Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986

Sabado, Pebrero 7, 2009

ANG MANLALAKBAY

kailangan mo ng isang tahimik na lugar, dito ay maisasagawa ang isang ritual na paraan kung saan hihiwalay ang iyong kaluluwa sa nakahiga mong katawan. Maglalakbay ito kahit saan mo gusto. Saan mang nais mong puntahan. Magagawa ang lahat ng di ka nakikita ninuman. Ang iyong katawan ay mananatiling nakahiga at kung ikaw ay babalik na rito ay sasadyain mo uli ito at sasanib muli upang mapanumbalik ang iyong katauhan.Ito ang nilalaman ng binabasa ni Michael na aklat base sa paghihiwalay ng kaluluwa sa katawan. Nais niyang gawin ito upang maisakatuparan ang kaniyang mga balak.

"masisislipan ko si Merle habang naliligo hi hi hi, makikita ko ang secret ni Lani, makakapasok ako sa mga hotel upang mamboso he he he" isip ni Michael

"pare delikado yang gagawin mo e kung di ka na makabalik at mamatay ka ng tuluyan" payo ni Rudolf na kaibigan nito habang kausap sa telepono ang kaibigan

"pare its a matter of adventure, i will travel saan man sa mundo ika sa aklat" sagot ni Michael

"oo nga but its weird pare parang mahirap gawin kung gusto mo ikaw na lang"

"bahala ka pare, hayaan mo bibisitahin kita kapag naliligo ka na para naman makita ko bulitas mo ha ha ha!"

"luko-luko ka talaga, decision mo yan so go for it!"

Nag-isip si Michael ng lugar kung saan gagawin ang ritual.

"sa isang gubat ako pupunta o bundok, maybe sa Mt. Apo or Banahaw, sa lugar kung saan tahimik at bihirang marating ng tao" bulong ni Michael


Nag leave si Michael sa kaniyang trabaho. Naghanda siya ng mga gamit patungong Mt. Banahaw malapit kasi ito sa maynila. Dito ay isinagawa niya ang ritual. Nahiga siya sa ilalim ng puno. Tahimik ang paligid tanging ibon lang ang maririnig at galaw ng mga dahon ng puno. nagdasal siya ng taimtim base sa nakasaad sa aklat at makalipas isang oras ay nakaidlip. Magtatakip-silim ng makita niya ang kaniyang katawan na nakahimlay habang lumilipad ang kaniyang kaluluwa papaitaas.

Naglalakbay na ang kaniyang kaluluwa. Napagtagumpayan niya ang ritual. Tuwang-tuwa siya at nakalilipad siya ng mabilis at mataas. Tinungo niya ang kanilang lugar.


"hi hi hi!, ang laki pala ng kay Merle, ha ha ha Rudolf jutay ka pala he he he, hi Lani ang ganda mo pag natutulog"

Pinasok niya ang mga hotel.

"ha ha ha ang gagaling niyo marami akong natutunan!"

Napansin niya ang kalangitan. Minsan na ring siyang nangarap na maging astronaut noon bata pa siya.

"lilipad ako pupuntahan ko ang mga planeta he he he"

Nakarating siya sa itaas, pinagmasdan ang ganda ng solar system. Umikot pa siya sa iba't-ibang mga bansa.

"ha ha ha hindi ito panaginip ito ay totoo, ang saraaaap!!!!"

Makalipas ang mahabang oras ng paglalakbay ay bumalik na si Michael sa bundok kung saan nakahimlay ang kaniyang katawan. Labis siyang nagtaka sa nakita. Ang kulay berdeng kagubatan ay nabahiran ng kulay lupa. Mabilis na tinungo niya ito.

Isang landslide ang nangyari. Umulan sa kagubatan at sa parteng iyon ng bundok kung saan nakahiga ang kaniyang katawan ay naguho ang lupa. Bunga na rin ng ibang taong malupit sa kalikasan sa pagpuputol ng mga puno. Nadamay ang isang barangay sa ibaba. Nagbuwis din ng buhay ang karamihan. Natulala si Michael sa nangyari. Nabaon na ng buhay ang kaniyang katawan sa lupa. Napakalalim nito upang makuha pa.

"hindeee!, katawan ko tulungan niyo katawan ko!!!"


Bingi ang karamihan sa mga taong naghahanap ng mga survivor sa guho. Di siya naririnig ng biglang:

"pare, tara humawak ka sa akin" wika ng isang lalaki

"pare, tulungan mo ako!" wika ni Michael

" oo pare hawak-hawak tayo aalis na tayo dito, mga kasama tara na!!!"

Sabay-sabay na pumaitaas ang mga kaluluwa ng mga nabaon sa guho kasama ang kaluluwa ni Michael.
posted by RCGoCreations at 11:05 AM

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home