Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986

Martes, Pebrero 10, 2009

ANG PARAMDAM

Tinatahak ni Kasuto ang isang malaking daan sa Ibarake Ken, sa bansang hapon. Gamit ang kaniyang malaking Pajero ay sinagasaan nito ang malakas na ulan. Napakalamig ng panahon kung kaya't binuksan niya ang kaniyang heater sa loob. Sa tuwing magdaraan siya rito ay pangkaraniwan na sa kaniya ang multo na nagpapakita sa likuran ng sasakyan na nakaupo. Di niya ito pinapansin hanggang sa makalipas ang limang minuto ay tuluyan na ring mawawala. Dalawang beses isang linggo magpakita sa kaniya ang nasabing multo.

"anak ng pating eto na naman siya sa likuran ko" bulong ni Kasuto

Sinubukan niyang kausapin ito. "taga saan ka miss?"

Di ito sumagot.

"bakit ayaw mong magsalita?" at napansin niyang unti-unti itong naglalaho hanggang tuluyang nawala.

"sus, natakot sa akin ang multo ha ha ha, ganito talaga sa bansa ko maraming kaluluwang ligaw, buti na lang at di kami naniniwala sa kaluluwa, ang alam namin ay ang mundo ang paraiso at kung malasin ka rito ay wala na tapos na, kung kaya't nauso harakiri rito pag nalugi sa negosyo, magpapakamatay na lang"

Hindi naniniwala si Kasuto sa multo, pangkaraniwan na ang pagpaparamdam sa kaniya. Tila isa lang itong usok sa kaniya na pinangarap niyang kausapin.

"hindi naman aabot ako sa ganuong sitwasyon, maganda trabaho ko at makakapag-asawa na rin ako sa susunod na taon, hindi ako mag papakamatay, bagkus ako ay magpapakasaya sa mundo"

Nang sumunod na araw ay maulan pa rin, nagpakita na naman sa kaniya ang multo.

"miss o misis o ate, bakit may kailangan ka sa akin he he?"

Ganoon pa rin ang nangyari, nawala itong parang bula.

"hay wag kuna nga pansinin yun"

"bakit di ka naniniwala sa amin?" wika ng multong babae

Kssssst!!!!!!! (preno ng sasakyan)

Nagulat si Kasuto, biglang hininto niya ang sasakyan at lumabas dito.Sandaling nagulantang sa nangyari.

"sus, nagsasalita pala yun kinabahan ako ha"

"brod, bawal dito huminto" wika ng isang lalaking may kasamang matanda

"pasensiya na may nagpakitang multo e"

"naniniwala ka ba roon?"

"hindi a, umihi lang ako kaya ako huminto"

"pangit na ugali ang pag-ihi sa labas wala sa kaugalian natin yan"

"pasensiya na sir" wika ni Kasuto at pumasok uli sa sasakyan, habang nilinga sa side mirror ang dalawang tao na kausap niya na basang-basa sa ulan.

"anak ng!! nawala , aba iba na to, kinukutong lupa na ako a"

Napansin niyang maraming tao sa kaniyang dadaanan. May ambulansiya narin na umiilaw.

"may aksidente na naman basa kasi ang daan"

Huminto siya at nagusyoso. Hindi siya makapaniwala sa nakita.

"aba, ito ang mag-ama kanina nakausap ko, patay sila sa aksidente, ibig sabihin multo na sila"(nginiiig)

Nakita niya ang nakabangga sa mag-ama, isang Pajero na kapareha ng sasakyan niya. Buo ang likuran nito. Kinabahan siya sa nakita. Tinungo niya ang unahan ng sasakyan na bumangga rin sa isang malaking bato, marahil sa pag-ilag sa tumatawid na mag-ama.

Nagulat siya sa nakita, ang driver nitoy patay na at ang kaniyang katawan ay nahati sa dalawa sa pagkakaipit sa wasak na wasak na unahan ng sasakyan. Nakita ni Kasuto ang kaniyang sarili sa katauhan nito, maya-maya pa ay:

"naniniwala ka na siguro, kasi kasama ka na namin, halika na" wika ng babaeng nagpapakita kay Kasuto.

"hindeee! hindi ako patay hindeee!!!!" sigaw ni Kasuto
posted by RCGoCreations at 11:10 AM

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home