Maikling Kwento By Manny Ison Batch 1986
Biyernes, Nobyembre 27, 2009
ANG BALIKBAYAN
Martes, Marso 3, 2009
SI BATAN
Pabalik-balik ako noon sa lungsod ng Baguio. Dito ang istasyon ng Dangwa Tranco na kung saan ka bababa at makasasakay ka agad patungo sa Irisan Hts sa Naguillan Road. Dito matatagpuan ang isinarang Baguio Military Institute na nooy paaralan din ng mga kadete pangalawa sa PMA. Isa sa mga nagbabantay dito ang tiyuhin ng aking ama na itinuring din naming lolo. Tuwing bakasyon at dinadala kami rito ng aming ama upang magpalipas ng isang buwan sa lamig at ganda ng tanawin ng lugar. Napakasarap isipin ang panahon ng iyong pagkabata sa lugar kung saan naglalaro ka sa mga tuyong dahon ng pino na tinatawag na "Saling", magpapadausdos ka sa mga burol at sa walang pagod na paglalaro ay tatawagin ka na lamang ng iyong lolo na "Mangan tayon" upang kumain. Kain tulog ika nga ang buhay bata. Kay sarap puntahan ang nakaraan.
"hoy Manding, ano ka ba, nangangarap ka na naman diyan pangiti-ngiti ka pa , baka isipin ng tao nasisraan ka, nandito na tayo sa baguio baba na tayo sa Bus at maghahanap pa tayo ng matitirhan" wika ni Tikboy na kaibigan ni Manding
"bakit di ba tayo pupunta sa BMI sa lolo ko?"
"hoy gising!!!! matagal nang patay na ang lolo mo at wala na kayong tirahan doon at 35 anyos ka na, baka nahahahanginan ka nagpunta tayo dito upang magbakasyon at humanap ng hotel na matutuluyan!"
"ha! ganun ba sus namalikmata nga ako, akala ko bata pa ako e, oo nga pala , laki ng pinagbago ng lungsod a ang dami pang tao" wika ni Manding
"bakit ilan taon ka bang di nabalik dito?"
"pare 20 years"
"20 years!!!! ganung katagal, anak ng pating, e parang bagong silang ka ngayon ako noong 2004 galing lang ako dito pang walo ko na itong akyat"
"ang yabang mo naman Tikboy, alam ko naman mapera ka e, kami wala"
"ha ha ha di naman, tara , nga pala sina Mike nasan na?"
"ikaw pala ang tutulog tulog diyan hayun sa baba o kumakaway asus, kaw pala rin namamalikmata" biro ni Manding
Habang naglalakad ay napansin ni Manding ang isang pulubi sa istasyon ng Victory Liner. Maliit na tao na nasa 60 na ang edad. Madungis at tila gutom na nagmamakaawa sa mga dumaraan.
"pare, di ba Igorot iyon?" wika ni Manding
"oo bakit kita mo naman sa itsura a yun nga lang damit westernize na ha ha ha" sagot ni Mike
"nagtataka lang ako kasi di ba sa kanila ang bundok na ito, bakit pulubi sila ngayon"
"ay naku pare ang dami mong tanong alam mo naman mga dukha ang mga iyan at mangmang kapag wala kang alam ngayon mahirap ka"
"hindi ang ibig ko lang sabihin bakit di binigyan ng gobyerno ng tirahan ang mga yan"
"binigyan ang mga yan kaso binibenta rin nila kasi nga wala silang pera, wala rin kasing trababo ang ilan sa kanila, di naman lahat ng Igorot ganiyan mangilan ngilan lang yang mga naghirap, me classmate nga ako nung college Igorot de kotse pa e"
"ganun ba , teka pare lilimusan ko naawa ako e"
"ikaw bahala, wow pare ang bait ni Manding Magiting ha ha ha" biro ni Mike
"manong ito po ang sampu ingat po kayo" tumango tango ang Igorot
"pareng Manding di marunong ng tagalog yan ilokano lang o kaya Ingles!" sigaw ni JonJon na katropa nito
"ganun ba! how are you sir, what's your name?"
"name? my name is Batan, thank you my friend"
"do you have children or family here?"
"yes they're now in Bontoc, they move to safer place"
"why, is Baguio not sa safer place?"
"Baguio no more space for us, grabbing all our lands gave us a little and not enough for us"
"pare tara na tama na yan mag aalas dose na check out na ng mga inmates dapat maka check in na tayo sa hotel!" sigaw ng grupo
"okey Batan see you soon nice talking to you"
"wow pare touching ka naman, bakit kaya di ka pumalit na host ng Kapwa ko mahal ko ha ha ha"
" o kaya pare mag abroad ka kaya CareGiver maghugas ng pwet ng matanda yun me tae tae ha ha ha"
"kayo naman naawa lang ako, alam mo naman me lahi kaming Igorot" malumanay na wika ni Manding
"Ha! me lahi kayong Igorot!" gulat na bulalas ng tatlo.
" ang tatay ng nanay ko ay isang kankana ey tubong Sagada" paliwanang ni Manding
"e malayo na yun, ilan salin lahi na pala e" wika ni Tikboy
"di pa rin ano alam muba na kahit makapitong salin lahi kayo nananalaytay pa rin ang dugo nila sa mga ugat mo"
"ganun ba yun pare, saan mo naman na research yan" tanong ni Lance
"e di ba ang kanunununuan niyo Tikboy mga panot e napapanot ka na rin" biro ni Manding
"ha ha ha!!!! hayun pala yun ikaw talaga Manding ha ha ha" bulalas ni Mike
"kayo ha, nagkataon lang MIS ako at puro PC nasa harap " wika ni Tikboy
"e ano ngayon ibig sabihin na radio active ka mahirap palang dumikit sa yo baka mapanot din ako ha ha ha ha!!" biro ni Mike
"tama na nga yan baka mapikon si Tik, pare joke lang ano nga pala saan ba tayo ha kanina pa tayo naglalakad giniginaw na ako" wika ni Manding
"tara dun tayo sa Hotel Venice malaki e, malapit pa sa Burnham tara folks double time" wika ni Tikboy
Nakapasok ang apat sa econo class. Sama sama na sila doon. Inayos ang mga damit at sandaling namahinga.
"pare dito sa Baguio hindi pahingahan kundi pasyalan, ang ibang tao dito natutulog o nag che check in pag gabing gabi na at check out uli kinabukasan, tayo apat na araw ang reserve natin pero di nangangahulugan na mag-iinuman lagi tayo dito," paliwanag ni Manding
"e ano assignment natin" tanong ni Mike
"anong oras na Tikboy?"
"mag tanghali na 15 to 12"
"o sige mag bihis kayo lalabas tayo at dun kakain , biyahe tayo ng Mines at Botanical at magsimba sa Cathedral pagkatapos nun e maghanap tayo ng Bar sa may Gandara ok ba sa inyo yun"
"okey na okey pareng Manding siyanga pala kelan ba tayo sa Strawberry Farm pupunta?" tanong ni Lance
"Lance ang Farm e laging nasa huli iyon kung uuwi na kasi kung bibili ka ng Strawberry dun ngayon e lanta na bago mo maiuw isipin mo apat na araw tayo dito"
"ay! sorry ganun ba yun gusto ko kasing kumain ng berries e"
"e sa labas ang dami buy ka at laklakin mo ha ha ha" biro ni Manding
"siyanga pala Manding bakit ba naisipan mong dito tayo mamasyal dahil ba sa ginagawa mong reports sa pinagtratrabahuhan mong press" tanong ni Mike
"di naman gusto ko lang magpalamig at makita ang ilang mga Igorot"
"e sa Manila daming Igorot a namamalimos"
"iyon nga Mike e, ang tanong bakit nandun sila sa Manila at sila bakit wala sila sa kanilang bundok"
"oo nga ano"
"kitam pati ikaw nagtataka at alam mo ba may nakita akong Igorot noon sa Manila na nabundol ng kotse talsik namatay siya halos di makilala ang mukha at ang bag niyang native nakapagtataka punong puno ng pera"
"ha mapera saan galing iyon mga magkano?" tanong ni Tikboy
"sa pamamalimos niya siguro mga isang taong niyang pamamalagi sa Manila at siguro babalik na siya sa Cordillera para ibigay ang pera sa kaniyang pamilya, aabot siguro iyon ng 30 thou halu halo may lumang papel, bago at mga barya"
"syang iyon tiyak pulis o MMDA na nakakuha noon , matanda na ba iyon pare iyong nabundol na Igorot" tanong ni Lance
"siempre, matanda na iyon, di lilimusan sa Manila iyon kapag malakas ka pa dapat matanda para kaawaan , kasing tanda nung nakita kong Igorot kanina"
"mga 70 na iyon ano pareng Manding" tanong ni Lance
"di naman mga 60 lang iyon matanda lang tingnan kasi batak sa hirap at alam niyo ba na ang tinayuan ng Mall na iyon ay dating Ancestral Garden, tanong bakit napahintulutan itong sirain at tayuan ng Mall"
"kasama na ebolusyon ng pag-unlad iyon Manding dapat sumunod tayo sa pagbabago, gaya ng sinasabi mong mga Igorot nakadamit western na rin sila kaya di mo alam na Igorot sila" paliwanag ni Tikboy
"di iyon ang ibig kong sabihin halimbawa tanungin kita, may magandang lumang bahay ang lolo mo na namana sa mga ninuno mo, maganda ang bahay at masasabing antique talaga, gusto mo bang gibain ito at tayuan ng bagong bahay?"
"hindi a, maganda iyon resthouse o bakasyunan at maalala mo ang mga panahon noon kada tungtong mo sa sahig nito" tugon ni Tikboy
"iyon ang ibig kong sabihin dapat iprepreserve mo yun ,o paano mamaya na tayo magkwentuhan lakad na tayo yung mga Digi niyo ba dala niyo? wika ni Manding
"di lang Digi me me TV pa ha ha ha" biro ni Lance
"TV yung China Phone ha ha ha, kaw talaga, punta muna tayong Park boating tayo" wika ni Mike
"mas maganda tara teka mag boboating tayo e me lisensiya ba kayo?" wika ni Manding
"ha ano yung kotse?" pagtataka ni Lance
"joke joke joke!!"
Ha HA ha! tawanan ng apat
Habang nag boboating sila ay napansin ni Mike ang isang Igorot na nakatingin sa kanila.
"Pre, di ba yun yung Igorot sa Bus Station, nakatingin sa atin"
"hindi a, baka sa iyo nakatingin Mike" biro ni Lance
"Si Batan nga parang gusto niyang lumapit sa atin nababasa ko sa kaniyang mga mata na may ibig siyang ipahiwatig" wika ni Manding
Matapos magbanGka ang apat ay nawala na si Baten sa kanilang paningin.
"dapat ko siyang makita nagugulo na ako di ako matahimik" bulong ni Manding
"pa...pare parang me problema ka ba?" tanong ng tatlo
"a pa.. mga pre wala nahihilo lang ako"
"ganun ba nahilo ka sa bangka ha ha ha! tara lakad na tayo para mawala hilo mo taxi na tayo sa Mines view yeheey" bulalas ni Mike
Dumiretso sila ng Minesview. Masaya ang bawat isa. Nagpa picture sila sa kabayong naroroon. Napansin nila na hindi na naalagaan ang lugar. Sira sira na ang dating magandang silungang pabilog nito. Binawal na rin ang mga batang namamalimos sa bangin. Ang dating magandang mga puno ng pino na makikita sa ibaba ng bangin at bundok ay nadagdagan na rin ng mga bubungan ng mga bahay na naroroon. Ngunit ang mga souvenirs at mga panindang kakanin na naroroon ay di pa rin nagbabago at ang lamig ng panahon. Ganun pa man masayang masaya ang lahat maliban kay Manding na makikitang nakaupo sa gilid ng bangin at tumatanaw sa di kalayuan.
"pare tapatin mo kami me problema ka ba?" usisa ni Lance
"mga kaibigan mo naman kami kung me problem ka makakatulong kami bakit nag-away ba kayo ni Lani na asawa mo nahuli ka ba he he he?" sabat naman ni Tikboy
"pare, naniniwala ba kayo sa multo?" wika ni Manding
"MULTO!!!!!" bulalas ng tatlo
"ano ka ba naman Manding hanggang dito ba naman dinadala mo ang mga kwento na nababasa mo sa tabloid ng kumpanya niyo, aba walang ganiyanan takot ako sa multo minsan na akong nakakita niyan" sabat ni Mike
"san ka naman nakakita aber" wika ni Lance
"sa bahay ng lola ko maliit pa ako noon mga 7 , nagpakita sa akin di ko nga alam na patay na pala siya kaya di ako natakot, nakita ko siya sa aparador na nakatingin sa akin at ngumiti"
"tapos ano nangyari?"
"sinabi ko sa tatay ko kaya pinuntahan nila ang aparador ,yun pala may ibig ipahiwatig doon, may secret drawer sa loob ng aparador at nakita ang iba't ibang alahas, doon pala tinatago ng lola ko mga alahas niya na akala nila noon ay sinangla"
"e di mula noon di na nagpapakita ang lola mo?" sabat muli ni Lance
"malay ko sa kanila di na ako pumunta sa bahay nila mula noon natakot na ako, bakasyunan na lang iyon sa probinsiya namin sa Surigao"
"ako naman nakita ko ang lolo ko sa poso negro Mike ,ano kaya ang ibig sabihin noon?" sabat ni Tikboy
"puro ka kalokohan tikboy ebak naman ang laman noon wag mong sabihing me kayamanan doon sira ka talaga" inis na nasabi ni Mike
"wala kayo sa lolo ko!" sabat naman ni Lance
"tama na nga ang biruang iyan, sasabihin ko na ang nangyayari sa akin friends handa na ba kayo?" wika ni Manding
"oo naman pare" wika ng tatlo
"sasabihin ko sa inyo mamayang gabi sa bar pagkatapos nating gumala sa Baguio at iinom tayo doon sagot ko okey ba sa inyo?
"hindi na tinatanong iyan pare basta libre nasa likod mo kami ha ha ha!" biro ni Mike
Matapos mamasyal ang tatlo sa Botanical Garden ay nagsimba sila sa Cathedral.
"Lance tingnan mo si Manding taimtim manalangin pero demonyo naman sa tsiks" bulong ni Mike
"psst,,, wag ka maingay Lance baka marinig tayo bakit ikaw hindi, isa ka rin matinik sa tsiks a, parang nagdarasal siya at tila umiiyak o"
"oo nga pare mabigat yata ang problema niya"
Matapos magsimba ay uminom sila sa isang Bar malapit sa Magsaysay Road. Dito na nagtanong ang tatlo.
"alam mo pare napansin naman iyang kinikilos mo after our boating"
"nang makita natin si Batan iyon Igorot"
"at umiiyak ka pang nagdarasal sa simbahan"
"pare matanong kita kamag-anak mu ba yun Igorot o ka-anu ano mo?" wika muli ni Lance
"at kanina sinabi mo tungkol sa multo e di pa nga ako nakakakita ng multo kahit kelan" sabat naman ni Tikboy
"ako never akong makakita ha, at manginginig na ako sa takot" bulalas ni Mike
"o pare, tama kayo teka muna bottoms up tayo sa isang boteng ito para tumama agad ayaw tumama sa lamig ng panahon e tapos three rounds pa tayo ano call?" wika ni Manding
"okey!!!!!'
Umorder uli ang apat ng isang bucket na beer. Sisig ang kanilang pinulutan at kare kare na sinabayan ng kaunting kanin para sa kanilang gabihan.
"mga pare sasabihin kuna sa inyo ang problem ko, di ko ka anu ano si Batan, at ikaw Lance at Tikboy ay di niyo na malilimutan ang sandaling makakita kayo ng multo, Mike ihanda muna panginginig mo"
Nagulat ang tatlo sa narinig nila kay Manding.
"ano ang ibig mong sabihin?" usisa ni Lance
"hindi lang ako ang nakakakita sa multo natutuwa rin naman ako at may karamay ako, dapat nating lutasin ang problema ko mga friends ,tutulungan niyo ba ako physically at financially?"
"kung sa abot ng makakaya namin pare tutulungan ka namin" wika ng tatlo
"sige mga pare salamat, ito ang problem ko alam niyo bang si Batan ay isang multo siya ang laging nagpapakita sa akin sa Manila at siya ang aking sadya rito at hayun na naman siya sa gilid ng pinto ng bar at nakangiti sa atin"
'ANOOOO!!!!!!!!!" gulat na naisigaw ng tatlo
"pare wag kang magbibiro naman ng ganiyan anak ng pating wala namang ganiyanan" bulong ni Mike
"pare di ako titingin wag ka namang magbiro" bulong naman ni Lance
Nilingon ito ni Tikboy. Wala si Baan sa pintuan.
"wala naman pareng Manding binibiro mo lang yata kami a"
"hayan siya sa tabi niyo"
"nyaaaaaa!!!!!" nagpulasan ang tatlo sa bar lumabas ang mga ito.
"sir me problema ba?" wika ng waiter
"a pare wala nagbibiruan lang kami nagkapikunan lang ayos lang pare cheat namin"
Lumabas na rin ng bar si Manding matapos ang insidenteng iyon. Kinatagpo niya ang tatlo sa isang sulok. Noo'y mag aalas nuebe na ng gabi tumitindi na ang lamig ng panahon.
"pare nakakahiya ang ginawa niyo nagkatinginan tuloy mga tao, sayang pa bote ng beer natin di naubos" wika ni Manding
"pare, ayoko naman ng ganun multo sus maryosep nakita ko si Batan nakangiti pa sa akin bakit ganun nadadamay kami sa iyo" nanginginig na wika ni Lance
"nagtataka nga rin ako ng, kasi nga nakikita niyo siya sa istasyon pa lang ako expected kuna na makikita ko siya dito"
"pare di ka ba nagbibiro totoo ba yun" wika ni Tikboy
"pare totoo iyon di naman basta makakapasok ang pulubi sa loob ng bar bigla naging katabi natin" sabat ni Mike
"oo nga ano, pare ano ba? ano ba gagawin natin anak ng pating baka pati sa banyo nandon iyon nakuuuuu" wika ni Tikboy
"pare ganito na lang bumalik na tayo sa hotel at pag-usapan natin ang totoong pakay ko dito" paliwanang ni Manding
"tara" sabat ng tatlo halukipkip ang kanilang mga jacket sa lamig ng panahon.
Sa loob ng hotel ay nagsuot pantulog ang apat. Laging bukas ang ilaw ng kanilang kwarto at banyo. Bukas din ang telebisyon upang magbigay ingay sa paligid.
"ganito iyon pare tatlong buwan na akong ginugulo ni Batan, lagi siyang nagpapakita sa akin sa lbasan lang lagi hindi naman sa mga kwarto o banyo" paliwanag ni Manding
"hay salamat ganun din kami e bakit sa amin nagpapakita rin" tanong ni Tikboy
"maaring may gusto siyang ipagawa sa atin at iyon ang misyon natin" wika ni Manding
"ibig sabihin di na tayo makakapamasyal?" sabat ni Lance
"isabay na natin ang pamamsyal sa misyon natin" palwanag muli ni Manding
"maiba tayo paano mo naman nalaman ang name nung multo at paano mo nalaman na taga dito siya sa Baguio?" tanong ni Mike
Kinuha ni Manding ang kaniyang bag at inilabas ang isang native back pack. May sira ito ng kaunti sa gilid at may tila mantsa ng dugo sa gawing ibaba na natuyo.
"ano yan?" sabat ni Lance
"pare ito ang bag ni Batan nakita ko ang pangalan niya rito at ang lugar kung saan siya nakatira na nakapaloob sa bag na ito, nakasulat ito sa isang lumang papel" paliwanag ni Manding
"paano mo nalaman na yung multo e siya" tanong ni Tikboy
"nakita ko ang litrato niya rito at ang multo e iisa ang mukha heto o tingnan niyo"
"shit! siya nga anak ng pating totoo nga pare nakuu kakatakot naman, patay na kaya iyan o hindi pa" wika ni Mike
"tange me multo bang buhay" biro ni Tikboy
"meron a"
"aber ano?"
"multong bakla ha ha ha"
"
"tama na nga iyan ano pala Manding saan naman galing ang bag?" tanong ni Lance
"galing ito sa isang Igorot sa manila iyong pulubi na nasagasaan na namatay. Ito ang kaniyang bag, may lamang 30 thou pesos"
"ha! iyong ikinuwento mo kanina siya pala iyon bakit nasa iyo?" gulat na tanong ni Lance
"naroroon ako sa pinangyarihan ng aksidente, bilang member ng PRESS lumapit ako sa kaniya kasama ang mga imbestigador na kilala ko na tinext ko agad, kinuha ko ang bag at sinilip panandalian ang laman nito na tumambad sa akin ang maraming pera na galing siguro sa pinaglimusan nito sa mahabang panahong pamamalagi sa manila"
"bakit mo kinuha bakit di mo tinurn-over sa imbestigador?"
tanong ni Mike
"natatakot akong kunin ng mga swapang na pulis ito kaya kinutsaba ko ang katrabaho ko na kunin namin ito?"
"ang laman nasaan na?" tanong ni Tikboy
"iyon ang mali natukso kami pare,nagastos namin , pinang gudtime hu hu hu" umiyak si Manding
"ha! masama nga yun dapat ibalik natin ito sa mga kamag anak niya e paano yung kaibigan mo masisingil mo ba yun kahit kaunti?" wika ni Mike
"mula noon nagpakita na sa akin si Batan at iyong katrabaho ko namatay sa sakuna nung isang buwan nabundol din ng kotse nang pumunta ako sa burol nakita ko si Batan sa tabi ng kabaong niya at nakangiti na nakatingin sa akin hu hu hu"
"shit pare pareng may ibig sabihin may sumpa ang ginawa niyo matindi yun shit baka pati kami madamay diyan natatakot ako" wika ni Tikboy
"muntik na akong mabangga rin nung isang linggo buti nakatalon ako sa kanal at nakaligtas, at nakita ko si Batan na nakatingin sa akin at galit kaya sinabi ko sa kaniya na ibabalik ko ang pera, pare tulungan niyo ko 20thou lang dala ko utang muna ako sa inyo hu hu hu"
"walang problem pare mag wi withdraw kami sa ATM saan naman natin ihahatid ang pera?" wika ni Lance
"me address dito sa bandang Lucban malapit, tiningnan ko ito sa mapa malapit sa Health Center at St. Louis University"
"tomorrow pare hanapin natin, mga pare di na biro ito, Batan kung saan ka man ngayon wag muna kami guluhin patawarin muna kaibigan namin ibabalik namin ang pera" sigaw ni Mike
Namatay ang ilaw.
"shiiiit!!!!!!!!"
Nagtalukbong ang apat ng kumot.
"grrrr... naku nandiyan na si Batan!" sigaw ni Mike
"wag kayo matakot alam naman niya ang plano natin, Batan please wag mo kaming takutin" sigaw naman ni Manding
"tok tok! sir, pa disturb po house keeping po" sigaw ng isang lalaki sa labas ng kuwarto.
"pare may tao sa labas ikaw na magbukas ng pinto" bulong ni Lance
"anak ng pating bakit ako, kaw na Manding?"
Lumabas si Manding ng kumot, nakapikit ito at tila ayaw makita ang paligid bagamat madilim sa buong silid. Kinapa ang door knob at binuksan ang pinto. Tumambad sa kaniya ang roomboy ng hotel.
"sir mawalang galang na po nais ko lang pong sabihin na nagka blackout po aayusin lang po sandali ang power mga 15minutes, so wala po muna tayong water heater" wika ng roomboy
"ganun ba, okey lang akala ko kung sino na, mgha pare situation is under control na labas na kayo diyan!"
"bakit sir natatakot ba mga kasama niyo wala naman pong multo rito" biro ng room boy
"a e wala nagbibiro lang mga yan nga pala pare ano ba name mo just in case?" tanong ni Manding
"a Jeffrey po Jeffrey Batan po at your service"
"nyaaaaa"!!!, balikan ang tatlo sa kumot
"bakit po natakot sir?"
"sabi mo ba Batan?"
"di po sir Jeffrey po ako ng Bataan taga Bataan po ako Batan po ba rinig niyo? dito po ako na-assign sa Baguio sa trabaho"
"a ganun ba akala ko kung ano na he he sige thanks pare "
Biglang bumukas ang ilaw.
"yeheeyyy! pare okey na ha, matutulog na ako me tama na ako sa nainom ko wag niyo patayin ang ilaw ha?" wika ni Tikboy
Kinaumagahan. Maagang gumayak ang apat. Nagtungo sila sa oinakamalapit na ATM upang mag withdraw. Nabuo nila ang 30 thou na pera upang ubigay sa pamilya ni Batan. Sa New Lucban ang tungo ng apat. Ipagtatanong pa nila ang mga kamag-anak ni Batan sa lugar na iyon.
"pare ano plano sama-sama ba tayo o dala dalawa?" tanong ni Mike
'"sama-sama pare, humihingi ako ng pasensiya muli mga kasama ha, nadamay kayo sa problema ko" paliwanag ni Manding
"wala yun pare, basta ikaw darating ang araw isa sa amin naman ang hihingi ng tulong"
"pare diretso tayo sa Cuty Hall doon tayo magtanong upang ma beripika natin ang lakad natin kung saan" mungkahi ni Lance
"hayun tumama ka rin pare ganda ng opinyon mo tara punta tayo doon" wika ni Tikboy
Matapos ma beripika sa City Hall ang lugar ay dumiretso na ng Luckban ang grupo.
"pare marami na palang bahay sa mga bundok dito , nagawan ng paraan ang mga bangin natayuan pa rin ng bahay" wika ni Lance
"me permit kaya yan sir" tanong ni Manding sa lupon ng barangay na iyon na naging tourist guide nila upang hanapin ang pamilya ni Batan
"meron yan mga sir pinahintulutan yan ng pamahalaang lokal karamihan diyan mga native talaga dito" wika ni Mang Sergio
"ganun ba kaya pala" sabat naman ni Mike
Dumating sila sa isang barangay hall ng lugar na iyon at kinausap ang kapitan.
"Si Batan Mano-og, matagal na rito mga yan bago pa man dumating ang mga kastila naririto na ang mga ninuno niyan, may balitang namatay si Batan sa maynila nasagasan yata di na nila nakuha ang bangkay nito, siya pa naman ang inaasahan ng isang organisasyon" wika ng Kapitan Sagrado
"pare totoo nga sinasabi ni Manding si Batan nasagasaan kaso anong organisasyon kaya yun?" bulong ni Lance kay Tikboy
"me sinasabi ka ba kaibigan?" wika ng kapitan
"a e.. e magtatanong lang kami sir ano hong organisasyon ka pamilya niya po ba ang mga kaanib nito?" wika ni Lance
"nag-iisa na lang sa buhay si Batan dito sa siudad, ang alam kong kamag anak niya ay nasa Sagada kaso di na niya kilala mga yun nawalay siya sa eadad na 35 anyos ng lumuwas siya sa manila para manlimos, ang perang kaniyang nalilimos ay ibinibigay niya sa organisasyon ng mga Igorot dito sa aming lugar, nakapagpatayo ng bahay ang ilan sa kanila dahil sa pera ni Batan, nagtitira lang siya ng kaunti para sa sarili niya"
"e saan po siya nakatira?" tanong ni Tikboy
"kahit sino pinatutuloy siya sa mga tahanan dito malaya siyang nakakatulog kahit saang bahay ng Igorot. Madalas siya sa Dangwa Terminal kasi doon siya sumasakay patungong maynila, mula ng mawala si Batan parang naging malungkot ang organisasyon dito, naipangako niya kasi na magpapagawa siya ng linya ng tubig sa bawat kabahayan, ang tubig dito ay nanggaling sa bundok"
"mga magkano po ba ang pagawa ng mga ito?" tanong ni Manding
"aabot sa 28mil sabihin na nating 30mil, sana nga nagawa ito para di na nahihirapang umigib ang ilang mga tao dito"
"kapitan ang sadya po namin dito ay ibigay ang 30 thou na pampagawa ng nasabing proyekto, ako ay member ng media nasaksihan kupo ng masagasaan si Batan, nakuha po namain ang pera niya at ibibigay po namin ito sa lupon, sino po ba ang dapat kumuha nito"
"naku maraming salamat mga iho, ibibigay natin iyan kay Apo Ineg, oo nga pala nasan na ba ang bangkay ni Batan?"
"naipalibing po namin sa Norte wala kasing kumuha nito sa maynila wala kasing pagkakakilanlan" paliwanag ni Manding
"maari naman nilang makuha ang buto ni Batan at dalhin sa Sagada, Intal anak, pakitawag mo sa taas si Apo Ineg sabihin mo may bisita tungkol ke Batan!" sigaw ng kapitan
Lumipas ang ilang oras, Nabusog sila sa inihain ni apo Ineg sa mga dayo. Natuwa ang buong organisasyon sa apat na kalalakihang ito. Bumalik sila sa kanilang hotel ng gabi ring iyon.
"pare di na tayo siguro gagambalain ni Batan" wika ni Lance
"sana naman natatakot ako e" sabat ni Tikboy
Namatay ang ilaw.
Nyaaa!!!!! nagtalukbong ang dalawa
"tok tok tok!
"sino na naman yan si Jeffrey ba ng Bataan yan!" sigaw ni Lance
"ha ha ha ha!!!! mga duwag ako lang nagpatay ng ilaw" bulalas ni Manding
"mga pare bukas luluwas na tayo, masaya na ang kalooban ko at naibalik ang pera ni Batan, may purpose pala ito, maging aral sa atin ang lahat, sa susunod na buwan babalik tayo dito tingnan natin ang patubig sa Lucban at kasama nating bumalik dito ang buto ni Batan " paliwanag ni Manding
"bawal yata sa Bus yun pare" sabat ni Mike
"hihiram ako ng sasakyan ako na mag drive papunta dito kaya ko na siguro ito me Marcos hiway naman" paliwanag ni manding
"oo nga para di na tayo makakakita ng multo ayoko na ha" sabat ni Mike
Maaga kinabukasan ang apat sa terminal ng Dangwa. Nakatulog ang tatlo sa upuan habang papaalis ang Bus, nakatingin si Manding sa labas at natanaw niya rito si batan kumakaway ito sa kaniya, umiiyak sa kasiyahan napansin niyang umaangat ito sa lupa, hinabol niya ito ng tingin at nawala sa kalangitan.
Nang marating ng Bus ang lugar ng Sison ay tinanawa niya ang mga bundok ng siudad. Masaya ang kalooban niya, ang kaniyang gagawin ay kunin ang buto ni Batan at ibalik sa Lucban upang madala ng ilang kaibigan sa Sagada sa mga kamag-anakan nito.
Nakatulog na rin si Manding habang nakikinig sa saliw ng musika sa kaniyang tainga ng kaniyang I-Pod. Mapayapang naglakbay ang bus patungong Maynila.
WAKAS
Lunes, Pebrero 16, 2009
ANG MUSIKERONG MUSLIM
"anak bata ka pa, marami ka pang dapat matutuhan hindi ang ibang bagay, lalaki ka at makakapag-asawa at magkakaanak, lalagay ng tahimik sa buhay"
Ito ang mga pangitain ni Yusuf, isang musikero at kompositor na muslim. Isang awit ang kaniyang ginawa patungkol sa mga pangitain niyang iyon sa isang mag-ama.
Sa mura niyang edad aY nahiligan niya ang musika. Noong 15 limang taon siya ay sikat na sikat ang grupong "the Beatles". Nais niyang maipamahagi rin ang kaniyang galing sa paglikha ng awit. Nag-aral siyang gumitara. Ibinili siya ng kaniyang amang isang "Greek Orthodox" ng gitarang yari sa Italia. Bagamat mumurahin lang ito noon ay pinag-aralan niya ang mga tipa ng kaniyang awit.
Nadiskubre siya ng isang taong nagdala sa kaniya sa isang Bar, dito ay tumugtog siya ng kaniyang mga awit. Hinangaan siya ng mga tao at dito nag-umpisa ang kaniyang kasikatan sa buong Europa. Nagkaroon siya ng isang "manager" at ito ay umayos ng kaniyang mga "gigs" at pagsasaplaka ng kaniyang mga awitin. Bumenta ang kaniyang mga plaka at umani siya ng sapat na pera. nagkaroon siya ng album mula 1967-1978. Una niyang "major concert" ay nilahukan ng halos anim na milyong manood na humahanga sa kaniya.
Ang kaniyang musika ay may temang "folk" na naglalahad ng mga bagay-bagay patungkol sa sangkatauhan. Isang sakit ang tumama sa kaniyang katawan na ikinatigil ng kaniyang namamayagpag na kasikatan. Tuberkulosis ang kaniyang naging sakit. Nagpagaling siya at matapos ang mahigit isang taon ay bumalik siya sa mundo ng musika at dinala niya ang kaniyang awit sa Amerika. Umani ng parangal at paghanga ang kaniyang mga awit sa bansang iyon at siya ay nakilala sa buong mundo.
Binahagian siya ng kaniyang kapatid ng isang aklat na "qoran" noong kasikatan niya. Binasa niya ito at naunawaan ang nilalaman. Namangha siya sa buhay ni Mohammed, na huling propeta ayon sa aklat na banal. Dito siya nagdesisyon na itigil ang musika at tumulong na lang sa mga proyektong makatutulong sa mga bata at mga mahihirap. Nagpalit siya ng relihiyon at dito siya naging Islam. Huli siyang nag konsiyerto noong 1976 na pinamagatang Majikat. Nilahukan ito ng mga mahikerong panauhin bilang pampaganda sa palabas.
Muling umawit si Yusuf Islam noong 1998. Inabangan ng lahat ang kaniyang pagbabalik sa mundo ng musika ngunit ito ay panandalian lamang. Binalikan niya lamang ang kaniyang mga awit noon. Gumawa ang isang "record company" ng isang "compilation album" ng kaniyang mga awit na bumenta noong 2001.
Sa ngayon siya ay abala sa kaniyang mga proyekto at aktibo sa kaniyang relihiyong Islam. Siya si Yusuf Islam, ang dating si Cat Stevens na nagpasikat ng kantang "Father & Son" at "Wild World". Siya ang isang ehemplo na handang iwanan ang mundong kaniyang kinasikatan alang-alang sa kapakanan ng nakararami.
Linggo, Pebrero 15, 2009
ISANG GABING BANGUNGOT
"kosa, mag pitong taon na ako dito, boring na" bulong ni Pepeng Tattoo
"ano magagawa natin sentensiyado tayo, tanggapin natin ang kapalaran natin" tugon ni Boy Tusok
"wala ka bang planong tumakas pare, tutal habang-buhay ang sintensiya natin lumaban na tayo sa natitira nating buhay, di pa tayo maparulan"
"para tayong magpakamatay Pepe, delikado"
"ako kaya kong gumawa ng paraan, magpapayat lang ako at di kumain ng sapat sa isang linggo sabay pahid ng mantikilya sa katawan ko makakalusot na ako sa rehas pag dumulas"
"e paano ang gwardiya"
"patay kung patay na Boy, wala ng sabi-sabi, agawin ko baril tapos putok kahit sino sa kanila"
"malawak ang pag-iisip mo Pepe, hanga ako sa iyo, kaso ng mahuli tayong nang hi-jack ng trak at nakapatay ng tatlo, di na ko bilib sa iyo, sabi mo walang parak sa lugar na iyon"
"aksidente pare talagang walang nagpapatrol doon nagkataon lang isa pa di tayo nagpatumba sa tatlo ang nasirang si Nunoy Gripo lang ang nakapatay sa mga iyon na minalas na napatay ng mga parak nadamay lang tayo, pare sige na magplano tayo, miss ko na pamilya ko"
"pag-iisipan ko Pepe, miss ko rin naman ang anak at asawa ko, yun nga lang di na nila ako dinadalaw, mag 18 anyos na anak kong binata sa ngayon"
"sige pare tawagin mo ako pag may plano ka na matanda na tayo 40 na tayo ngayon dapat life begins at 40 ika nga, basta ang moto natin ay"
"patay kung patay" magkasabay na bulong ng dalawa
Makalipas ang isang buwan, nabuo ang kanilang plano, lulusot si Pepe sa rehas upang agawin ang armas ng guwardiya at iuutos na buksan ang rehas upang makawala ang iba pa. Isinagawa nila ito ng gabi sa kasagsagan ng tulog ng ibang mga preso.
"pare tutusukin kita, buksan mo rehas bilis!" mariing bulong ni Pepe ng makawala sa rehas habang tinutukan ang pulis ng baril na naagaw nito
"pare takas na bahala na sa labas, kayo mga kosa kung gusto niyo sumama takas na rin" dugtong pa ni Pepe habang nakatutuok ang baril na naagaw sa guwardiya.
"kosa ayoko sumama" wika ng ibang preso
'bahala kayo Pepe tara na"
Bang! Bang! putok ng isang guwardiyang nanakita sa kanila
"may pupuga!!!!" gising!!! sigaw nito
Mabilis ang mga pangyayari di tinamaan ang dalawa, sa kung anong swerte ay nakalusot ang dalawa sa bakod na bato gamit ang baril na kanilang pinaulanan ang mga pulis na nakaronda. Tinamaan ang isa sa paa. Ngunit malas na tinamaan si Pepe.
"pareng Boy mauna ka na iwan muna ako, kumusta mo na lang ako sa misis ko unnng!"
"pare, hu hu, pasensiya ka na, tutuparin ko hiling mo tatakas na ako"
"sige pare mag-iingat ka aghhh" at tuluyang namatay na si Pepe sa tinamong tama sa kaniyang dibdib.
Namatay ang isa pang pulis na tinamaan ni Pepe, dali daling kinuha ni Boy ang uniporme nito kahit duguan at dali-daling isinuot pagkuwa'y tumakbo sa labasan sa likod ng munti. Napansin siya ng isang pulis.
"pare me tama ka, wag kana sumugod!"
"okey lang to daplis lang ang mahalaga mahuli natin ang mga puga!"
Pumalayo si Boy dala ang baril na naagaw ni Pepe, nang makarating sa kabahayan ay tinapon niya ang baril sa bakanteng lote at nanungkit ng sampay sa isang bahay at isinuot.
Malayan na si Boy, bumiyahe ito ng maynila.
"pare, pasensiya na nadukutan ako, nakikiusap ako na makasakay ng libre sa iyo" pagsusumamo ni Boy sa tsuper ng jeep
"walang problema pare mabuti nga iyon nagpapaalam ka iyong iba diyan balasubas tumatakas na lang, parang takas sa bilangguan sa bilis kumilos" biro ng tsuper
Di nakaimik si Boy at nang makarating sa paroroonan ay nagpasalamat sa tsuper.
"pare eto ang bente baka wala kang pamasahe sa ibang sasakyan, pagarahe na naman ako mukhang pagod na pagod ka at gutom" wika ng tsuper
"salamat pare makakaganti din ako sa iyo ng utang na loob balang araw" pasasalamat ni Boy
Habang tinatahak ni Boy ang kahabaan ng South Super Hiway malapit sa San Andres sa may riles ay naiisip niya si Pepe. Naiiyak ito sa nangyari.
"Pepe, hu hu san ka man naroroon salamat, mahal kita Pepe sa tagal ng ating pagsasama" bulong nito sa sarili
Isang tao ang sa likod niya'y biglang sumulpot.
"pare wag kang lilingon holdap ito amina pera mo" wika ng lalaking binatilyo habang nakaumang ang balisong nito sa tagiliran ni Boy
"pare, walang -wala ako bente lang ang pera ko"
"wala wala ka pa a, amina bente saka yang damit mo ang ganda imported akina yan hubad!!"
"pare maawa ka diyan lang ako nakatira"
"ulol taga diyan kilala ko mga taga rito, kahit amoy nila alam ko, hubad na sabi!"
Walang nagawa si Boy naghubad ito at nang makuha damit ay biglang sinaksak nito si Boy.
"agh ahh, wag maawa ka bakit!"
"pasensiya na para walang witness!" at tumakas na ang binatilyo
Malubha ang tama ni Boy, tinamaan ang puso nito.
"pare hintayin mo ako, di ko nasunod ang hiling mo patawad, magkita na lang tayo unnng!" at nalagutan na ng hininga si Boy
Samantala, ang mahiwagang binatilyo ay tuloy-tuloy na tumakbo sa looban. Pumasok ito sa isang iskwater at sa isang barung-barong katabi ng riles ay naroroon ang kaniyang ina.
"anak baka gumawa ka na naman ng kalokohan ha san ka ba galing" wika ng may sakit na ina na nakaratay sa banig.
"nay may bente po ako saka itong damit ng barkada ko "lacoste" mahal ito nay bebenta ko bukas para naman madalaw ko si tatay sa munti, mag tatlong taon na tayong di nakakapunta doon mula ng magkasakit ka, kawawa naman si tatay"
mabebeta pa ba yan anak, sige anak dalawain mo tatay mo ha ikamusta mo ako at sabihin mo ang kalagayan ko, pasensiya na kamo"
"nay kilala ba si tatay doon ano ba pangalan niya roon?"
"Boy Tusok anak, kilang-kilala siya roon.
"salamat inay, dadalan ko siya ng pagkain bukas miss ko na siya inay, sige po matulog na tayo"
Sabado, Pebrero 14, 2009
SIYAM NA BUHAY NI TOMAS
"Prof sigurado ba kayo na may taglay na akong kapangyarihan?"tanong ni Tomas
"oo naman Tomas masinsin kong pinag-aralan ang lahat ng iyong kalamnan at maging ang hibla ng iyong utak at maging ang pusa aking kinatay upang mailagay sa iyo ang galing nito"
"makakakita na ako sa gabi ng malinaw?
"oo"
"makakatakbo na ako ng matulin?"
"oo, pero hindi iyan ang katangiang gusto kong gawin mo, gagamitin natin sa negosyo ang iyong maraming buhay, dadaigin natin sina Sorcar Jr, Chris Angel at ang iba pang mga magician, kikita tayo ng limpak limpak na salapi he he he"
Nagtayo ang Propesor ng isang gusali upang ganapin ang pambihirang panoorin. Nakahanda roon ang isang malaking pana at nakatali si Tomas sa isang target range upang ipakita sa tao na siya ay papatayin ngunit mabubuhay na muli. Ito ay pinanood ng halos tatlong libong tao at mahigit pa ang hindi nakapasok sa gusaling umuokupa lamang sa takdang bilang. Dalawang daan ang halaga ng tiket at malaking pera ang kanilang nakuha.
"presto!" sigaw ng propesor
Pumailanglang ang palaso at bumaon sa murang katawan ni Tomas na hakab ang kasuotang napapalamutian ng makikislap na buton.
"tsug!" aray! prop baka mamatay ako dito masakit!" sigaw ni Tomas
"mamatay ka sandali pero makalipas ang tatlong minuto magigising ka ulit pag hugot ko ng palaso"
Sigawan at gimbal ang mga nanonood. Nakahanda ng damputin ng mga pulis ang Propesor ngunit nagpaunlak ang mga maykapangyarihan ng tatlong minuto. Patay na si Tomas, lupaypay ang ulo nito at dinadaluyan ng masaganang dugo ang kaniyang katawan.
Makalipas ang tatlong minuto ay hinugot ng propesor ang palaso at tinakpan ang sugat. Sinampal ang lupaypay na ulo ni Tomas, pagkuwa'y nagising at nakatawa pa ito na parang kagigising lamang na wala ng nararamdamang sakit.
Di magkamayaw ang mga tao sa kanilang nakita, tinawag nila si Tomas na pusa o Tomas Pusa at sa kalauna'y Tom Cat.
Nakilala ang kanilang palabas sa buong mundo at inimbitahan na sila sa mga malalaking Coliseum.
Ang kanilang mga palatuntunan ay ang mga sumusunod:
Ang pagbibigti
Ang paglunod
Ang pagbundol
Ang pagbaril
Ang pagsasaksak
Ang pagbabad sa yelo ng isang araw
Ang pag-inom ng pintura, insecticide at lason
Naging milyunaryo ang Propesor at si Tomas, isang araw ay nagtanong ito sa propesor.
"prop, bakit di natin putulin ang bahagi ng katawan ko upang lalong masiyahan ang mga tao"
"di pwede Tomas, hindi sakop ng kapangyarihan ng pusa ang pagsira o pagputol sa katawan mo, sila may mamatay din kapag naputol ang katawan"
"ganun ba, e di kayo nalang ang puputulin ko eto sa iyo!"
"tsak!" tinaga ni Tomas ang propesor, naghihingalo na ito
"mabuti nang solo ko ang palabas, pang siyam na buhay ko na ang huli at hindi na mauulit he he he sisingil ako ng mas malaking halaga ng tiket"
Medyo nagsalita ang propesor bago namatay.
"unngggg, Tomas wag munang ituloy ang palabaaaasss agh"
Tinaga muli ito ni Tomas.
"tumigil kang matanda ka, solo ko na ito at wag ka nang makialam.
Sumunod na linggo ay inihanda ni Tomas ang palabas na pinamagatang "Ang paglilibing ng buhay". Sa isang kilalang sementeryo niya ginawa ang palabas. Ang mga bayad ng mga manonood ay idineposito nila sa banko ni Tomas bago ang palabas upang makasigurong bayad ay isang tiket bawat isa ang ibinigay ng bawat bangko sa mga ito. Nagpalakpakan ang mga tao ng inilibing na si Tomas. Isang linggo ang palilipasin bago ito hukayin.
Sa loob ng nitso anim na talampakan sa ilalim ng lupa ay nagmumuni-muni si Tomas. Naisip niya ang huling sinabi ng propesor bago ito mamatay.
"bakit kaya ayaw niya ipatuloy ang palabas" bulong ni Tomas
Unti-unti ng di nakakhinga si Tomas sa ilalim, malapit na siyang mamatay. Nakita niya ang kaluluwa ng propesor sa kaniyang ibabaw.
"Tomas, taksil ka, para sa iyo ang ginagawa natin di para sa akin , di mo ba alam na matapos ang huli nating palabas ay mag-aaral ka na, nakahanda na ang mga gagamitin mo sa iskwela sa kawarto ko" wika ng propesor sa malamig na tinig
"bakit may isa pa naman tayong palabas ha, niloloko mo ako" sagot ni Tomas
"wala na Tomas, siyam lang ang buhay mo"
"e pang siyam na palabas natin ito a"
"hindi Tomas, pang siyam na iyong naglason ka, ang isang buhay ay nagamit na ng patayin ko ang pusang eksperimento ko"
"hindi, ibig sabihin tuluyan na akong malilibing dito! ayoko waaa, tulungan niyo ako! hukayin niyo ako waaaa!!!!!
"Tomas, hihintayin na lang kita ha, may gagawin pa tayong palabas sa kabilang buhay ha ha ha!!!
"wag maawa kayo tulungan niyo ako waaaaaaa!!!!!!!
Biyernes, Pebrero 13, 2009
ANG LIBANGAN NI MANOLING MAHILIG
Isang araw ng sabado habang naglalakad si Manoling sa panulukang iyon malapit sa Odeon Cinema ay may tumawag sa kaniya.
"suke!" isang magandang babae
"pasensiya ka na Dina, wala pa kaming sahod ngayon" sagot ni Manoling
"ganun ba sige next time na lang" wika ng babae
Napadaan siya sa isang eskinita malapit sa Raon at isang babaeng bugaw ang lumapit sa kaniya.
"pare mukhang dika gumamit ngayon?" wika ng bugaw
"malas e wala pa kaming sahod, sa lunes na raw kasi naholdap daw yung kubrador namin" sagot ni Manoling
"ganun ba e baka may pera ka diyan kahit magkano meron akong mura dito"
"tapwe lang ang pera ko"
"pwede na yan"
Pumasok siya sa isang kwartong halos ganitso ang laki. Dito niya nakilala si Lorna, may kapangitan ito na nasa 38 na ang edad. Nakaraos siya sa loob ng limang minuto. Natuwa si Manoling ng araw na iyon.
Nang sumunod na araw ay nakita niya ulit ang bugaw at inalok muli ito.
"wala na akong pera beinte lang" paliwanag ni Manoling
"pwede na yan"
Isang matandang babae naman ang ibinigay ng bugaw sa kaniya at napagtiyagaan niya ito.
Naloko ng kanilang kontraktor si Manoling, di na nito nakuha ang kaniyang sweldo at naghahanap muli siya ng trabaho. Bagamat hirap ay napagkakasya niya ang natitira niyang pera at tila adik na nagtungo muli ito sa bugaw.
"walang wala na ako gusto ko lang maglibang limang piso lang ang pera ko kaya pa ba ito?" wika ni Manoling sa bugaw
"pwede na yan"
Isang kambing ang ibinigay ng bugaw kay Manoling.
"ano ito, e hayup ito a?" gulat ni Manoling
"alam ko e limang piso lang pera mo subukan mo pareho lang ang pakiramdam mainit-init he he he" wika ng bugaw
Sa isang sulok ng eskinitang madilim, may isang maliit na silid dito. Naririnig niya ang mga salita ng mga taong nagdaraan sa eskinita sa kabilang dingding ngunit di niya pansin ito.
Nakaraos si Manoling, sinikmura niya ang sitwasyon. Di pa rin nadala si Manoling, kinabukasan walang wala na talaga siyang pera ngunit nagtungo muli siya sa bugaw.
"ito piso lang ang pera ko wala na talaga kaya pa ba ito?"
"pwede rin yan, kaso maninilip ka lang ikaw na bahala sa sarili mo may kamay ka naman he he he"
Pinasilip si Manoling sa isang butas. marami sila doon na naninilip din. Mga sampung tao at nag-uusap. narinig niya ang mga ito.
"pare, mas maganda kahapon umuungol pa yung lalaki at matipuno ito macho baga" wika ng isang naninilip
"oo nga walang buhay ang isang ire payatot pa"
Nagulat si Manoling sa usapan ng dalawa. Nasabik ito at dali-daling sumilip upang malaman ang pinag-uusapan ng dalawa.At dito ay nabigla siya sa nakita.
Huwebes, Pebrero 12, 2009
JERUSALEM, ISANG PAMBIHIRANG SIYUDAD
Masalimuot ang naging buhay ng mga taga Jerusalem, nguni't ito ay ang Lupang Pangako alinsunod sa binitiwang salita ni Hesu-Kristo noong siya ay nabubuhay pa. Maraming nanakop na bansa rito kung kaya't iba-iba ang naging uri ng tao at paniniwala. Sinakop na ito ng Persia o Iran ngayon at pinatay ang mga tao at ang iba ay ginawang alipin sa kanilang bansa. Ngunit ng magdigmaan ang Mesopotamia o Iraq ngayon laban sa Persia ay nanaig ang una at ibinalik ang mga Hudio sa kanilang bansa.Isa na rin ang mga Romano noong 70 AD na nanakop dito. Nasakop rin ito ng Britanya sa pamumuno ni Sir Edmund Allenby noong 1917 hanggang 1946. Dito nabigyang pagkakataon na makabalik ang mga swerteng nakaligtas na Jews sa pagmamalupit ng mga Aleman mula sa Europa.
Noong 1947, isinaayos ng United nation o Nagkakaisang Bansa ang pagpapalaya sa siudad ng Jerusalem. Sinangayunan ito ng bansang Britanya at noong May 14, 1948 ay ganap na isiniwalat ni David Ben Gurion ang kanilang kalayaan at pagkakatatag bilang isang estado ng bansang Israel.
Isang araw lang ang lumipas ay nagkagulo na ang mga katabing bansa nito. Ayaw nilang maging ganap na malaya ang Jerusalem kung kaya't namayani sa pananakop ang bansang Jordan na namuno sa halos 19 taon.
Taong 1967 sa pangunguna ni Defense Minister Moshe Dayan na isang Hudio o Jew ng dumating ito sa Western Wall. Inukit nito sa pader ang katagang" naway ang katahimikan ay makarating sa mga Hudio" ay nabawi nila ang Israel sa Jordan.
Mas kilala ang Jerusalem para sa mga Jew O hudio. Noong panahon pa ni Hesu-Kristo ay namalas na natin ito ng ipapako nila ang bumabang Kristo.May haka-hakang kaya ipinapatay ni Adolph Hitler ang mga Hudio sa Europa ay sa dalawang bagay. Una ang pagmamalupit ng mga Hudio ng ipapako sa krus si Kristo na ikinagalit ni Hitler bilang isang kristiyano at pangalawa ay ang pagkainggit sa mga hudio sa pagiging masipag sa negosyo. Nguni't ang mga iyan ay di pa tiyak. Lingid sa kaalaman ng lahat ang mga Hudio ay di pa naniniwalang ang Hesu-Kristo ang bumabang Diyos ng sangkatauhan. Di nila inaasahan na ang isang makapangyarihang Diyos ay ipapako lamang sa krus at maghihirap. Hanggang ngayon ang mga Hudio ay naghihintay ng pagdating ng isang makatotoong Diyos. Isang matipuno at matapang at di padadaig kaninuman. Isang Diyos na di ipapako sa krus. Ngunit sa paniniwalng ito, ang mga tao sa Jerusalem ay kinasihan ng pagpapala na sila ay maliligtas sapagkat sila ay para sa Diyos sa pagkakatira nila sa Lupang Pangako.
Marami ng bansa ang sumakop sa Jerusalem ngunit di ito nadadaig ng tuluyan. may kung anong kapangyarihan ang bansa na pumuprotekta dito.
May nagplanong bombahin ang "Walled City" ngunit biglang nasira ang eroplanong magbabagsak nito, mag nagsabing handa nang sirain ang pader ngunit di gumana ang mga kanyon.
Ang Lupang Pangako na Israel at ang Pader ng siyudad ng Jerusalem ay isa ng palaisipan para sa atin. kayo na ang humusga.
Miyerkules, Pebrero 11, 2009
ANG MAPAGMAHAL SA KALIKASAN
Sa pag-usad ng teknolohiya ay nagsulputan ang mga de motor tulad ng mga sasakyan na sumikat sa bansang amerika at inglatera. Sa pag-iwas ni Antonio sa makabagong teknolohiya at sa pagmamahal sa kalikasan ay ito ang naging mitsa ng kaniyang buhay. Nabangga siya ng kotse sa isang kalye habang naglalakad.
Nagluksa ang buong bansa sa kaniyang pagkamatay.
Ang makabagong teknolohiya rin ang naging mitsa ng buhay ng halos kalahating populasyon ng España ng pumutok ang digmaang sibil noong 1936. Nanaig ang pwersa ni Francisco Franco sa suporta na rin ni Adolph Hitler ng Alemanya. Bagama't di sila nakasali sa ikalawang digmaang pandaigdig ay naging diktadurya ang buong bansa.
Nang mamatay si Franco noong 1975, ibinalik ang demokrasya ng bansa sa pamumuno ni Juan Carlos na isang dugong bughaw noong panahon ng monarkiya. Sa ngayon naging maunlad ang España at di pa rin malilimutan ang kilalang arkitekto na si Antonio Gaudi na isang mapagmahal sa kalikasan.
Martes, Pebrero 10, 2009
ANG PARAMDAM
"anak ng pating eto na naman siya sa likuran ko" bulong ni Kasuto
Sinubukan niyang kausapin ito. "taga saan ka miss?"
Di ito sumagot.
"bakit ayaw mong magsalita?" at napansin niyang unti-unti itong naglalaho hanggang tuluyang nawala.
"sus, natakot sa akin ang multo ha ha ha, ganito talaga sa bansa ko maraming kaluluwang ligaw, buti na lang at di kami naniniwala sa kaluluwa, ang alam namin ay ang mundo ang paraiso at kung malasin ka rito ay wala na tapos na, kung kaya't nauso harakiri rito pag nalugi sa negosyo, magpapakamatay na lang"
Hindi naniniwala si Kasuto sa multo, pangkaraniwan na ang pagpaparamdam sa kaniya. Tila isa lang itong usok sa kaniya na pinangarap niyang kausapin.
"hindi naman aabot ako sa ganuong sitwasyon, maganda trabaho ko at makakapag-asawa na rin ako sa susunod na taon, hindi ako mag papakamatay, bagkus ako ay magpapakasaya sa mundo"
Nang sumunod na araw ay maulan pa rin, nagpakita na naman sa kaniya ang multo.
"miss o misis o ate, bakit may kailangan ka sa akin he he?"
Ganoon pa rin ang nangyari, nawala itong parang bula.
"hay wag kuna nga pansinin yun"
"bakit di ka naniniwala sa amin?" wika ng multong babae
Kssssst!!!!!!! (preno ng sasakyan)
Nagulat si Kasuto, biglang hininto niya ang sasakyan at lumabas dito.Sandaling nagulantang sa nangyari.
"sus, nagsasalita pala yun kinabahan ako ha"
"brod, bawal dito huminto" wika ng isang lalaking may kasamang matanda
"pasensiya na may nagpakitang multo e"
"naniniwala ka ba roon?"
"hindi a, umihi lang ako kaya ako huminto"
"pangit na ugali ang pag-ihi sa labas wala sa kaugalian natin yan"
"pasensiya na sir" wika ni Kasuto at pumasok uli sa sasakyan, habang nilinga sa side mirror ang dalawang tao na kausap niya na basang-basa sa ulan.
"anak ng!! nawala , aba iba na to, kinukutong lupa na ako a"
Napansin niyang maraming tao sa kaniyang dadaanan. May ambulansiya narin na umiilaw.
"may aksidente na naman basa kasi ang daan"
Huminto siya at nagusyoso. Hindi siya makapaniwala sa nakita.
"aba, ito ang mag-ama kanina nakausap ko, patay sila sa aksidente, ibig sabihin multo na sila"(nginiiig)
Nakita niya ang nakabangga sa mag-ama, isang Pajero na kapareha ng sasakyan niya. Buo ang likuran nito. Kinabahan siya sa nakita. Tinungo niya ang unahan ng sasakyan na bumangga rin sa isang malaking bato, marahil sa pag-ilag sa tumatawid na mag-ama.
Nagulat siya sa nakita, ang driver nitoy patay na at ang kaniyang katawan ay nahati sa dalawa sa pagkakaipit sa wasak na wasak na unahan ng sasakyan. Nakita ni Kasuto ang kaniyang sarili sa katauhan nito, maya-maya pa ay:
"naniniwala ka na siguro, kasi kasama ka na namin, halika na" wika ng babaeng nagpapakita kay Kasuto.
"hindeee! hindi ako patay hindeee!!!!" sigaw ni Kasuto
ANG PAMILYA NG ASWANG
Si Tonio ay may dalawang anak na lalaki na lubhang mahal na mahal niya. Nasa ika apat na grado na ang panganay na si Dong at ikatlong grado naman ang bunso na si Nunoy. Maagang namayapa ang kanilang ina ng maaksidente ito sa bayan ng Capiz ng isang araw na nagnegosyo ito. Mag-isang tinaguyod ni Tonio ang pagpapalaki sa anak. Ang mga anak ay ang itinuturing niyang mga anghel na magliligtas sa kaniya sa kahirapan.
May lahing aswang si Tonio, siya ay nagpapalit ng anyo ng iba't-ibang hayop base sa kaniyang kagustuhan. Ipinaliwanag niya ang taglay na kapangyarihan ng kanilang lahi sa dalawang anak upang hindi sila mabigla kalaunan. Naintindihan naman ito ng mga bata at nangakong di gagamitin ang kapangyarihan sa kasamaan lalo na't sasapit ang kabilugan ng buwan.
Isang araw ay nagbilin siya sa kaniyang mga anak na luluwas ng bayan at doon na magpapalipas ng gabi at kinabukasan na uuwi.
"Dong wag kayong mag-aaway ng kapatid mo ha, matulog ng maaga at luluwas lang ako ng bayan upang mamakyaw ng paninda"
"opo itay, ako na po ang bahala kay Nunoy"
"tay pasalubong po a gusto ko yung baril-barilan" wika ni Nunoy
"sige mga anak ako ang bahala sa pasalubong niyo"
"yeheeey salamat po tatay" wika ng mga bata
Habang sa kasagsagan ng gabi, napansin ng mga bata na mapula ang buwan at sila ay nag-alala.
"Noy, kabilugan pala ng buwan ngayon. mag-iiba tayo tara at gamitin natin sa paglalaro"
"sige kuya pero sabi ni tatay, bawal mag sa leon o tigre kasi baka makasakit tayo ng tao"
'sige, maghabulan tayo" at biglang nagsapusa si Dong
Hinabol naman siya ni Nunoy na nagsa aso at ng maabutan ay nahawakan si Dong na naghulagpos at nagsa ahas. Nakawala ito kay Nunoy dahil madulas kaya't nagsa ahas din din ang huli at nagpuluputan ang dalawa sa lupa. Kumawala si Nunoy sa lakas ng kapatid at nagsa ibon ito at lumipad. Hinabol ito ni Dong na nagsa ibon din.Malayo ang kanilang narating ng biglang dinagit ang dalawa ng isang malaking agila.Kaagad na pinatay ang dalawa sa nakakuyom na mga daliri nito. Dinala ito sa isang puno at doo'y kinain. Busog na bumaba ang agila mula sa puno at nang mag-aalas 4 na ng madaling araw ay nagbago ng anyo, ito pala ay si Tonio.
"burrrrp hay, salamat at nairaos ko ang sumpa sa pamamagitan ng isang agila, mabuti na ito at di nakakapaminsala sa mga taong lupa, ayos na ang hapunan ko isipin mo nakatsamba pa ako ng dalawang ibon sa madilm na langit, maya maya lang babalik na ako sa mga anak ko siguradong gutom na mga yun alam kong kinontrol nila ang sumpa sa pamamagitan ng paglalaro di ko pa naman naabisuhan na kabilugan ngayon, ay naku ang mga pina kamamahal kong mga anak miss ko na sila"
Wala ng daratnan si Tonio, ang kaniyang mga anak ay kaniya nang iluluwal mamaya sa palikuran sa likod ng kanilang bahay.
ANG MATALIK NA MAGKAIBIGAN
"lucy kung mapapangasawa kita, ibibigay ko lahat ng gusto mo" wika ni Efren
"naku di niyo ako kayang pakainin, e magkano lang ang kinikita niyo sa pagiging labor sa constuction"
"ako naman Lucy kahit maliit lang ang sweldo ko magiging masaya tayo basta magkasama lagi sa hirap at ginhawa" wika naman ni Gardo
"tama na nga kayo, kung sino na lang ang magugustuhan ko sa inyo kalaunan, ay maswerte hi hi hi o lista kuna nakuha niyo ha?"
"sige Lucy salamat sa uulitin hi hi" biro ng dalawang binata
Nag-usap ang dalawa kinagabihan matapos ang trabaho.
"pare balang araw di na ako maghihirap yuyuko ang lahat ng tao sa akin, magiging ganap akong kilala sa lugar natin para me ipamukha ako kay Lucy" wika ni Efren
"ako naman e kung di niya ako gusto okey lang ang mahalaga yung mahal ako, balang araw titingalain din ako ng mga tao" wika ni Gardo
"me trabaho ang pinsan ko, sumama ka sa akin mamaya kung gusto mo malaki ang kikitahin natin doon, alok niya ito tiba tiba tayo"
"baka kung ano yan Efren, okey na sa akin ang trabaho ko marangal"
"bahala ka, patuloy tayong magdidildil sa tuyo kung mananatili tayo dito" wika ni Efren
"ano bang trabaho yun?" tanong ni Gardo
"dun na lang natin aalamin"
"pare ikaw na lang marami pa akong gagawin bukas ibig sabihin di ka papasok" tanong ni Gardo
"di na pare dun na ako magtratrabaho at sisiguraduhin ko sa sa mga taong lumalait sa trabaho natin yuyuko sila sa akin at hihingi ng paumanhin"
"bahala ka pare basta ako magsisikap, balang araw titingalain naman ako nila he he he" biro ni Gardo
"ha ha ha ikaw talaga tara at matulog na tayo"
Lumipas ang isang linggo habang nagpipintura si Gardo ay sinigawan siya ng isang kaibigan.
"Gardo! alam mo na ba ang nangyari kay Efren!"
"ha! bakit ano nangyari!"
"mamaya pumunta tayo sa kanila!"
Patay na si Efren, nabaril habang nag-hoholdap ng banko sa bayan. Natupad ang kaniyang pangarap. Ang mga tao ay isa-isang yumuyukod sa kaniyang harap sa loob ng isang kahon na may salaming bubog.
Tinitingala naman ng tao si Gardo sa pagiging isang pintor ng mga mural sa malalaking gusali na kaniyang natutunan sa masikap na pagtiya-tiyaga at kumikita ng sapat para sa kanilang mga anak ni Lucy.
Lunes, Pebrero 9, 2009
ONCE UPON A TIME IN PEKING
“hi, how are you?, my name is Lu Yong
“hi I'm Jay”
“what nationality are you, how long you’ve been here?”
“I do business here, I'm working in an architectural company by the way
I'm a filipino”
“fei lu bin that’s part lower south of China”
“yeah, you’re good in english”
‘I study english regularly, my school provided that, here in China if you can speak
english you get a good job for a chinese people like me , are you an architect?”
“nope i’m more on engineering, I've been here since last 8 months”
“how do you find China?”
“cold, nice people, nice food”
“I'm a student from art school just near Tianamen, have you been there”
“yeah last week with my boss Vincent Cheng, nice park”
“do you remember something there from the past?”
“yeah, the people revolution fighting for democracy”
“yeah you got it, can I have you a question Jay?”
“sure, you’re in a middle of many questions”
“ha ha ha, thanks, do you agree that Communism is good?”
“yeah, it’s also good, state is more important than people, I learned that during my high
school times hi hi hi”
“sometimes I do not believe in what you said, but I wonder many people like it”
“past is different from now Lu, you’re country open the door inspite of that”
“have you heard that many lose their lives there in Tianamen?”
“yeah about hundreds”
“no ,communism block all the foreign reporters that time, a total news blackout”
“do you mean a thousand died there?”
“yeah more than a thousand when supporters become big to agree what they're fighting for”
“I'm totally shock in what you said I thought that it's a mild situation & under control”
“thats the real story and many people didn’t know about that”
“by the way Lu, do you want coffee, or something?”
Thanks Jay, im ok, thanks for the time you will find me there in a dimsum house, my aunt owned that”
“ok I'll drop there sometimes this week Lu, thanks too for the info”
Jay noticed the ID of Lu left on top of the concrete park chair where they seated. He immediately call Lu but
he was gone already. He decided to go to the dimsum house few meters from the park to find Lu Yong.
“nin hao ma? wo fengyou Lu Yong, wo yao gei ta ID” Jay says to Aunt Xiao
‘you can speak english, don’t worry I'm educated like him” she replied
“sorry I thought you don’t understand English”
“common sit, I'll bring you some tea, its September now so you will taste the sweetness of our
mooncake for free”
‘thanks, but I'm just giving his ID to him, is he there?”
“you’re the 13th foreigner experienced this kind of situation, Lu Yong was one of the victim of Tianamen Massacre
he come and come yearly to say what he want to say to a foreigner like you”
Jay was shock upon looking of Lu’s picture in a frame attached to the wall looking at him with the same clothes he wear
a while ago.
Linggo, Pebrero 8, 2009
ANG ALITAN
isang palengke sa Cubao. Napatingin ang karamihang tindera sa lugar.
“walanghiya kang babae kang babae ka! katanghaliang tapat dito lang pala kita makikita!” sigaw ng lalaki
Akmang magsasalita ang babae ngunit sinampal ito ng lalaki.
“wag ka ng magsalita taksil na babae, nilulustay mo lang pala ang pera ko dito ng nasa abroad ako!,
kawawa ang ating mga anak na nagugutom, nanlalalaki ka pa yata taksil!”
Isang tindero ang nagmalasakit sa nag-aaway.
“brod pag-usapan niyo yan wag dito nakakahiya”
“away mag-asawa ito brod wag kayong makialam!” wika ng lalaki
“hu hu hu hindi ko alam ang sinasabi mo hindi kita ki....!
Pak! isang sampal ulit ang inabot ng babae sa lalaki
“wag ka na sabing magpaliwanag, hudas ka! akina ang pera ko lahat ng nilustay moi!”
“hu hu hu wag maawa ka sa akin hindi kita...!”
Pak! sabi nang tumigil ka! akina ang pera ko taksil, sayang ang pagod ko sa Saudi sa panglulustay mo!”
Hinablot ng lalaki ang bag ng babae. Habang umawat ang isa pang kalbong lalaking nag-uusyoso.
“pare wag maawa ka sa babae, may dugo na labi o, pag-usapan niyo yan tama na please maawa ka!”
Bog! isang sapak ang inabot ng kalbong lalaki. Bumulagta ito sa lapag.
“sabi nang wag kayong makialam sa away mag-asawa, mamaya Elena, magkita sa bahay ng nanay ko pag-usapan natin ito maghihiwalay na tayo!”
Tumalilis ang lalaki. Pumasok sa isang eskinita at biglang naglaho.
“hu hu hu bakit di niyo ako tinulungan, hindi ko kilala ang lalaking iyon, wala akong asawa at anak, dalaga ako
hu hu hu, isang snatcher yun hu hu hu” tangis ng babae
Nagulantang sang lahat sa narinig.
Sa isang pondahan sa Sta Mesa ay kumakain ng sopas ang mahiwagang lalaki. Nilapitan ito ng isang lalaking
kalbo. Ang lalaking umawat kanina sa alitan.
“bukol! langya ka napuruhan mo ako kanina, dapat malaki parte ko” wika ng kalbong lalaki
“utot mo, mas mahirap ang ginawa ko pang famas yun, tara kain ka na at bukas uli sa Alabang naman”
ARAL: Mag-ingat sa ganitong sitwasyon mga kababaihan.
Sabado, Pebrero 7, 2009
ANG MANLALAKBAY
"masisislipan ko si Merle habang naliligo hi hi hi, makikita ko ang secret ni Lani, makakapasok ako sa mga hotel upang mamboso he he he" isip ni Michael
"pare delikado yang gagawin mo e kung di ka na makabalik at mamatay ka ng tuluyan" payo ni Rudolf na kaibigan nito habang kausap sa telepono ang kaibigan
"pare its a matter of adventure, i will travel saan man sa mundo ika sa aklat" sagot ni Michael
"oo nga but its weird pare parang mahirap gawin kung gusto mo ikaw na lang"
"bahala ka pare, hayaan mo bibisitahin kita kapag naliligo ka na para naman makita ko bulitas mo ha ha ha!"
"luko-luko ka talaga, decision mo yan so go for it!"
Nag-isip si Michael ng lugar kung saan gagawin ang ritual.
"sa isang gubat ako pupunta o bundok, maybe sa Mt. Apo or Banahaw, sa lugar kung saan tahimik at bihirang marating ng tao" bulong ni Michael
Nag leave si Michael sa kaniyang trabaho. Naghanda siya ng mga gamit patungong Mt. Banahaw malapit kasi ito sa maynila. Dito ay isinagawa niya ang ritual. Nahiga siya sa ilalim ng puno. Tahimik ang paligid tanging ibon lang ang maririnig at galaw ng mga dahon ng puno. nagdasal siya ng taimtim base sa nakasaad sa aklat at makalipas isang oras ay nakaidlip. Magtatakip-silim ng makita niya ang kaniyang katawan na nakahimlay habang lumilipad ang kaniyang kaluluwa papaitaas.
Naglalakbay na ang kaniyang kaluluwa. Napagtagumpayan niya ang ritual. Tuwang-tuwa siya at nakalilipad siya ng mabilis at mataas. Tinungo niya ang kanilang lugar.
"hi hi hi!, ang laki pala ng kay Merle, ha ha ha Rudolf jutay ka pala he he he, hi Lani ang ganda mo pag natutulog"
Pinasok niya ang mga hotel.
"ha ha ha ang gagaling niyo marami akong natutunan!"
Napansin niya ang kalangitan. Minsan na ring siyang nangarap na maging astronaut noon bata pa siya.
"lilipad ako pupuntahan ko ang mga planeta he he he"
Nakarating siya sa itaas, pinagmasdan ang ganda ng solar system. Umikot pa siya sa iba't-ibang mga bansa.
"ha ha ha hindi ito panaginip ito ay totoo, ang saraaaap!!!!"
Makalipas ang mahabang oras ng paglalakbay ay bumalik na si Michael sa bundok kung saan nakahimlay ang kaniyang katawan. Labis siyang nagtaka sa nakita. Ang kulay berdeng kagubatan ay nabahiran ng kulay lupa. Mabilis na tinungo niya ito.
Isang landslide ang nangyari. Umulan sa kagubatan at sa parteng iyon ng bundok kung saan nakahiga ang kaniyang katawan ay naguho ang lupa. Bunga na rin ng ibang taong malupit sa kalikasan sa pagpuputol ng mga puno. Nadamay ang isang barangay sa ibaba. Nagbuwis din ng buhay ang karamihan. Natulala si Michael sa nangyari. Nabaon na ng buhay ang kaniyang katawan sa lupa. Napakalalim nito upang makuha pa.
"hindeee!, katawan ko tulungan niyo katawan ko!!!"
Bingi ang karamihan sa mga taong naghahanap ng mga survivor sa guho. Di siya naririnig ng biglang:
"pare, tara humawak ka sa akin" wika ng isang lalaki
"pare, tulungan mo ako!" wika ni Michael
" oo pare hawak-hawak tayo aalis na tayo dito, mga kasama tara na!!!"
Sabay-sabay na pumaitaas ang mga kaluluwa ng mga nabaon sa guho kasama ang kaluluwa ni Michael.
Biyernes, Pebrero 6, 2009
ANG DAIGDIG NI PONG
"pero parang ayoko dito" sagot ni Salome
"halika isasama kita doon sa gawi roon, maganda ang tubig ng ilog at makalalakad ka sa ibabaw nito"
"natatakot ako doon, maraming malalaking paru-paro"
"wala yun Salome iyon, ang tawia namin doon ay mga lambana, mga diwatang maliliit, maamo sila at di nakapananakit, lahat ng imposible sa inyong mundo ay naririto"
Sumama si Salome kay Pong, isang duwende sa kabilang daigdig. Sa kanilang paglalakad ay napansin ni Salome ang tila gintong lupa na nabudburan ng iba't-ibang kulay ng petal ng bulaklak. Walang hangin sa lugar, ngunit nakakahinga sila ng maluwag. Pirmis ang mga dahon sa paligid. Mga halamang wala sa normal na daigdig.
Sa murang edad ni Salome ay nabibighani siya sa kagandahan ng paligid. Sa susunod na buwan ay ipagdidiwang niya na ang kaniyang 13 kaarawan, papasok sa mundo ng pagdadalaga at paalis na sa mundo ng kamusmusan.
"bakit maganda sa lugar niyo Pong?"
"sa aming lugar ay nagkakaisa ang lahat, ang namumuno ay patas at walang korupsiyon"
"anong korupsiyon?"
"iyon ay ang pagnanakaw ng isang bagay na nakalaan sa para sa lahat, ito ay kakamkamin niya ng pansarili lamang"
"ay ganoon ba iyon?"
"oo, pamana na ng mga kastila ang ganoong pamamaraan noong kayo ay nasasakupan pa nila"
"talaga!"
"kung ako sa iyo dito ka na manirahan" alok ni Pong
"ayoko e, ang inay at itay ko hahanapin nila ako"
"di ka nila hahanapin kasi busy lagi sila sa trabaho nila at si lola mo lang ang umaasikaso sa iyo"
Umiyak si Salome. Ayaw niyang iwanan ang daigdig na kinagisnan. Inamo siya ni Pong.
"sige di kita pipilitin pero payagan mo akong bisitahin ka lagi minsan isang linggo at baka magbago rin ang isip mo"
"oo ganon na lang siguro"
"alam mo Salome nabighani ako sa iyong kagandahan, gusto sana kitang makaisang dibdib at ipakilala sa aking amang hari"
"di tayo bagay Pong maliit ka e"
"di hadlang iyon magiging maligaya ka sa piling ko pangako"
"tatlong beses pa lang tayo magkakilala gusto muna ako" wika ni Salome
"oo Salome, nabihag mo ang aking puso"
"pag-iisipan ko pa Pong, hatid muna ako sa amin"
Hinatid ni Pong si Salome. Dumaan sila sa napakaliwanag na lagusan at pagkadaka'y dumilim. Dumilat si Salome.
"Diyos, salamt po!" sigaw ng ina ni Salome
"nurse, tawagin mo ang Doktor, dumilat at nagkamalay na ang anak ko" wika ng tatay ng bata
"that's a good sign, wala na ang comatose ng anak niyo, ligta s na siya" wika ng Doktor
"inay! kumusta po kayo?"
Niyakap ng ina ang anak.
"alam mo bang isang linggo kang nasa ospital anak wala kang malay, Nakita ka namin na nakahandusay sa kabilang bakuran malapit sa punso"
Ipinaliwanag ng bata ang nangyari sa kaniya na tatlong beses na niyang nakausap ang duwendeng si Pong. Umakyat siya isang araw sa tatlong piye na punso at nadulas at gumulong. Nabagok siya sa lupa at nawalan ng malay.
Iniwan na nila ang lugar na iyon at ibinenta ng ama ni salome ang kanilang lupa at bahay. Lumipat sila sa siudad na malayo sa rural na lugar.
Isang araw sa dating lugar nila Salome ay tinibag ng isang magsasaka ang nasabing punso.
"kaya pala napakaraming anay sa bahay na nabili ko e ito ang bahay nila"
Pinatag nito ang lugar at tinaniman ng mais.
Huwebes, Pebrero 5, 2009
PILOSOPO TOTO
pilosopo sa lugar. Madalas siyang mahuli sa pagpasok kung kaya’t nanganganib na
siyang matanggal sa trabaho. Sumakay siya ng jeep patungong opisina.Napansin niyang
duling ang drayber ng jeep at gusto niya itong dayain. Otso peso ang minimum sa pasahe
at inabutan niya ito ng kwatro piso.
“san galing ito?” tanong ng drayber ng magbayad si Toto
“sa bulsa ko” sagot nito
“alam ko sa bulsa mo, saan bababa?”
“e di sa jeep niyo”
“brod di ako nakikipagbiruan sa inyo”
“oo nga di ba drayber kayo?”
“e lahat ng sinasabi mo mali e”
“tama naman a, galing iyan sa bulsa ko at bababa ako sa jeep niyo”
“oo na nga , kulang ang bayad mo otso ang minimum?’ wika ng drayber
“oo nga di ba otso yan?”
“oo otso ito e kaso bayad ng kakambal mo kapatid mo ba yan?”
Natalo si Toto ng oras na iyon sa biruan walang nagawa kundi ibigay ang kwatro piso pa.
Papasok sa opisina ay nakasalubong siya ng kanilang sekretarya.
“hi!” bati nito
“low” sagot ni Toto
“antipatiko” bulong ng babae
“antipatika” bulong ni Toto
Nasalubong niya ang amo niyang saksakan ng taba.
“late ka na naman, lagi na lang puro warning ka na sa akin”
“sir sorry po trapik lang”
“sige trabaho na, marami ka pang lalakarin”
“sir mamasahe po ako mahirap maglakad”
“a letse sige na nga, pilosopo!”
Nakatalikod na ang amo ng bumulong si Toto.
“talaga itong si Santa oo, magpapasko na kasi kaya kaging putak ng putak”
“ano sinabi mo! si Santa kamo ganun ha, siSante ka na ngayon!” galit na wika ng amo na narinig
ang bulong ni Toto.
Tanggal sa trabaho si Toto lulugo-lugong umuwi ito. Sa kaniyang paglalakad ay nadapa ito. nakita siya ng duling na
drayber ng jeep na kaniyang nasakyan kanina.
“o, ilang dalag nahuli niyo, kasi naman maghiwalay naman kayo lagi kayong magkadikit!” biro nito sabay andar ng jeep
“hoy teka! para!” sigaw ni Toto
“puno na pare!” pahabol ng drayber
“letseng buhay ito o, hirap pa namang sumakay dito” bulong ni Toto
Beeeep!!! nahagip ng jeep si Toto..
“sir sir! wika ng drayber, gising na po garahe na po kami” wika ng drayber ng jeep na sinasakyan ni Toto
‘a e, grabe nakatulog ako, teka di pa pala ako ngabayad ito o, sayo na sukli, thank you ha”
“sir malaki ito malayo pa ang pasko ha”sagot ng drayber
“okey lang yan isang buwan na lang e, grabe nanaginip ako ha, sige pare”
“merri krismas ser” wika ng drayber
“meri krismas din” sagot ni Toto
Nagbago na si Toto simula ng araw na iyon.
Miyerkules, Pebrero 4, 2009
ANG ILOG SA SAN ROQUE
Isang araw ay inaya ng ama ni Maria ang tatlong manliligaw ng anak sa kabilang baybay San Roque sampung kilometro mula sa kanilang tahanan. May ilog dito na may 40 metro ang luwang na kadugatong ng dagat sa kabilang bundok. Kinausap nito ang tatlo.
"mga anak, ako ay may pagsubok sa inyo, kung talagang mahal niyo ang anak ko ay gagawin niyo ito"
"opo!" sagot ng tatlo
"sa kabila nitong ilog pagtawid ay may bulaklak ng orkidyas, ito ay inyong kunin at ibigay sa aking anak na dalaga, magugustuhan niya ito, ang sunumang makakuha ay malaki ang tyansa na makaisang dibdib ng aking anak. Kung patas ang labanan ay humanda sa isa pang pagsubok"
"kaya po namin iyan" sagot ng tatlo
"nga lang e me balakid, ang ilog ay di pwedeng gamitan ng bangka, at delikado ring languyin, kayo gawin niyo ang inyong makakaya" paala-ala ng matanda
Sandaling nag-isip ang tatlo. At naibulong nila sa sarili:
Berto: baka may buwaya at mapatay ako kaya delikado, marami namang babae diyan saka na lang ako susubok ng iba" (bulong nito)
Nagpaalam si Berto sa matanda na hindi niya kaya ang unang pagsubok at malugod na tinanggap niya ito.
Johnny: Bakit kaya delikado, wag na lang baka ikapahamak ko pa sayang ang buhay ko. (bulong nito)
Nagpaalam si Berto sa matanda na hindi niya kaya ang unang pagsubok at malugod na tinanggap niya ito.
Minanmanan naman ni Ramon ang ilog. Tahimik ang agos nito ngunit magalaw ang tubig. Makalipas ang sampung minuto ay tinawid niya ang dose pulgadang lalim ng ilog ng sa pamamagitan lang ng paglalakad at nakuha niya ang bulaklak. Kinabukasan ay ikinasal ang dalawa.
Natuwa ang matanda sa galing ni Ramon, di siya nagkulang ng paala-ala sa dalawang sumuko sa pagsubok. Tama naman siya at delikadong languyin ang ilog sapagkat mababaw ito at masusugatan ang mga tuhod at braso sa ilalim, di rin pwedeng gamitan ng bangka sa kadahilanang sasayad ito sa ilalim.
ARAL: Pag-aralan ang lahat ng pagsubok na gagawin bago magdesisyon
Martes, Pebrero 3, 2009
THANK GOD IT'S FRIDAY
Maganda si Cely, mukhang dalaga pa ito sa kaniyang pananamit at itsura. Gwapo pa rin naman si Rafael. Nagplaplano silang mag-asawa na bigyan ng kapatid ang kanilang panganay ngunit naging balakid ang kanilang pagkabisi sa trabaho. Isang araw ng biyernes ay dumating ng lasing si Rafael sa kanilang bahay. Nabuksan niya ito sa kaniyang dalang susi. Pumasok siya sa silid at niyakap niya ang nakahigang katawan sa kama, hinalikan at pagkaraka'y nag-alab ang kanilang damdamin. Naging masaya ang kaniyang pagtulog sa silid na iyon.
Kinabukasan, masarap ang gising ni Rafael sa kanilang magulong kama.
Nakita niyang naka uniporme pa ang kaniyang misis na naghahanda ng almusal.
"o papasok ka ba, walang pasok a, sabado di ba?" wika ni Rafael
"kadarating ko lang ano, doon ako natulog kina Jane kasi alas 3 madaling araw na kami natapos sa accounting sa opisina, alanganin na ang pag-uwi, sorry Dear ha dami kasi ng pagbabalanse namin sa account e, minsan lang naman iyon"
Sandaling natigilan si Rafael at napatingin sa ina ni Cely sa labas na nagdidilig ng halaman at pasipol-sipol pa.
ARAL: HUWAG UMUWI NG LASING NA LASING
Lunes, Pebrero 2, 2009
ANG 25 PISO
pagod at naiinis, nang maratnan niya ang kaniyang maliit na anak na
naghihintay sa kanya sa may pintuan.
"Tatay, puwede po bang magtanong?" "Sige, ano yon?" tugon ng ama.
"Tatay, magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras?" "Wala ka na
roon... ba't ka ba nagtatanong pa ng ganyan, ha?" galit na sinabi ng
ama.
"Gusto ko lang po kasing malaman... sige na po, pakisabi n'yo na po
kung magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras?" ang paki-usap
ng paslit.
"Kung kailangan mo talagang malaman ay nakaka-50 pesos ako isang
oras."
"Ah," tugon ng paslit habang nakayuko at lumingon paitaas sa kanyang
ama
upang sabihin...
"Tatay, puwede po bang maka-utang sa inyo ng 25 pesos?"
Lalong nagalit tuloy ang ama.
"Kung ang dahilan lang ng pangungutang mo ay para makabili ka ng
walang kwentang laruan o walang katuturang ibang bagay, mabuti pa...
pumunta kang diretso sa kwarto mo at matulog ka na, at isipin mo
kung bakit ka nagiging makasarili."
"Nagpapakahirap akong magtrabaho araw-araw, wala akong panahon sa
ganitong pambatang kalokohan."
Tahimik na nagtungo ang bata sa kanyang silid at isinara ang pinto.
Naupo ang lalaki na lalong nagalit tungkol sa mga tanong ng paslit.
"Lintik na bata yon ah, magtatanong ng gan'un para lang makakuha ng
pera."
Makalipas ang higit sa isang oras, ang lalaki ay nahimasmasan at
nagsimulang mag-isip na masyado naman yata siyang naging marahas sa
kaniyang anak.
"Siguro mayroon
talagang importanteng bagay siyang bibilihin sa
halagang 25 pesos... Kung sa bagay, bibihira naman siyang manghingi
ng pera, eh."
Kung kaya't ang lalaki ay nagtungo sa silid ng kanyang anak at
binuksan ang pinto nito.
"Tulog ka na ba, Anak?" tanong niya.
"Hindi pa po, Tatay. Gising pa po ako." tugon ng bata.
"Ini-isip ko na sobra naman yata ako sa `yo kanina, eh," ang sinabi
ng lalaki.
"Medyo napagod kasi ako maghapon, kung kaya't ikaw tuloy ang
nabalingan ko... O, heto na ang 25 pesos na hinihingi mo."
Naupo kaagad ang paslit habang nakangiting kinuha ang pera at
malakas na nagsabing, "Salamat po, Tatay!"
Pagkatapos ay mayroong ina-abot ang paslit sa ilalim ng kanyang
unan, at saka binunot ang mga gusut-gusot na pera
"Kasi po ay kulang pa po ang pera ko kanina... Pero, ngayon po ay
kumpleto na po," ang tugon
ng paslit.
"Tatay, mayroon na po akong 50 pesos ngayon... Puwede na po bang
bayaran ko na lang po ang isang oras ninyo... para po... umuwi po kayo
ng maaga bukas, ...kasi po, gusto ko pong magkasabay naman po tayong
kumain kahit po sana sa hapunan, eh."
Sa sinabing iyon ng kanyang anak, natigilan ang ama... dali-dali niyang
niyakap ang kanyang anak!
Linggo, Pebrero 1, 2009
ANG HULING SANDALI NI RUFO
“sa BIR road pare malapit sa LTO” sagot ni Rufo na isang notorious na holdaper
sa kamaynilaan.
Kasama niya si Turko na isang kaibigan at isang salot din ng lipunan. Mag 30 anyos na si Rufo sa susunod
na buwan. Nagkaanak siya kay Luisa na isang katulong na kaniyang nakilala. Tumira sila sa Litex sa
lungsod ng Quezon at biniyayaan ng isang anak na lalaki. Disinuwebe anyos si Rufo ng magsimulang
mang-holdap dahil sa kahirapan ng buhay. Naghiwalay ang kaniyang mga magulang at siya’y iniwang
palaboy sa lansangan. Dito niya nakilala sina Turko at ang iba pang mga kasamahang palaboy na
minalupitan ng tadhana. Sa kaniyang pagiging holdaper ay di pa siya nahuhuli at di pa rin siya nakapapatay.
May takot pa rin siya sa Diyos. SI Turko ay nakapatay na ng mga apat. Naging piping saksi si Rufo sa kanilang
mga krimen. Nakokosensiya rin siya sa kaniyang gawain nguni’t wala siyang ibang pagkakakitaan. Itinutulak nila
ang kanilang nakaw sa isang tao sa Masangkay Maynila at dito ibinebenta ng mga kasamahan.
Nagplano na si Rufo na huling krimen na niyang gagawin ito. Magpapakalayo sila ng kaniyang asawa
at doon na maninirahan. Di niya ito sinasabi sa mga kasamahan sa takot na siya ay pagbalingan ng galit
ng mga itoi at patayin. Ngun’it pinaliwanag niya sa mga ito na siya ay magpapalamig muna sa pagka-
linga sa kaniyang anak na sinang-ayunan naman ni Turko. Huling hirit niya ang holdap na gagawin
sa mga oras na iyon upang magamit ang pera sa planong pagbabagong buhay.
“mukhang huling biyahe muna to pards” wika ni Rufo
“opo, pagarahe na nga po ako, kanina pa akong madaling araw” sagot ng driver
“marami ka yatang anak kaya kayod marino ka”
“di naman, binata nga ako e, sa katunayan malungkot ako dahil sa pag break sa akin ng syota ko”
“ilan taon ka na ba?”
“32 na ako gusto ko na nga mag-asawa at magkaanak”
“oo masarap ang buhay pamilya lalo na me anak na tutulong sa iyo pagtanda mo”
Bigalng umiyak ang driver.
“hu hu hu, walanghiya siya pinaasa niya ako sasama pala siya sa iba!
“a...a bakit pare, wag kang mag histerikal tumingin ka sa manibela!” bilin ni Rufo
Gumewang ang taxi.
“hayup siya ayoko nang mabuhay sa mundong ito ayoko na!!!!!” sigaw ng driver
Ibinangga ng driver ang taxi sa isang pader sa bilis na 100 KPH. Lumabas si Rufo sa unahan ng kotse.
Lumagapak ang kaniyang katawan sa semento. Nanlabo ang kaniyang paningin at tuluyang nalagutan
ng hininga. Kapwa wala ng buhay ang tatlo. nadamay sina Rufo sa di inaasahang aksidente. Di na
naisakatuparan ang pag-asang magbagong buhay.
Sabado, Enero 31, 2009
ANG KALBARYO NG ISANG INA
Isang ina si Meng. Iniwan siya ng kaniyang asawa sapul magkaanak sila. Mag-isa niyang itinaguyod ang anak.
Naglingkod siya kay Cynthia na kaniyang amo. Ang kaniyang serbisyo ay walang bayad maliban sa pagkain niya
rito ng tatlong beses isang araw. Sa ganoong sitwasyon ay kuntento na si Meng sa kaniyang buhay. Madalas siya
sa kusina. Nagbabantay siya ng bahay kung wala ang kaniyang amo. Wala rin siyang day-off maliban sa paglabas
labas ng kaunti sa kanilang bakuran paminsan-minsan kasama ang anak upang ipasyal.
Maraming gustong lumigaw kay Meng ngunit pinipigilan ito ni Cynthia. Ayaw niya muling maulit ang kalbaryo nito.
Maganda si Meng maputi at bata pa. Napansin siya ni Rodolfo na kaniyang kapit-bahay. Naging malapit siya
rito ng magkatagpo sila ng tingin. Kinakarga ni Rodolfo ang anak nito. Tuwang-tuwa siya rito. Maganda kasi ito katulad
ng kaniyang inang si Meng.
Laging tinatawag ni Rodolfo si Meng kapag nakikitang lumalabas ng bahay. Pinapansin naman siya ng huli. Isang
araw ay humahangos si Lando kina Cynthia upang ibalita na nadisgrasya ang mag-ina sa labasan. Narinig ito ni
Rodolfo at dali-daling humangos sa lugar ng kaganapan ng sakuna.
Nanibugho siya sa nakita. Nakabulagta na si Meng, naliligo sa sariling dugo ang kawawang ina. wala na itong buhay.
Kaagad na hinanap ni Rodolfo ang anak nito. Dumami ang tao sa paligid. Pinanonood ang kawawang mag-ina. Nakita
ni Rodolfo ang anak ni Meng sa ilalim ng jeep na nakabangga. Naghihingalo itong tumingin sa kaniya. Bago ito nalagutan
ng hininga ay nakapagsalita pa ito kay Rodolfo.
Ang kaniyang nasambit ay meoww!!..at umuwi na si Rodolfo ng may panghihinayang. Dumating ang mga alagad ni
Fernando upang linisin ito.
ARAL: Suriing mabuti ang kwento bago manibugho.
Biyernes, Enero 30, 2009
ANG MUSIKA SA SEMENTERYO
Sa isang sementeryo sa Estados Unidos ay takot na takot na nag-ulat sa istasyon ng pulis patungkol sa
musikang naririnig tuwing sasapit ang tahimik na gabi. Ang nasabing musika ay nanggaling sa ilalim ng
lupa na maaaring isa sa mga nakalibing roon. Una ng napaulat ito ni Kurt Norman na nakatira malapit
sa nasabing sementeryo. Base sa kaniyang salaysay ang musika ay nanggaling sa isang istasyon ng radyo.
Nagsadya ang isang empleyado ng istasyon ng radyo kasama ang ilang imbestigador sa lugar na iyon.
At kinagabihan ay narinig nila ang mahinang musika sa ilalim ng lupa. Tuloy-tuloy ang musika sa bawat-araw
di nga lang marinig sa umaga dahil sa ingay ng mga sasakyan.
Habang nag-iimbestiga si Lt. Sanders sa nasabing musika ay napansin niya isang araw ng mag-aalas tres
ng hapon ang isang lalaking may binubuksan sa lapida ng isang libingan sinita niya ito. Ang nasabing
lalaki ay kapatid ng taong nakalibing. Sinabi niyang ang kaniyang kapatid ay mahilig sa musika. Huling kahilingan nito
na kung siya ay mamatay ay bigyan siya ng musika sa kaniyang labi. May radyo sa nitso nito na kasabay inilibing.
Ang linya ng baterya ay nakalabas sa lapida sa ibabaw ng lupa at lingguhan niya kung palitan ang baterya nito.
Nakalabas din ang pihitan ng “volume” upang mapalakas o mapahina, may tabing ang nasabing aparato upang di mabasa
ng ulan na nakatago sa likod ng lapidang de bukas. Isinangguni nila ang kaso sa lokal na pamahalaan
at sa pamunnuan ng sementeryo. Sumang-ayon naman na panatilihin ang radyo sa ilalim ng lupa sapagkat malaking
abala ang pag-alis nito napagsangayunan na hinaan na lamang ito.
Ang nasabing DJ ng radyo na nag imbestiga ay laging may katagang “we are on the air even six feet from the ground”