Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986

Linggo, Pebrero 15, 2009

ISANG GABING BANGUNGOT

Isang eksena sa Muntinlupa Bilibid Prison.


"kosa, mag pitong taon na ako dito, boring na" bulong ni Pepeng Tattoo

"ano magagawa natin sentensiyado tayo, tanggapin natin ang kapalaran natin" tugon ni Boy Tusok

"wala ka bang planong tumakas pare, tutal habang-buhay ang sintensiya natin lumaban na tayo sa natitira nating buhay, di pa tayo maparulan"

"para tayong magpakamatay Pepe, delikado"

"ako kaya kong gumawa ng paraan, magpapayat lang ako at di kumain ng sapat sa isang linggo sabay pahid ng mantikilya sa katawan ko makakalusot na ako sa rehas pag dumulas"

"e paano ang gwardiya"

"patay kung patay na Boy, wala ng sabi-sabi, agawin ko baril tapos putok kahit sino sa kanila"

"malawak ang pag-iisip mo Pepe, hanga ako sa iyo, kaso ng mahuli tayong nang hi-jack ng trak at nakapatay ng tatlo, di na ko bilib sa iyo, sabi mo walang parak sa lugar na iyon"

"aksidente pare talagang walang nagpapatrol doon nagkataon lang isa pa di tayo nagpatumba sa tatlo ang nasirang si Nunoy Gripo lang ang nakapatay sa mga iyon na minalas na napatay ng mga parak nadamay lang tayo, pare sige na magplano tayo, miss ko na pamilya ko"

"pag-iisipan ko Pepe, miss ko rin naman ang anak at asawa ko, yun nga lang di na nila ako dinadalaw, mag 18 anyos na anak kong binata sa ngayon"

"sige pare tawagin mo ako pag may plano ka na matanda na tayo 40 na tayo ngayon dapat life begins at 40 ika nga, basta ang moto natin ay"

"patay kung patay" magkasabay na bulong ng dalawa

Makalipas ang isang buwan, nabuo ang kanilang plano, lulusot si Pepe sa rehas upang agawin ang armas ng guwardiya at iuutos na buksan ang rehas upang makawala ang iba pa. Isinagawa nila ito ng gabi sa kasagsagan ng tulog ng ibang mga preso.

"pare tutusukin kita, buksan mo rehas bilis!" mariing bulong ni Pepe ng makawala sa rehas habang tinutukan ang pulis ng baril na naagaw nito

"pare takas na bahala na sa labas, kayo mga kosa kung gusto niyo sumama takas na rin" dugtong pa ni Pepe habang nakatutuok ang baril na naagaw sa guwardiya.

"kosa ayoko sumama" wika ng ibang preso

'bahala kayo Pepe tara na"

Bang! Bang! putok ng isang guwardiyang nanakita sa kanila

"may pupuga!!!!" gising!!! sigaw nito

Mabilis ang mga pangyayari di tinamaan ang dalawa, sa kung anong swerte ay nakalusot ang dalawa sa bakod na bato gamit ang baril na kanilang pinaulanan ang mga pulis na nakaronda. Tinamaan ang isa sa paa. Ngunit malas na tinamaan si Pepe.

"pareng Boy mauna ka na iwan muna ako, kumusta mo na lang ako sa misis ko unnng!"

"pare, hu hu, pasensiya ka na, tutuparin ko hiling mo tatakas na ako"

"sige pare mag-iingat ka aghhh" at tuluyang namatay na si Pepe sa tinamong tama sa kaniyang dibdib.

Namatay ang isa pang pulis na tinamaan ni Pepe, dali daling kinuha ni Boy ang uniporme nito kahit duguan at dali-daling isinuot pagkuwa'y tumakbo sa labasan sa likod ng munti. Napansin siya ng isang pulis.

"pare me tama ka, wag kana sumugod!"

"okey lang to daplis lang ang mahalaga mahuli natin ang mga puga!"

Pumalayo si Boy dala ang baril na naagaw ni Pepe, nang makarating sa kabahayan ay tinapon niya ang baril sa bakanteng lote at nanungkit ng sampay sa isang bahay at isinuot.

Malayan na si Boy, bumiyahe ito ng maynila.

"pare, pasensiya na nadukutan ako, nakikiusap ako na makasakay ng libre sa iyo" pagsusumamo ni Boy sa tsuper ng jeep

"walang problema pare mabuti nga iyon nagpapaalam ka iyong iba diyan balasubas tumatakas na lang, parang takas sa bilangguan sa bilis kumilos" biro ng tsuper

Di nakaimik si Boy at nang makarating sa paroroonan ay nagpasalamat sa tsuper.

"pare eto ang bente baka wala kang pamasahe sa ibang sasakyan, pagarahe na naman ako mukhang pagod na pagod ka at gutom" wika ng tsuper

"salamat pare makakaganti din ako sa iyo ng utang na loob balang araw" pasasalamat ni Boy

Habang tinatahak ni Boy ang kahabaan ng South Super Hiway malapit sa San Andres sa may riles ay naiisip niya si Pepe. Naiiyak ito sa nangyari.

"Pepe, hu hu san ka man naroroon salamat, mahal kita Pepe sa tagal ng ating pagsasama" bulong nito sa sarili

Isang tao ang sa likod niya'y biglang sumulpot.

"pare wag kang lilingon holdap ito amina pera mo" wika ng lalaking binatilyo habang nakaumang ang balisong nito sa tagiliran ni Boy

"pare, walang -wala ako bente lang ang pera ko"

"wala wala ka pa a, amina bente saka yang damit mo ang ganda imported akina yan hubad!!"

"pare maawa ka diyan lang ako nakatira"

"ulol taga diyan kilala ko mga taga rito, kahit amoy nila alam ko, hubad na sabi!"

Walang nagawa si Boy naghubad ito at nang makuha damit ay biglang sinaksak nito si Boy.

"agh ahh, wag maawa ka bakit!"

"pasensiya na para walang witness!" at tumakas na ang binatilyo

Malubha ang tama ni Boy, tinamaan ang puso nito.

"pare hintayin mo ako, di ko nasunod ang hiling mo patawad, magkita na lang tayo unnng!" at nalagutan na ng hininga si Boy

Samantala, ang mahiwagang binatilyo ay tuloy-tuloy na tumakbo sa looban. Pumasok ito sa isang iskwater at sa isang barung-barong katabi ng riles ay naroroon ang kaniyang ina.

"anak baka gumawa ka na naman ng kalokohan ha san ka ba galing" wika ng may sakit na ina na nakaratay sa banig.

"nay may bente po ako saka itong damit ng barkada ko "lacoste" mahal ito nay bebenta ko bukas para naman madalaw ko si tatay sa munti, mag tatlong taon na tayong di nakakapunta doon mula ng magkasakit ka, kawawa naman si tatay"

mabebeta pa ba yan anak, sige anak dalawain mo tatay mo ha ikamusta mo ako at sabihin mo ang kalagayan ko, pasensiya na kamo"

"nay kilala ba si tatay doon ano ba pangalan niya roon?"

"Boy Tusok anak, kilang-kilala siya roon.

"salamat inay, dadalan ko siya ng pagkain bukas miss ko na siya inay, sige po matulog na tayo"
posted by RCGoCreations at 11:22 AM

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home