Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986

Huwebes, Pebrero 12, 2009

JERUSALEM, ISANG PAMBIHIRANG SIYUDAD

Tinapos ni Suleiman ang pader ng Jerusalem 400 taon na ang nakararaan, isang bahagi ng bansang Israel. Ang halos isang milya kwdaradong sukat nito ay may halos 27,000 taong iba -iba ang relihiyon. Dito matatagpuan ang apat na uri ng mga sekta sa iba't-ibang sistema ng pagsamba. Una ang "the Dome of the Rock" o ang ikatlong banal na lugar ng mga Islam sumunod sa Mecca at Medina. Dito ang Muslim Quarter. Pangalawa ang Western Wall or Wailing wall na tinatawag na Jewish Quarter. Dito sumasamba ang mga Hudio. Pangatlo ang Church of the Holy Sepulchre na itinayo ni Constantine the Great para sa mga Kristiyano. Ito ang Christian Quarter. At ang pang-apat ay ang Cathedral of St. James para sa mga Armenian Quarter.

Masalimuot ang naging buhay ng mga taga Jerusalem, nguni't ito ay ang Lupang Pangako alinsunod sa binitiwang salita ni Hesu-Kristo noong siya ay nabubuhay pa. Maraming nanakop na bansa rito kung kaya't iba-iba ang naging uri ng tao at paniniwala. Sinakop na ito ng Persia o Iran ngayon at pinatay ang mga tao at ang iba ay ginawang alipin sa kanilang bansa. Ngunit ng magdigmaan ang Mesopotamia o Iraq ngayon laban sa Persia ay nanaig ang una at ibinalik ang mga Hudio sa kanilang bansa.Isa na rin ang mga Romano noong 70 AD na nanakop dito. Nasakop rin ito ng Britanya sa pamumuno ni Sir Edmund Allenby noong 1917 hanggang 1946. Dito nabigyang pagkakataon na makabalik ang mga swerteng nakaligtas na Jews sa pagmamalupit ng mga Aleman mula sa Europa.

Noong 1947, isinaayos ng United nation o Nagkakaisang Bansa ang pagpapalaya sa siudad ng Jerusalem. Sinangayunan ito ng bansang Britanya at noong May 14, 1948 ay ganap na isiniwalat ni David Ben Gurion ang kanilang kalayaan at pagkakatatag bilang isang estado ng bansang Israel.

Isang araw lang ang lumipas ay nagkagulo na ang mga katabing bansa nito. Ayaw nilang maging ganap na malaya ang Jerusalem kung kaya't namayani sa pananakop ang bansang Jordan na namuno sa halos 19 taon.
Taong 1967 sa pangunguna ni Defense Minister Moshe Dayan na isang Hudio o Jew ng dumating ito sa Western Wall. Inukit nito sa pader ang katagang" naway ang katahimikan ay makarating sa mga Hudio" ay nabawi nila ang Israel sa Jordan.

Mas kilala ang Jerusalem para sa mga Jew O hudio. Noong panahon pa ni Hesu-Kristo ay namalas na natin ito ng ipapako nila ang bumabang Kristo.May haka-hakang kaya ipinapatay ni Adolph Hitler ang mga Hudio sa Europa ay sa dalawang bagay. Una ang pagmamalupit ng mga Hudio ng ipapako sa krus si Kristo na ikinagalit ni Hitler bilang isang kristiyano at pangalawa ay ang pagkainggit sa mga hudio sa pagiging masipag sa negosyo. Nguni't ang mga iyan ay di pa tiyak. Lingid sa kaalaman ng lahat ang mga Hudio ay di pa naniniwalang ang Hesu-Kristo ang bumabang Diyos ng sangkatauhan. Di nila inaasahan na ang isang makapangyarihang Diyos ay ipapako lamang sa krus at maghihirap. Hanggang ngayon ang mga Hudio ay naghihintay ng pagdating ng isang makatotoong Diyos. Isang matipuno at matapang at di padadaig kaninuman. Isang Diyos na di ipapako sa krus. Ngunit sa paniniwalng ito, ang mga tao sa Jerusalem ay kinasihan ng pagpapala na sila ay maliligtas sapagkat sila ay para sa Diyos sa pagkakatira nila sa Lupang Pangako.

Marami ng bansa ang sumakop sa Jerusalem ngunit di ito nadadaig ng tuluyan. may kung anong kapangyarihan ang bansa na pumuprotekta dito.
May nagplanong bombahin ang "Walled City" ngunit biglang nasira ang eroplanong magbabagsak nito, mag nagsabing handa nang sirain ang pader ngunit di gumana ang mga kanyon.

Ang Lupang Pangako na Israel at ang Pader ng siyudad ng Jerusalem ay isa ng palaisipan para sa atin. kayo na ang humusga.
posted by RCGoCreations at 11:11 AM

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home