Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986

Martes, Pebrero 3, 2009

THANK GOD IT'S FRIDAY

Maganda ang trabaho ng mag-asawang Cely at Rafael. Biniyayaan sila ng isang anak na babae na nasa anim na taong gulang na ngayon. Isang Trade Manager si Rafael sa isang Personal Care Products samantalang si Cely ay isang Secretary ng malaking kumpanya. Mahilig sa inuman si Rafael lalo na kapag sumasapit ang araw ng biyernes at walang pasok kinabukasan. Si Cely naman ay paminsan-minsang di nakakauwi sa dami ng trabaho sa opisina. Ang nanay ni Cely na si Aling Berna ang naging yaya ng kanilang anak.

Maganda si Cely, mukhang dalaga pa ito sa kaniyang pananamit at itsura. Gwapo pa rin naman si Rafael. Nagplaplano silang mag-asawa na bigyan ng kapatid ang kanilang panganay ngunit naging balakid ang kanilang pagkabisi sa trabaho. Isang araw ng biyernes ay dumating ng lasing si Rafael sa kanilang bahay. Nabuksan niya ito sa kaniyang dalang susi. Pumasok siya sa silid at niyakap niya ang nakahigang katawan sa kama, hinalikan at pagkaraka'y nag-alab ang kanilang damdamin. Naging masaya ang kaniyang pagtulog sa silid na iyon.

Kinabukasan, masarap ang gising ni Rafael sa kanilang magulong kama.
Nakita niyang naka uniporme pa ang kaniyang misis na naghahanda ng almusal.

"o papasok ka ba, walang pasok a, sabado di ba?" wika ni Rafael

"kadarating ko lang ano, doon ako natulog kina Jane kasi alas 3 madaling araw na kami natapos sa accounting sa opisina, alanganin na ang pag-uwi, sorry Dear ha dami kasi ng pagbabalanse namin sa account e, minsan lang naman iyon"

Sandaling natigilan si Rafael at napatingin sa ina ni Cely sa labas na nagdidilig ng halaman at pasipol-sipol pa.


ARAL: HUWAG UMUWI NG LASING NA LASING
posted by RCGoCreations at 10:33 AM

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home