Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986

Miyerkules, Pebrero 4, 2009

ANG ILOG SA SAN ROQUE

Nanunuyo si Ramon sa kaniyang iniirog na si Maria, kasama niya ritong dumating upang manuyo rin si Berto at Johnny. Sa tatlong manliligaw ni maria ay tanging si Ramon lamang ang mahirap ang pamumuhay. May auto si Johnny samantalang may motor naman si Berto kung dumarating sa tahanan nila Maria. Nakukuha naman ni Ramon na maglakad ng tatlong kilometro kung sasadyain niya ang dalaga.

Isang araw ay inaya ng ama ni Maria ang tatlong manliligaw ng anak sa kabilang baybay San Roque sampung kilometro mula sa kanilang tahanan. May ilog dito na may 40 metro ang luwang na kadugatong ng dagat sa kabilang bundok. Kinausap nito ang tatlo.

"mga anak, ako ay may pagsubok sa inyo, kung talagang mahal niyo ang anak ko ay gagawin niyo ito"

"opo!" sagot ng tatlo

"sa kabila nitong ilog pagtawid ay may bulaklak ng orkidyas, ito ay inyong kunin at ibigay sa aking anak na dalaga, magugustuhan niya ito, ang sunumang makakuha ay malaki ang tyansa na makaisang dibdib ng aking anak. Kung patas ang labanan ay humanda sa isa pang pagsubok"

"kaya po namin iyan" sagot ng tatlo

"nga lang e me balakid, ang ilog ay di pwedeng gamitan ng bangka, at delikado ring languyin, kayo gawin niyo ang inyong makakaya" paala-ala ng matanda


Sandaling nag-isip ang tatlo. At naibulong nila sa sarili:

Berto: baka may buwaya at mapatay ako kaya delikado, marami namang babae diyan saka na lang ako susubok ng iba" (bulong nito)

Nagpaalam si Berto sa matanda na hindi niya kaya ang unang pagsubok at malugod na tinanggap niya ito.

Johnny: Bakit kaya delikado, wag na lang baka ikapahamak ko pa sayang ang buhay ko. (bulong nito)

Nagpaalam si Berto sa matanda na hindi niya kaya ang unang pagsubok at malugod na tinanggap niya ito.

Minanmanan naman ni Ramon ang ilog. Tahimik ang agos nito ngunit magalaw ang tubig. Makalipas ang sampung minuto ay tinawid niya ang dose pulgadang lalim ng ilog ng sa pamamagitan lang ng paglalakad at nakuha niya ang bulaklak. Kinabukasan ay ikinasal ang dalawa.

Natuwa ang matanda sa galing ni Ramon, di siya nagkulang ng paala-ala sa dalawang sumuko sa pagsubok. Tama naman siya at delikadong languyin ang ilog sapagkat mababaw ito at masusugatan ang mga tuhod at braso sa ilalim, di rin pwedeng gamitan ng bangka sa kadahilanang sasayad ito sa ilalim.

ARAL: Pag-aralan ang lahat ng pagsubok na gagawin bago magdesisyon
posted by RCGoCreations at 10:34 AM

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home