pinamamahalaan ni Don Enrico, isang kilalang inhinyero sa kanilang lugar. Bibihirang di magpaunlak ito sa mga humihingi ng tulong pinansiyal sa lungsod, sa baryong nasasakupan at maging personal na karamdaman ng mga nangangailangan. Tatlumpung taon nang namamayagpag ang ESCO o ang Enrico Steel Corporation. Binubuo ng sampung inhinyero at isang libong manggagawa na nagtratrabaho ng palitan sa 24 oras. Isa sa pinakamatagal si Engr. Jun na nasa 10 taon na serbisyo, isang mabait at relihiyosong tao, nasa 40 taon na ang edad, ngunit marami pa rin ang nagtataka kung bakit wala pang asawa ang huli. Maganda ang katayuan ng buhay, nakapag-paaral ng tatlong pamangkin, nagging maayos ang bahay ng kaniyang mga magulang, ngunit siya ay hayun , nag-iisa sa kaniyang nabiling bungalow type malapit sa planta ng ESCO na nasa lalawigan ng Bulacan. Linnguhan siya kung dumalaw sa kaniyang ina. Matagal ng namayapa ang kaniyang ama na noo’y nagtratrabaho bilang welder ng isang kumpanya. Nadaganan ito ng malalaking bagal ng ito ay nagtratrabaho. Bilang nag-iisang anak ay napilitan siyang mamasukan sa iba’t-ibang kumpanya at ngayon heto siya at maganda ang posisyon sa ESCO.

“pare, may balitang ikaw na ang magiging EVP ng kumpanya a, galling mo pare hanga ako sa iyo bilib na bilib si Boss E sayo” bati ni Engr. Rafael habang sila ay kumakain ng tanghalian

“bakit di magiging EVP yan e halos dito natutulog yan sa planta, yung mga ibang oras niya nga na OT din a niya ipina File e he he he, (nguya nguya)” sabat naman ni Engr. Georg

e“wala naman kasi akong dadatnan sa bahay , kaya halos ng oras ko nandito sa planta” paliwanag ni Engr. Jun“pare bakit di ka mag-asawa, wag mong sabihing me sapi ka” biro pa ni George

“ha ha ha!! Masama yan pre wag ako ha!” biro naman ni Edison“kung magkagayon ako, wala akong gugustuhin sa inyo puro kayo amoy putok ha ha” bulalas ni Jun

“hindi pare pera biro, ang daming nagpapakamatay sa iyo, halos yung mga nagdaang staff sa office ang gaganda nun pinakawalan mo, si Inday nga sa Canteen hanep sa katawan nadale lng ng welder nating si Bulldog hayun gaganda ng mga anak dahil sa ganda ng asawa di naging Buldog” wika ni Edison

“kaya nga namayat si Popong na welder natin ka ju jug jug ha ha ha”“ha ha ha!” tawanan ng lahat

“hayaan niyo mga kasama , kapag may nagkamali papatusin kuna” wika ni Jun

“pare babae a” biro ni George

“ha ha ha ha”“mga bwiset kayo , bilis at magpahinga na tayo 15 minutes na lang back to work na” wika ni Engr. Jun

“yes EVP ha ha ha” tawanan ng grupo.

Sa loob ng opisina.

“Donna, pakitawag mo nga si Engr. Jun?” utos ni Don Enrico

“yes sir!” tumalima agad si Donna na sekretarya ng Don

“a sir Jun, tawag po kayo ni Boss” magiliw na wika nito

“a.. e thanks Donna, sige pupunta na ako doon”

Pumasok ito sa silid, sa opisina ni Don Enrico.“Good afternoon sir”

“what’s good in the afternoon Jun?” sagot ng Don

“a..ee, the good is you’re in good condition in calling me here”

“what if I’m not good?” sagot pa ng Don

“I’ll make you good say by saying jokes”

“ha ha ha.! What if I don’t like Jokes aber?”

“I believe that jokes makes you smile, when you smile you feel comfortable , ano ang silbe ng smile therapy poster niyo sa tabi ng picture frame ng family niyo kung di niyo gusto ang jokes” sagot ni Jun

“ha ha ha!!! matikas ka talaga Engr. Jun, marunong sumagot ,marunong ng reasoning, kaya nga last ten years ago ng magsimula ka dito sa kumpanya , e nagustuhan na kita, right away nag start ka agad immediately, wala ka pa nga mga requirements nun , to follow sa HRD diba Engr. Jun?”

“yes sir”

“okey, wait, (kring kring) pinundot ni Don Enrico ang buton sa ilalim ng mesa nito at pumasok ang sekretaryang si Donna

“two coffee, for me ang for Engr. Jun make it quick”

“right away sir”

“kaya pala pinatawag kita dito, ay para sabihin sa inyo na si Engr Joseph ay may karamdaman, nagpapabaya kasi sa sarile e, di tulad ko 62 na ako pero heto at kaya pang mag badminton siya e 48 pa lang e na mild stroke na, yan ang hirap sa kakain ng baboy walang exercise”

“kaya pala di ko siya nakikita 4 days na”

“ oo at nag file siya ng resignation, that means ma vavacant ang EVP position at ikaw at si Engr. Andy ang napupusuan kong pumalit sa kaniya”

“thank you po sir, isang karangalan iyan, pero sa tagal po ng trabaho e mas matagal sa akin si Sir Andy ng 5 years” wika ni Jun“5 years , but you’re in the same position as plant manager, , shifting kayo di ba, but mostly ikaw ang humaharap sa mga clients kasi may dating ka, gwapo ka maayos di tulad ni Andy he he medyo magaslaw pero magaling na inhinyero, top 7 yun sa board”

“oo nga po sir magaling po siya”

“pinanghihinaan ka ba ng loob”

“hindi sir tatanggapin kopo ang offer , makikipagtunggali ako kay sir Andy”

“yan ang gusto ko, in a matter of months susuriin ko kayo, di nangangahulugan na panalo ka na ha, it's a fair game”

Tok tok tok!

“tuloy Donna”

“ coffee sir ” wika ni Donna

“sige iha, ilagay mo sa table” wika ng Don

Lumabas na si Donna ng silid.

“very pretty ha! Jun, dalaga yan batang bata, she’s only 20, maagang natapos ng Bus Admin, recommended by my friend sa golf club”

“oo nga sir” napangiti si Jun

“bakit di mo ligawan, nagtataka ako say o hanggang ngayon wala ka pang asawa, aba’y tatanda kang binata yan, ako e naka tatlo na, ha ha ha”

“wala pa sa isip ko sir, trabaho lagi ang inaatupag ko”

“ehem pero, di ka naman masasabing… ehemm alam muna”

“virgin sir? yes sir virgin pa po ako” buong pagmamalaking sinabi ni Jun

“ha! Ha ha ha , the 40 year old virgin now in my office , favorite ko yan movie si Steve Carrel ha ha isang stand up comedian, one time napanood ko yan sa Hollywood when I was there, napakagaling magpatawa ang batang yan kaya nga lahat ng movie niyan pinapanood ko, ha ha ha, just like you, napatawa mo ako, teka serious ako virgin ka panga?” tanong ng Don

“ yes, sir, I don’t want commitment. Una, marami akong pinag aaral second…”

“teka teka, walang connection ang xxx sa mga sinasabi mo, wala ka bang panahong gamitin ang ibinigay sa iyo ng Diyos”

“sir siguro gagamitin ko ito sa aking mapapangasawa, I just don’t like pre marital xxx”

“o..o okey, may punto ka run, let’s change the topic, I just want to tell you , (bumuntong hininga) make a good job starting today coz you’ll be one of the candidate for EVP, bukod sa akin, e pagbobotohan muna yan ng ilang mga supervisors, foreman and team leaders, hindi nangangahulugan na kapag nanalo sa voting e panalo na, nasa akin pa rin ang huling alas, like the President of the Philippines ha ha ha”

“thank you sir”

“siyanga pala, if anything happens, kapag ikakasal ka na let me know ha he he he”

“yes sir kayo pa, ninong ko nga kayo e”

“ha ha ha , bwa ha ha ha! Sabi ko na nga ba, ok Engr. Jun meeting is adjourned see you tomorrow, me meeting ako sa manila ngayon, pakisabi kay Engr. Andy, I need to talk to him early at 9am tomorrow, just like you man bye”

“Thank you sir”

Nagkamay ang dalawa bago lumabas ng silid si Jun. Nginitian siya ni Donna, isang matamis na ngiti. Napansin ito ni Thess na isang accounting sa kabilang mesa.

“hey Donna, DOM ka na ba ngayon?” biro ni Thess
“ha ha ha. Kayo ha, ang tatalas ng mata niyo, wala lang cute si Engr. e” sagot ng huli

“ehemmm, porke alam mong binata e. hey gaga, relihiyoso yun, saka ayaw nun sa malandi hi hi hi” biro naman ni Be na isang purchaser

“at baka ka gawing santa nun ha ha relihiyoso e”Hi hi hi! Tawanan ng grupo

Bumukas ang pinto ng silid ng Don.

“why are you laughing, mahilig din ba kayo sa joke?” tanong ng DonTumahimik ang paligid at sa kung saan ay nagsalita si Engr. Jun na biglang sumulpot galing sa pagsisintas ng sapatos na noo’y nakayuko at inakala ng mga babaeng nakalabas na ng opisina.

“sir, just like me, mahilig sila sa joke, jokes is a therapy hi hi hi!” sabat ni Jun

“ha ha ha, andiyan ka pa pala, wait Jun sabay tayo sa labas me pakikita lang ako sa iyo” wika ng Don

Nanahimik ang lahat. Namutla si Donna, nagkatinginan naman sina Be at Thess.

Alas kwatro pa lang umaga ay gumising na si Jun, nag-inat at nagbatak ng mga kamay at paa sa pamamagitan ng stretching, pagkua’y dumapa at nag push up ng 30 beses. Lumabas ng bahay at nag jogging sa kanilang subdivision. Mangilan ngilang aso rin ang nagtahulan sa dinulot niyang ingay sa pagtakbo, ngunit sanay na ang mga tao rito na si Jun ang tumatakbo sa mga oras na iyon.45 minuto ang ginugol niya sa pag jojogging, at makarating sa kaniyang bahay ay dumiretso ng kusina at nagpakulo ng tubig sa takure. Binuksan ang radio at nakinig ng balita sa sa DWIZ sa AM band. Naglabas ng itlog at iniluto ito at naglamas ng malamig na sinaing upang isangag.Lumabas ito pagkatapos at sinalubong ang bukangliwayway habang humihinga ng malalim. Naligo at inihanda na ang kaniyang almusal na noo’y mag aalas sais na ng umaga.

“puto!, puto!, puto kayo diyan mainit pa!!!” sigaw ng isang maglalako mula sa labasan. Kilala ito ni Jun kung kaya tinawag niya ito.

“pareng Fred!”“uy Jun kumusta ka na dito ka pala nakatira” sagot ng huli

“oo, nakuha ko ang bahay sa Pag-big fund tapos kunang hulugan 1o years ko ring binuno ito, taga rito ka ba?”

“oo, nag iskwat lang ako diyan sa tabing ilog, di tayo nakatapos e, kaya heto mag puputo, kesa naman magpuputa he he he”

“palabiro ka pa rin, ganiyan ka rin nung High School tayo, siyanga pala dika nagpunta ng Reunion natin”

“alam mo naman pare, nahihiya ako wala tayong maipagmalaki, kundi ang anak kong nag-aaral na ng High School at matalino”

“buti ka pa ako wala pa e”

“ano, wala ka pang anak, pare pa check up na kayo ng Misis mo, matanda na tayo"

“I mean , wala pa akong asawa pare”

“nakooww!!, mapag-iiwanan ka niyan, total maganda naman trabaho mo marami ka makukuha chicks na mapapangasawa mo ,kung natapos ko lang ang Engineering ko ng College sana maganda rin trabaho ko, na ka 1st Sem lang ako sa 1st year e, kaya ganun walang wala tayo”

“sayang ano, wala bang nagpapaaral sa iyo kahit kamag-anak?”

“galing lang kami talaga sa mahirap, gustuhin ko man wala ring pera mga relatives ko, siyanga pala, ano tinapos mo?”

“ci…civil Engineering ang tinapos ko, pero di ako pasado sa Board, di kuna naintindi e kasi nagkatrabaho na agad ako”

“naalala ko messenger ka sa FILAW yung gawaan ng tela nakikita kita nun a”

“oo agency kasi 5 months 5 months lang renew renew lang ako kaya nag resign walng asenso e, working student ako noon, kaya 8 years ko kinuha ang Civil”

“tiyaga mo pare, dapat pala ginaya kita, di bale, 40 na ako, 20 years na lang natitira e dedo na rin ako, kaya wala na planong mag-aral sa anak na lang”

“ba’t ka ganiyan pare 40 rin ako a, kaniya kaniyang kapalaran ang tao bakit mo naman nasabi iyon”“maikli na buhay ng tao dahil sa Chemical at lifestyle ng tao ngayon”

“ganun ba ha ha, mahilig ka rin pala sa Science at Ecology ha, sige pag bilhan mo ako ng 20 pesos na puto at may pagbibigyan ako”

“thanks pare , ok kotse mo a, bago?”

“sa kumpanya yan, wala pa akong pambili niyan, wala pang ipon he he he”

“di rin magtatagal magkakaroon ka rin niyan, bahay nga meron ka na”

Umalis na si Fred. Gumayak na si Jun matapos maligo. Alas otso ang kaniyang pasok, mag aalas 7 pa lang sa kaniyang relo, 10 minutes lang naman ang biyahe niya papunta sa planta, umupo muna ito at kinuha ang isang kahon na sinlaki ng Photo album. Kinuha niya ang kaniyang High School Diploma, luma na ito, sa ilalim naman nito ang kaniyang mga Certificate na umabot sa 13 piraso galing sa kaniyang mga seminars na inatenan. Sampu rito ay sa ESCO. Sa kailaliman nito ay ang kaniyang College Diploma sa pag ka inhinyero. Pinagmasdan niyang mabuti ito at hinimas at lumunok at huminga ng malalim. Pumunta siya sa Altar, lumuhod at nagdasal at umalis na ng bahay sakay ng kaniyang sasakyan.Dinatnan niya si Engr. Andy sa guardhouse.

“pare, thanks sa Text ha, paalis na dapat ako, muntik ku nang makalimutan” wika ni Andy

“oo nga pala, sorry late ko na ring na itext sa iyo, 4:30AM na habang nag jogging ako, kumusta trabaho?”

“ok naman marami nagawa ngayon, malaki bulto ng order natin, tiba tiba yung si Efren na Sales Manager, 100 thou kumisyon”“dapat magpainom siya sa inyo” wika ni Jun

“kaso ako lugi sa inyo ha ha, kelan ka ba magpapanggabi Jun?”

“next week pare, hayaan mo at ikaw naman ang mag gudtime sa gabi ako naman ang magtratrabaho” wika ni Jun

“Uy! Kala mo naman siya nag gugudtime , e bahay trabaho ka lang at vice versa ha ha ha!”

"marami rin akong ginagawa a he he he, o paano wait mo si Boss at kakausapin ka bago ka umuwi, ” paliwanag ni Jun

“okey pare sige, yung batch 43 ng Flange patapos na a, ikaw bahala sa next encode mo na lang”

“thanks pare” pahabol ni JunSa opisina usap usapan ang masarap na puto na ibinigay ni Jun kay Donna. Halos lahat e nakatikim nito.

“Donna, simula naba yan” biro ni Thess

“ewan ko, a, di naman ako nagpabili binigay lang si Sir Jun e di tinanggap ko, masama ang tumatanggi sa grasya nabubulag” paliwanag ni Donna

“yes, at baka mabulag ka na rin sa pag-ibig at mapunta ka sa 40 ha ha ha”

“kayo naman wala naman proposal ang tao kung anu ano nasa isip niyo” inis na patutsada ni Donna

“biro lang Donna puso mo ha ha ha!” tawanan ng lahatBiyernes, umatend si Jun sa kaniyang inaatenan na Born Again Church, matapos ang pagpupuri sa tugtugan at kantahan ay nagsimula ng mag preach ang pastor. Sa kalagitnaan ng sermon ay kaniyang narinig.

“huwag tayong mabuhay sa kasalanan, bagamat tao lang tayo, kontrahin natin ito, pigilan ang sarile, wag patukso sa kasamaan, pita at iba pang mga bisyo. Huwag na huwag tayong mabubuhay sa kasalanan, mas walang kapatawaran ang kasalanang alam mu na e ginagawa mupa, kaysa sa di inaasahang ginawa mo ito. At ang pagsisinungaling at panloloko ay isa ring napakasamang Gawain” sermon ng Pastor

Natapos ang sermon, nagkaroon ng offering kaunting awitan at matapos ang Doxology ay nagkamayan ang mga nagsidalo. Lumapit ang Pastor kay Jun.

“Brother Jun, kumusta na, nagpapaslamat pala ang erderly sa ibinigay mong drum set sa banda, tuwang tuwa ang mga members Music Ministry natin”

“wala po yun, para naman sa Lord iyon”

“mahal yun a, Pearl kung di ako nagkakamali nasa 60thou yun ,kumusta naman ang trabaho”“nagkaroon po ng SALE, nakuha ku po ng 40 thou, last Sunday kasi nakita ko ang drum set natin na sira na, humihingi nga kayo ng tulong para rito, kaya tumulong po ako , sa work ko naman ok naman po”

“maraming salamat brother, wag kang mag-alala, may balik ang mga tulong mo, ma propromote ka sa trabaho, basta keep your Faith in God, umalis sa kalayawan, kamunduhan at iba pang mga tukso”

“pwede po bang magtanong Pastor?”

“ano yun Brother?”“ang kamunduhan po at kalayawan ay siguradong wala sa akin, wala po akong nakikitang kasalanan, sa pag-inom di rin po ako umiinom, nambababae, nagsusugal at nagbabawal na gamut ,nag-iisa po ako sa bahay, nanonood din po ako ng DVD but yung mga good movies lang”

“so?” tanong ng Pastor

“kung may kaunting kasalanan po ba ako, damay na lahat ng kabutihan ko sa buhay?”

“depende sa kasalanan mo, anong kasalanan ba, ito ba ay di mo sinasadya o talagang masama sa paningin ng Diyos e ginawa mu pa”

“a… ee..di kop o alam kung masama e, parang ano po… di ku po masabi kasi po it’s personal, pero di naman po grabe"

“Brother, basta masama sa mata ng Diyos , mabigat yan, kung di mo masabi ngayon pwede kita I counsel kelan ang free time mo? Sa Wednesday after bible study pwede ka ba, tayong dalawa lang ang mag-uusap”

“sa Wednesday sige po Pastor”

“ok then, see you, oo nga pala mamaya may pakain si Sister Jane, kaarawan daw ng anak niya invited ang lahat kung me time ka alas tres ng hapon sa bahay nila sa Pulong Buhangin”

“sige po pastor , try ko”Pasakay na ng kotse si Jun para umuwi ng makita niya ang isang babae na nasa hustong edad, tinawag siya nito.

“Sir Jun!”Napalingon si Jun at nakita ang babae. Lumapit ang babae sa kaniya. Di muna siya pumasok ng sasakyan.

“sir Jun si Edith ito yun taga Recto naalala mo, ha ha, nakilala kita a, mukhang mayaman ka na ngayon!”

“sinong Edith, di kita matandaan”

“helurrr! luko luko, ako yung taga Recto malapit sa Holywood Cinema, yung fixer ha ha ha!”

“a, e…di kita kilala miss sorry ha, baka di ako yun”

“hoy, 5 years ka pabalik balik dun a, ako taga gawa ng Boss mo ng mga pekeng dokumento sa FILAW diba, yung gawaan ng tela sa Navotas, ano ka ba, nag resign ka pa nga napunta ka ng Jem Ads papagawa ka rin ng ITR mo ha ha ha para makakuha ng Credit cards dami mo yata utang”

“wala akong utang at di ko kilala mga kumpanyang sinasabi mo sige diyan ka na” sabay sakay sa kotse at pinaharurot ito palayo sa babae.

“taray naman nun, naging mayaman lang e, sumungit na, dati bike lang ngayon naka kotse na Born Again pa naman, teka baka naman di siya yun, pero alam ko siya yun, me nunal sa leeg e, mas gumwagwapo pa ngayon me asawa na kaya yun, ehem di naman ako papasa run bakla yata yun, makaalis na nga” bulong ng babae.

"it happens all the time, this crazy love of mine" ito ang kantang naririnig ni Jun sa kaniyang sasakyan habang tinatahak ang daan patungo sa kanilang bahay. Nadaanan niya ang simbahan ng San Isidro de labrador, simbahan ng katoliko. Bumaba siya rito ang pumasok sa loob ng sambahan.

"dito walang mag-uusisa sa akin, wala akong kakilala, walang abala" bulong ni Jun sa kaniyang sarili

"oo nga't galing na ako sa pananambahan, ngunit wala namang nagbabawal na pumunta sa iba pang simbahan" bulong pa nito.

Lumuhod ito at nanalangin. Makalipas ang sampung minuto ay lumabas at kumain ng fishball sa may kalsada.

"mama, pangkain lang po" wika ng isang batang paslit, marungis at masasabi mong isang pulubi

"nasaan ang iyong mga magulang bakit di ka pinakakain" wika ni Jun sa bata

"sa bahay po nag to-tongit, wala pa pong pagkain sa amin gutom na po ako"

"halika at pumunta tayo roon sa carinderia"Nagtungo ang dalawa, ngunit sumunod dito ang lima pang bata.

"wag niyong sabihing nag to tongit din ang mga magulang niyo?" wika nito sa iba pa

"ako po iniwan na ng nanay ko, siya po kapatid nila" wika ng isang bata

"siya siya, di na nga ako mag uusisa, a, miss pakainin niyo ang mga batang ito at ako na magbabayad" wika ni Jun sa tindera

"aba, ang bait niyo naman po, ang mga batang iyan e mga mandurukut" wika ng tindera

"wala na akong pakialam kung mandurukot sila, basta pakainin niyo, bigyan niyo niyan o, isang menudo, afritada, at pakbet , saka yung gata, o mga bata umupo na kayo at kumain kayo"

Nagmamadali ang mga bata, gutom na gutom ang mga ito. Binayaran ni Jun ang nabili halos dalawang daang piso at iniwan na ang mga bata.

Pinagsabihan pa nito na wag na silang gumawa ng masama.Lumipas ang tatlong linggo, mas naging malaki ang potensiyal na maging Executive Vice President si Jun sa ipinakikita nitong sipag at tiyaga sa trabaho. Halos sa planta na ito matulog sa kasipagan, hangang hanga naman si Donna kay Jun, na kung ilang ulit na rin itong nagdadala ng pasalubong sa huli. Tila nanunuyo na ang binata. Napansin na rin ito ng ilang taga opisina.

"Hay Donna, si Mr Right na ba yan?" biro ni Thess

"ewan ku ba, parang natutuwa na ako kay Sir e""napansin ko nga panay na ang hintay mo sa kaniya pag dumarating e, at hinahatid ka pa"

"naku twice lang niya ako naihatid a, at siya ang nagsabi hindi ako"

Sa labas ng opisina ay kausap naman ni Jun si Engr. Andy

"congrats pare, ikaw na ang EVP you will deserve it" wika ni Andy ng mag pang abot sila sa planta.

"pare, di pa tapos ang labanan, sa totoo lang di ako nakikipag kumpitensiya, nagtratrabaho lang ako, sa tingin ko ikaw ang karapat dapat, mas matagal ka sa akin, board passer, samantalang ako ay hindi"

"alam ko ,pero kahit Board Passer ako, iba ang diskarte mo, magaling ka, pwede ka ngang mag board at tiyak papasa ka try mo at at mag Masters, kabisado mo ang mga paikot ikot sa office at maging mga tao malapit ka sa kanila, may anting anting ka yata"

"ha ha, di naman pare, oo nga pala, bukas e nasa Manila si Boss , pinapupunta ako doon para sa isang kliyente natin"

"kitam, ikaw talaga napupusuan ni Boss"

"may the best man win na lang pare, basta alam ko ikaw ang dapat na maging EVP"

Mag-aalas otso ng gabi sa bahay ni Jun ay may kumatok sa gate. Sinilip niya ito

"naku si pastor, bat kaya?" bulong nito

"pastor, napadalaw kayo!" pinatuloy nito ang Pastor

"nakalimutan muna yata ang pag bisita mo sa akin upang ma counsel kita"

"oo nga pala busy ako kasi last week , kumain na po ba kayo tara sa loob at mag gabihan"

"salamat iho, kumain na ako, gusto ko lang malaman kung may maitutulong ako sa problema mo, dalawang linggo kang di nakapg simba a" sabi ng Pastor

"a, ee oo nga po, medyo marami po ginawa sa planta pinasukan ko pa rin po. tara tara po pastor sa loob"

Tumuloy ang Pastor at nag-usap ang dalawa. Bago ito ay nanalangin sila sa Panginoon.

"Magpahinga ka iho, wag mong gawing trabaho ang linggo, iyan ang araw ng pamamahinga, iho, nasabi mo noon me problema ka , ano ba ang bumabalakid sa isipan mo?" tanong ng pastor

"Ganito po iyon, (bumuntung hininga at huminga ng malalim) Pastor, ako po ay matiyagang tao, nagtrabaho sa iba't ibang kumpanya, iba ibang posisyon, hanggang sa makuha ko ang swerte ko bilang empleyado ng isang malaking kumpanya kung saan ako nagtratrabaho ngayon""maganda iyon iho, yan ang biyaya ng Diyos sa matiyagang katulad mo basta wag ka lang makalilimot sa Kaniya, ibalik mo ang biyaya at dadagdagan Niya ito" wika ng Pastor"nagsimula po ako sa isang Janitor noong mga 17 pa po ako, mensahero, at naging clerk, naging katiwala at naging purchaser. Naging draftman din po ako at naging fireman sa construction hanggang naging Project Coordinator"

"maganda, marami kang naging trabaho ,kaya pala napag-aral mo ang sarile mo, saan ka ba nagtapos siguro sa gabi ka nag aaral"

"Pastor iyan po ang isang kasalanan ko, ako po ay hindi nakapag-aral ng kolehiyo"

"ha! paano ka naging isang empleyado ng malaking kumpanya!?"

"pineke ku po lahat ng dokumento ko, transcript, Diploma at nag-aral ako sa sariling sikap ng mga Engineering Books""magaling ka, ngunit nakapnloko ka ng tao, paano kung malaman nila yan, tiyak na masisibak ka sa trabaho""ito pa nga po ang problema, ako ay running for EVP, ngunit di ko po ito matatanggap, nakukunsensiya na po ako, simula ng makarinig ako ng mga aral sa Bibliya"

"simple lang ang problema mo, ipagtapat mo sa iyong Boss ang totoo, kung ano ang desisyon niya ay tanggapin mo, kailangan maging handa ka, tao lang tayo kaunting buhay sa daigdig, kaunting pakikipagsapalaran, magpakatotoo ka"

"gusto ko nga pong kausapin ang amo ko sa mga ginawa kong kalokohan, handa na po akong matanggal sa trabaho"

"di ba nila na trace na di ka nakapag aral?" tanong ng Pastor

"bilib po sila sa akin, alam ku po ang lahat, Strength of Materials, Structural Analysis at iba pa"

"kung ako sa iyo Bro. Jun, mag-aral ka baka makuha mo lang iyan sa maikling panahon, matalino ka at walang edad ang pag-aaral" paliwanag ng Pastor

"pag-iisipan ku po pastor bukas ay ihahanda kuna ang aking sarili, luluwas po ako ng Maynila upang kausapin ang aking Boss"

"umaasa akong tutulungan ka ng Diyos sa desisyon mo" sabi ng Pastor

Nanalangin ang dalawa bago nagtapos. Nagkape muna ang Pastor at nagpaalam na kay Jun. Bukas ay may panibagong buhay na kakaharapin si Jun.KInalimutan niya na ang pagiging EVP kung sakali, gusto niya ng mabuhay ng payapa at walang panloloko. Gusto niya na ring ipagtapat kay Donna ang lahat. May lihim na pagtingin na siya sa babae. Kung di man siya matanggap nito ay tatanggapin niya ito ng maluwag sa dibdib.

Maagang umalis si Jun patungong maynila, mag aalas 8 ng umaga ay nasa Balintawak na siya. Dumiretso siya sa Makati at nagtungo sa Dads Resto kung saan magkikita. Doon ay sinalubong siya ni Donna na sekretarya ni Don Enrico.

"hi Donna, si Boss nandiyan na ba?"

"oo naman kasabay niya ako, pinagmaneho kami ni Lucio yung company driver"

"kumusta ka na?'"heto cute pa rin hi hi hi"

"oo nga maganda ka sa kasuotan mong pula Pebrero ba ngayon?"

"kaw naman sir nagbibiro ka na naman"

"joke lang, teka nasaan si Boss"

"nasa gawing dulo pina reserve niya, waiting sa mga kausap niyo"

"sige pupunta na ako doon, maiwan na kita"

"hindi a, ikaw nga ang pinahintay sa akin ni Boss bale susunduin kita tara na sir Jun"

Pumasok ang dalawa. Nakita nila si Don Enrico, nagkakape ito.

"maupo ka iho, kanina ka pa ba?" sabi ng Don

"kadarating lang Boss, anong oras po ang dating ng mga client natin?"

"heto nga ang masama, hindi sila nakarating, di naman kita agad na itext para masabihan alam ko e nag prepara ka nang lumuwas""ganun po ba, kung gusto niyo po babalik ako agad sa planta para maasikaso ang ibang trabaho"

"wag wag na, didiretso tayo sa Condo ko diyan sa Washington, maliit lang iyon pero maganda naman mga 15 minuto mula rito"

Matapos mag agahan ay nagtungo nga ang apat sa Condo ng Don. Sinabihan niya si Donna na mamili ng ibang kakailanganin sa opisina kasama si Lucio. naiwan ang dalawa sa Condo.

"scotch on the rocks Jun?" alok ng Don"sige po sir di po ako umiinom"

"ow, common, sige na kahit kaunti, alam ko namang nakainum ka na ng alak kahit kaunti noon di ba?"
"noong high school po sir"

"e nung college?" tanong ng Don

"a... eee. kunti rin po nakainum din"

"e di try mo ito, Red Label medyo mura nga lang ito sa favorite ni erap na blue label pero me kamahalan na rin"Inabot ng Don ang kupita kay Jun.

"ikaw na maglagay, base sa kaya mo, alam mu ba kahit di ako relihiyoso alam ko ang alak ay nasa Bibliya, ayon sa 1 Timothy 5:23 uminom ka ng kaunting alak di lang tubig di ba alam mo yan?"

"opo sir" sagot ni Jun

"halika at maupo tayo sa office ko may sasabihin ako sa iyo"

Pumasok ang dalawa sa kwarto, inihanda ang ilang papeles na nasa folder.

"alam mo Engr. Jun, wala akong client ngayon, I just want to talk to you personally regarding your position in the company""a... yes sir"

"forgive me na niloko kita na me meeting tayo with the client. alam mo naman dati rin akong manloloko, sa business kahit paano dapat mautak ka, sa Pinas hindi lahat ng kumpanya ay nagbabayad ng Tax, nireretoke nila ang kanilang mga dokumento"

"may I interrupt Sir?" wika ni Jun

"ok go ahead"

"sir, may kinalaman ba ang pag-uusapan natin sa ipapalit niyo bilang EVP?"

"yes"

"may irereveal po ako sa inyo, sana po maintindihan niyo"

"ok"

"sir di po ako karapat dapat na maging EVP, I want Engr Andy to handle that position"

"bakit mo naman nasabi iyan?"

"nakakilala po ako sa Panginoon mag-iisang taon na at sa mga narinig kong mga mensahe ay taliwas na ito sa aking mga ginagawa"

"bakit you did something wrong tell me?"

"di ko po masabi Sir masyado akong mahihiya" yumuko si Jun

"engr. Jun drink first your whisky please"Sumunod si Jun at bumalik sa pagkakayuko.

"may ikwekwento ako sa iyo, isang lalaki ang biniyayaan ng isang angkang mayaman, ngunit di niya ito sinamantala. Pinagaral siya ng mga magulang niya ngunit laging bagsak sa klase. Naging siga at basag-ulo ang hanap. Sugal , babae alak at iba pang mga bisyo ang kaniyang naranasan.Naglayas siya at pinabayaan na ng kaniyang mga magulang ngunit nandoon pa rin ang suporta nila kung kinakailangan. Hanggang isang araw, ay nagising siya sa katotohanan. Di siya nagtapos ng kolehiyo at matanda na siya tumigil siya sa second year college. Matalino naman siya at namasukan, na promote at nag resign rin upang makakuha ng mas malaking posisyon sa trabaho. Gumawa siya ng mga paraan upang malaman siya ay karapat dapat sa posisyong ito. Hanggang makilala siya ng mga matatalinong kaibigan at gumawa ng isang maliit na negosyo.Hanggang sa swerte ay naipatayo niya ang isang kumpanya. Ito ang ESCO, at ang taong iyon ay walang iba kundi ako"

"si...sir, kayo po iyon, ang galing po ninyo"

"magaling ka rin Jun""sir, sasabihin ko na po sa inyo ang totoo, ako po ay hindi.."

"sampung taon na ang nakalilipas Jun, alam kong hindi ka pumasok sa College" wika ng Don

"ha! si..sir alam niyo po?"

"matalino ako Jun, alam na ng HR Head natin yun, it's between her and me ay sinekreto namin yun, humanga kami sa galing mo e, samantalang ang iba Board Passer pa nga pero di kaya ang pagiging smart mo, higit ka pa sa nakapag aral Jun"

"patawarin niyo po ako Sir, nanloko po ako ng tao, sampun taong panloloko, ang laki ng kasalanan ko"

"naging manloloko rin ako noon Jun, akala ko nga walang taong makagagaya sa akin meron pala ha ha ha"

"sir sorry po , halos wala akong mukhang maiharap sa inyo ngayon"

"tumingin ka sa akin Jun mata sa mata, heads up" wika ng Don at sinalinan pa ng alak ang baso ni Jun

"ok, Jun, tanggapin nating niloko mo ako, pero hindi ang trabaho mo, I expected more from you noon, pero pinahanga mo ako at nilagpasan mo pa ang expectation ko, isa kang magaling na tao, ang mga papeles na ito ang Data mo, ang Diploma, Transcript at mga Honorary Certificates ay narito, kung titingnan mo ay pawang mga totoo, ganun pa man ay na hire ka namin at di pinaalam na alam namin ang lahat"

"sorry po sir"

"sa aking pag-aaral sa trabaho niyo between you and Andy, you've won, pero Jun I want Engr. Andy to handle the job, siya ang ating magiging EVP ng ESCO"

"yes sir siya po ang karapat dapat"

"I want you on vacation Jun, sasabihin kong pinag leave muna kita kung ano reason bahala sila mag-isip at si Andy ang nagwagi sa inyong dalawa sa mata ng mga manggagawa"

"tatanggapin ko po sir"

"ok this conversation is over, mauna ka sa office sa Bulacan, magpakita ka sa opisina then you can go home ok, tatawagan na lang kita sa cellphone"

"ok sir thanks sir"Lumabas ng Condo si Jun, di siya nanlulumo, may luwag sa dibdib ang kaniyang pakiramdam. Nahimasmasan na siya ngayon. Dalawang oras ang kaniyang biyahe at nakarating na siya sa planta. Alas singko ng hapon ay bumalik na siya sa kaniyang bahay. Dama pa rin ang init ng whiskey na kaniyang nainom. Nakatulog siya sa sofa nang magising siya sa isang katok. Binuksan niya ang pinto noo'y mag aals otso na ng gabi.

"Do... Donna! bakit ka naparito?"

"inutusan ako ni Papa, na ibigay ang dokumentong ito at may sulat diyan sa loob"

"Papa, teka di ko kilala ang Papa mo, halika tumuloy ka muna sa loob"

"wag na nagmamadali kami, may pupuntahan kami ni Lucio inutusan kami, basahin mo na lang ang sulat diyan sa loob, sige sir bye"

Dalidaling pumasok si Jun alam niyang ang mga pekeng dokumento niya ang laman ng envelope. Binuksan niya ito at unang nakita ang liham galing kay Donna. Binasa ang liham

"sir Jun si Don Enrico ay Papa ko, anak niya ako sa isa sa mga naging babae niya sa Golf Club sa manila. Siya nagpaaral sa akin. Alam niya rin na may gusto ka na sa akin. Sinikreto lang namin ang bagay na ito. Alam kong may pagtingin ka sa akin, at ganun na rin ako sa iyo. Na develop na ako sa mga panunuyo mo sa akin, Von Voyage sir hihintayin ko ang pagbalik niyo"

"Von Voyage, ano ang ibig sabihin nito" bulong ni Jun at binuksan ang iba pang dokumento. Wala rito ang kaniyang mga pekeng dokumento. Isang sulat ang kaniyang binasa.

"Jun, nagpasok ako ng pera sa account mo, gusto kong ayusin mo ang iyong pasaporte at mga iba pang papeles, I want to go to USA at isasama kita, mag file ka ng application sa Embassy with these supporting documents attached, business related. Pagdating doon, ay aayusin ko ang papers mo, mag-aaral ka with my own expenses. Gusto kong maging masaya kayo ng anak ko kung siya ang magugustuhan mong pakasalan. I want to see you next week with development sa mga lalakarin mo. Good Luck"

Naluha si Jun, nagdasal ito ng taimtim at tuluyan ng nakatulog.Linggo, masayang nagkakantahan ang kongregasyon sa simbahan nila Jun. Nagtatalon si Jun sa pagpalo ng cymballs at iba pang instrumento. Binati siya ng Pastor at pinagkakamayan ang lahat ng naroon. Matapos ang sermon ay nakita niya si Edith na taga Recto.

"sir Jun!" sigaw ng huli

"oy Edith kumusta na""ikaw ha dati di mo ko kilala a, taga diyan lang ako nagbagong buhay na ko di na palsipikadera ha ha ha, kumusta ka na?"

"heto masaya sa simbahan pasensiya nung una ha, wala lang ako sa mood saka di kita nakilala e"

"hoy, tanda muna a, me asawa ka na ba?"

"Malapit na baka sa isang taon kakasal na ako"

"hoy invited ako a, kunin ko number mo, siyanga pala saan ka nagtratrabaho?"

"a, e,, mag aabroad ako, baka doon ako makakuha ng work, sideline sideline lang ako dito"

"oo nga wala rito sa Pinas tatanda kang paurong, botohan pa nga ngayon at panibagong mga corrupt na naman ang magiging lider , ikaw sino ba iboboto mo?"

"e di yung dati"

"dati na taga dito e kurap yun e" bulalas ni Edith

"lahat naman kurap e, kaya pipili ka na lang ng mas magaling sa mga corrupt na yun ha ha ha"

"ikaw talaga hanggang ngayon pabiro ka pa rin"

"joke lang, ganito na lang pumili ka ng kandidatong malapit sa Diyos kahit di siya manalo at least malinis ang kalooban mo sa pagboto"

"may punto ka Sir jun sige aalis ka pa yata e"

"oo uuwi na ako maraming labahan e"

"bilisan mo kasi mag asawa para me taga laba ka ha ha ha" biro ni Edith

Mag aalas singko na ng hapon. Nakita ni Jun ang ganda ng paglubog ng araw sa kanluran. Huminto ito at humarap sa bukirin, pinagmasdan ang ganda ng araw at bumulong sa sarili.

"Bukang liwayway bukas, panibagong buhay para kay Jun Balbuena, Ang lihim ay wala na, at ito ay akin ng pakakawalan sa baul, salamat Panginoon sa kalakasang ibinigay mo sa akin"


WAKAS
posted by Mannydgreat at 6:23 PM 2 comments